Snap Wraps on its Global AR Creator Celebration, Lens Fest

Lens Fest began as a close gathering of passionate Lens Creators in 2018, and expanded to a larger group of more than 100 Lens Creators in 2019. This year, we opened the festival to everyone through a virtual event in order to include AR creators and developers from around the world!
Nagsimula ang Lens Fest bilang isang pribadong pagtitipon ng maaalab na Lens Creator noong 2018, at nag-expand sa mas malaking grupo na may mahigit 100 Lens Creator noong 2019. Ngayong taon, binuksan namin ang festival para sa lahat sa pamamagitan ng virtual na event upang makasama ang AR creators mula sa buong mundo!
Pero sino itong komunidad ng artists at developers na bumuo sa karamihan ng AR experiences na nakikita mo sa Snapchat ngayon? 
Mayroong libo-libong Lens Creator na gumagamit ng Lens Studio para gumawa at mag-publish ng Lenses sa Snapchat. Ang komunidad ng Lens Creator ay laganap sa buong mundo -- nakapagsumite na ng Lenses ang mga creator sa halos 200 bansa at teritoryo. *
Ang mga Lens Creator ay nakagawa na ng mahigit 1.5 milyong Lenses, at ngayon, mahigit 1 trilyong beses na na-view ng Snapchatters ang Lenses na gawa ng komunidad! **
Sa Lens Fest, ni-release namin ang Lens Studio 3.3, na magbibigay sa creators ng mga makapangyarihan at bagong tools at features na makakatulong sa kanilang makatipid sa oras. Nag-anunsyo rin kami ng investment na $3.5 milyong dolyar para ipaabot ang aming suporta sa AR creators at developers na nagpapalawak ng posibilidad sa AR sa pamamagitan ng mga pinaka-advanced na kakayahan ng Lens Studio. Magbibigay kami ng higit pang detalye tungkol sa mga oportunidad sa pagpondo ng mga creator sa unang bahagi ng 2021. 
Libo-libong Lens Creator ang tumutok sa Lens Fest at nag-explore sa immersive at virtual na space ng event, kung saan itinampok ang: 
  • 3 araw ng programming 
  • 9 na pangunahing session
  • 6 na demonstrasyon ng Lens Studio
  • 12 feature ng Creator
  • 3 feature ng Partner
  • 3 film screening ng Spectacles
  • 50+ Lens Creator sa isang interactive na gallery
  • At marami pa!
Panoorin ang mga session, demonstrasyon, at pagtatampok sa YouTube Channel ng Lens Studio.
* Snap Inc. internal data Enero 1 2018 - Oktubre 28, 2020
** Snap Inc. internal data Disyembre 2017 - Oktubre 2020 
Back To News