Snap Partner Summit: New Snap Originals

Made-for-mobile shows began with Snap Originals. Today, we’re excited to reveal our new slate of shows made exclusively for Snapchat! For the first time, Snapchatters can become part of the show.
Nagsimula sa Snap Originals ang mga palabas na ginawa-para-sa-mobile. Nasasabik kami ngayong ipakita ang aming bagong listahan ng mga palabas na eksklusibong ginawa para sa Snapchat!
Mahigit sa kalahati ng populasyon ng Gen Z sa U.S. ang nanonood ng Snap Originals*. Ang isa sa mga dahilan kung bakit kakaiba ang Snap Originals ay hindi lang sa paraan ng paghahayag sa stories, pero dahil sa mga uri ng stories na sumasalamin sa iba't ibang passion, karanasan, at boses ng aming komunidad.
At sa unang pagkakataon, puwedeng maging bahagi ng palabas ang mga Snapchatter!
Ginagamit namin ang aming mga natatanging augmented reality na teknolohiya para maipalabas ang magagandang palabas na posible lang sa Snapchat. Puwede mo na ngayong matutunan ang pinakabagong dance moves mula sa ilan sa pinakamahuhusay na dancer sa buong mundo sa "Move It," na gumagamit sa custom na motion tracking Lenses ng Snap para makasunod sa bawat galaw mo.
Tingnan ang magandang bagong Shows na malapit mo nang mapanood:
Hindi Scripted
  • Coach Kev - (Laugh Out Loud) - Si Kevin Hart, na nakakuha ng inspirasyon mula sa kanyang mga sariling karanasan, ang magiging coach, best friend, at mentor mo, habang ibinabahagi niya ang kanyang pang-araw-araw na positivity at karunungan para sa sinumang gustong mabuhay nang makabuluhan.
  • Fake Up - (Mission Control Media) - Naglalaban-laban ang mga nangungunang optical illusion make-up artist sa pamamagitan ng paglikha ng sining gamit ang kanilang mga mukha na kailangan mong makita para maniwala ka. Makita ang gawa ng mga artist sa mas mahusay na paraan habang sinusubukan at nilalaro mo ang custom Lenses na nagbibigay-buhay sa mga ilusyon ng show.
  • Move It - (Stellar Studios at Little Engine Productions) - Ang kauna-unahang magandang dance show na ito, na ipinagsasama-sama ang mga pinakasikat na dance influencer, chart-topping na hits, at ang AR camera platform ng Snapchat, ay magbibigay-inspirasyon at magtuturo sa kahit na sino kung paano sumayaw!
Docuseries
  • Road Trippin’ - (Bunim/Murray Productions) - Sa docuseries na ito na ginawa ng executive producer na si Anthony Anderson, ang mag-best friend at star creators na sina Rickey Thompson at Denzel Dion ay nagro-road trip sa rural na lugar ng USA para lumabas sa kanilang comfort zone at magbahagi ng ilang kuwelang bagong adventure.
  • First Person - (Hashtag Our Stories) - Stories na ikinukuwento gamit ang Snapchat Spectacles sa mga mata ng mahuhusay na batang imbentor na gumagawa ng positibong pagbabago, habang lumalaban sila para protektahan ang ating planeta.
  • Queen of Stylez - (Glass Entertainment Group) - Wala nang hairstylist na mas huhusay pa kay Tokyo Stylez na nakakakuha sa atensyon ng mga pinakasikat na artista sa Hollywood at sa mga pinakahinahabol-habol at pinaka-demanding na kliyente.
  • Life By The Horns - (21st Street Creative) - Subaybayan si Ezekiel Mitchell, isang 22 taong gulang na itinadhanang maging isang cowboy sa kanyang life or death na paglalakbay patungo sa pagiging pinakamahusay na bull rider sa buong mundo at ang kauna-unahang African-American na napanalunan ang titulo sa loob ng mahigit 35 taon.
Scripted
  • Frogtown - (Alcon Television Group) - Sa series na ito sa direksyon ni Catherine Hardwicke (Twilight, Thirteen), ang isang badass na skater na nakatira sa kanyang kotse ay nakahanap ng pangalawang pamilya noong napabilang siya sa isang all-girl crew sa Frogtown skatepark sa East Los Angeles.
  • Action Royale - (Portal A) - Sa coming-of-age na thriller na ito, ang isang teenager ay nagsimula ng underground na esports gambling ring para mabayaran ang mga utang ng kanyang ama, pero hindi nagtagal ay nauwi siya at ang kanyang gaming phenom na best friend sa isang mahirap na sitwasyon sa mapanganib na mundo ng high-stakes na sugalan.
  • Total Badass Wrestling - (Comedy Bang! Bang! Productions) - Sa komedyang ito, ang isang inosente pero karismatikong batang wrestler ay naging viral sa isang gabi, na nagbigay-inspirasyon sa laos nang pro wrestler na ialok ang kanyang mentorship at gamitin ang sikat na bata bilang kanyang paraan para maging popular ulit.
Bukod pa rito, ire-renew namin ang sumusunod na Snap Originals: Dead of Night ng Bazelevs kasama ang Hooked, "Face Forward" ng NBCUniversal na itinatampok ang isang bagong karanasan sa AR Lens na nagsasama sa mga manonood sa episode para sa kanilang sariling celebrity makeover, "Nikita Unfiltered ng Sirens Media ng ITV America, at ipo-produce ulit ng Complex ang susunod na installment ng documentary na franchise ng Snap na Vs The World,"na magsasalaysay sa kuwento ng notorious na MMA fighter na si Conor McGregor. 
Nasasabik kaming mapanood mo ang mga ito!
* Snap Inc. internal data Disyembre 2019-Pebrero 2020. Inilalarawan ang Gen Z bilang mga user na 13-24 taong gulang. Ginagamit ang mga istatistika ng US Census para sa populasyon ng Gen Z sa US.
Back To News