Snap Partner Summit | New Snap Originals

Today we’re excited to announce our new slate of Snap Originals programming! These Shows span docuseries and scripted, comedies, and teen dramas — but they all have one thing in common. It’s not just the Shows that are original, it’s the way the stories are told.
Ikinatutuwa namin ngayong ianunsyo ang bagong slate ng aming Snap Originals programming!
Ang mga Show na ito ay nagpapalabas ng docuseries at scripted, comedies, at teen dramas — pero mayroon silang isang bagay na magkakapareho. Orihinal ang mga Show, pati na rin ang paraan ng pagkukuwento sa mga ito.
Ang mga ito ay personal, malapit, at ginawa sa paraan kung papaano mo ginagamit ang telepono mo ngayon.
  • Sa Two Sides na mula sa New Form, gumagawa ng paraan ang batang magkasintahan para mag-break — sabay na ikinukuwento mula sa mga punto de bista ng dalawang tauhan.
  • Ang Can’t Talk Now na mula sa New Form ay isang teen soap na nangyayari sa loob ng mga telepono ng ilang magbi-BFF na freshman sa high school.
  • Sa Sneakerheads na mula sa Indigo, susubaybayan natin ang mga kamalasan ng tatlong freshman sa kolehiyo habang tinutuklas nila ang kamangha-mangha, kahina-hinala, at pabago-bagong mundo ng kultura ng sneaker sa Los Angeles.
  • Sa Commanders na mula sa Dakota Pictures, may dalawang kinaaayawang estudyante sa high school na nakatuklas ng lumang computer na naglalaman ng misteryosong code na kayang baguhin ang tunay na buhay.
  • Ang Denton’s Death Date na mula sa Insurrection Media ay nakatuon kay Denton Little: isang junior sa high school na may petsa ng pagkamatay na sasapit na sa loob na lang ng isang linggo.
  • Ang While Black na mula sa Indigo ay isang docuseries na tumutuklas sa mga isyung panlipunan tungkol sa lahi sa pamamagitan ng mga nakakakumbinsing prangkang usapan na pinangungunahan ng author, filmmaker, recording artist, at guro na si MK Asante.
  • Ihahatid ng paparating na pang-araw-araw na palabas sa hapon ng BuzzFeed sa mga manonood ang mga pinakabagong eksena tungkol sa mga celebrity at entertainment, at ang mga OMG moment na nagpapasabog sa internet.
  • Sa Dead of Night na mula sa Bazelevs, kailangang makatakas ng teenager na babae mula sa isang naka-quarantine na lungsod na puno ng mga zombie gamit lang ang kanyang telepono.
  • Ang Compton Dreams na mula sa October Films ay isang docuseries na sinusubaybayan ang tagumpay at pagkabigo ng tatlong up-and-coming na artist mula sa Compton.
  • Sa Stranded with Sam and Colby na mula sa Bunim/Murray, nag-off the grid ang dalawang imbestigador ng paranormal na aktibidad papunta sa isang isinumpang bayan sa Pennsylvania.
Lubos kaming nagpapasalamat sa aming mga partner sa pagsama sa amin na hubugin ang kinabukasan ng mobile storytelling. At masaya kaming iulat na gumagana ang bagong pormat na binubuo namin nang magkasama!
Sa nakaraang taon lang, halos naging triple ang oras na inilaan ng mga Snapchatter sa panonood ng Shows*.  Naging hit ang Endless Summer, na umabot sa mahigit 28 Milyong magkakaibang manonood sa unang season nito**. At mahigit 40% ng mga manonood ng The Dead Girls Detective Agency na nakatapos sa unang episode ang nagpatuloy at tinapos ang buong unang season***. Na-renew na at babalik ngayong tag-init ang dalawang Snap Originals na ito pati na rin ang Deep Creek!
Sa Snap Originals, gumagawa kami ng mga kamangha-manghang Show na mararanasan halos kahit saan. Hindi na kami makapaghintay na ilunsad ang mga bagong series na ito at mas marami pa sa mga darating na buwan! Matuto pa tungkol sa paparating na Snap Originals dito.
I-enjoy ang mga Show!
Team Snap
*Snap Inc. internal data. Q4 2017 average vs. Q4 2018 average
**Snap Inc. internal data. 10/1/18–3/22/19
***Snap Inc. internal data Q4 2018
Back To News