New Year, New Ways to Snap

To kick off the new year, we’ve added a slew of new features to Snapchat messaging that make chatting with your real friends more fun and expressive.
Para simulan ang bagong taon, nagdagdag kami ng maraming bagong feature sa messaging ng Snapchat na ginagawang mas masaya at ekspresibo ang pakikipag-chat sa tunay mong friends.  
Magiging available ang lahat ng ito sa mga paparating na araw, kaya magagawa mong mag-reply, mag-react o kahit mag-survey ng friends sa Android at iOS sa pamamagitan ng: 
  • Reply sa Chat - Masyadong maraming message sa group chat? Sa pamamagitan ng Mga Reply sa Chat, makakapag-reply ka sa mga indibidwal na message sa kasalukuyang chat para matulungan kang masubaybayan ang mga chat at makipag-usap nang may konteksto. Para magsimula ng thread, i-hold ang isang message sa Chat at i-tap ang Mag-reply. 
  • Mga Bitmoji Reaction - Sa pamamagitan ng Mga Bitmoji Reaction, mas madali na ngayong i-share sa Chat ang mga nararamdaman mo. May pitong Bitmoji na emosyon na mapagpipilian, kaya magkakaroon ka ng mabilis at madaling paraan para mag-react sa anumang message.
  • Mga Poll Sticker - Makakapag-add ka na ngayon ng mga Emoji-powered Poll sa mga Snap at Stories para mag-survey ng friends para sa kanilang mga opinyon. Gumagana sa iOS at Android ang aming mga visual na Poll, kaya magagawa ng lahat ng friends mo na sumali at maipakita ang kanilang opinyon. At idinisenyo ang aming mga Poll nang isinasaalang-alang ang transparency-makikita mo ang naging boto ng friends mo para makatulong na matiyak na mananatiling may respeto at mabait ang mga sagot. Para gumawa ng Poll, tingnan ang bagong opsyon sa Sticker folder. 
  • Pinahusay na Pagtawag - Binago namin ang interface ng aming video calling at audio calling para gawing mas masaya ang mga live na pag-uusap. Mas madali na ngayong mag-add ng Lenses at i-preview kung sino ang sumagot ng group call bago ka sumali. At sa milyon-milyong mapagpipiliang Lenses na compatible sa video calling, napakaraming paraan para ipahayag ang sarili mo. 
Happy Snapping! 
Back To News