
Subukan mo ang Bagong Looks, Ayusin ang Typos, Mag-Set ng Reminders & Marami pa
Araw-araw, ang Snapchatters ay gumagawa ng higit pa sa 5 bilyong Snaps on average para mag-communicate visually sa mga kaibigan nila. Ngayon ay nagdadagdag kami ng bagong features para makatulong sa Snapchatters na mas mabilis na maka-connect, ma-express ang sarili nila sa mga bagong paraan, at gamitin ang My AI para mapanatiling organized sa gitna ng ka-busyhan ng mga buhay at iskedyul:
Editable na Chats — Kapag may nagawa kang typo o may hindi tama sa pagkakasabi mo, i-edit ang messages mo hanggang 5 minuto pagka-send mo nito, bago pa makapag-reply ang kaibigan mo! Malapit nang magkaroon ang feature na ito at magiging available muna sa mga Snapchat+ subscribers.

Emoji Reactions — Mula ‘22 Ang Snapchatters ay may option na na mag-react sa chat gamit ang kanilang Bitmoji para mabilis na maipadala ang response nila tulad ng laughing out loud 😂 o pagchi-cheer sa kaibigan 🔥. Ngayon, mag-react gamit ang kahit anong emoji para ma-express kung ano ang nasa isip mo.
My AI Reminders — Kung gusto mong maalala ang nalalapit na deadline, o gusto mong magsimula ng countdown hanggang weekend, sabihin mo lang sa My AI para bigyan ka ng reminder sa direct chats o sa isang conversation sa isa pang kaibigan! Sa isang quick message, ise-set up ka ng My AI sa isang in-app Countdown para wala kang mami-miss na moment.
Map reactions – Para sa mga pumiling i-share ang location nila sa mga kaibigan nila, nagdadagdag din kami ng bagong paraan para magsimula ng conversations mula sa Snap Map! Magpadala ng wave kapag nagkita kayo sa daan sa pag-commute ninyo sa umaga o ng heart kapag nakita mong nakarating na nang safe ang kaibigan mo sa destinasyon niya.
Sa Snapchat, ang community natin ay nage-express ng sarili nila sa maraming mga paraan – sa conversations, sa Lenses sa ating Camera, at pati na rin sa mga damit! Gamit ang AI-powered na features, ang community natin ay magagawa na ang mga ito:
Mag-create ng custom Bitmoji looks – Maglagay lang ng maikling description, at konting tulong mula sa AI, ang Snapchatters ay makakapag-design na ng kanilang sariling digit na mga damit para sa kanilang Bitmoji. Mag-generate ng unique na patterns tulad ng "vibrant graffiti" o "skull flower," at mag-tap sa iyong favorite para mag-edit at makitang mag-transform ang mga damit mo.
I-express ang mga sarili nila sa mas marami pang AI powered Lenses – Sa isang simpleng Snap, makita ang sarili mo sa dating panahon gamit ang 90s AI Lens.
Happy Snapping!