Bringing Ralph Lauren’s iconic clothes to your Bitmoji

In collaboration with iconic fashion brand Ralph Lauren, we’ve just introduced the first-ever branded and customizable Mix and Match wardrobe for Bitmoji.
Sa pakikipagtulungan sa iconic na fashion company na Ralph Lauren, ipinakilala namin ang kauna-unahang branded at nako-customize na Mix and Match na damit para sa Bitmoji.
May labindalawang damit mula sa digital na koleksyon ng Ralph Lauren na maisusuot na ng Bitmoji mo. Mula sa mapagpipiliang anim na panlalaki at anim na pambabaeng damit, makakapagsuot ang Bitmoji mo ng brand na gusto mo at maipapakita mo ang sarili mong istilo sa napakaraming paraan.  
Kasama sa koleksyon, na may mga disenyong batay sa mga totoong istilo ng Ralph Lauren, ang mga classic na double-breasted na blazers, isang branded na racer jacket, isang striped na rugby shirt, at isang matingkad na track jacket. At dahil nabibili rin ang lahat ng ito sa pamamagitan ng Ralph Lauren online at sa mga piling retail store, magagaya mo rin ang pananamit ng Bitmoji mo sa totoong buhay.  
Makikita rin ng mga Snapchatter ang mga disenyo ng Ralph Lauren sa kanilang Bitmoji sa iba't ibang lugar sa Snapchat, gaya ng Chat at mga game, sa Snap Map, at sa naka-personalize na content gaya ng Bitmoji Stories. 
Simula pa lang ito ng aming matagalang partnership sa Ralph Lauren, at marami pang paparating na kolaborasyon.
Back To News