See How the Stars and Your Friendships Align with Snapchat Astrology

The stars have aligned! We’re introducing new Astrology features that help you celebrate your relationships, strike up conversations, and bond with your friends in a whole new way -- going far beyond what you see in a daily horoscope.
Nagtugma na ang mga bituin! May ipinapakilala kaming mga bagong feature sa Astrology na makakatulong sa iyong parangalan ang mga relasyon mo, magsimula ng mga pag-uusap, at makipag-bonding sa iyong mga kaibigan sa panibagong paraan -- higit pa sa nakikita mo sa araw-araw na horoscope.
Una, para tingnan ang iyong personal na Astrological Profile, ilagay ang oras ng kapanganakan mo, at lokasyon, at ihahayag ng aming mga sagradong astrological source ang iyong mga katangian, ayon sa mga bituin sa 10 magkakaibang dimensyon ng planeta.
At siyempre, mas maganda kung kasama ang iyong mga kaibigan. Kaya sunod, pumunta sa iyong Friendship Profiles kasama ang iyong mga kaibigan para makita ang inyong Astrological Compatibility. Ipapakita ng mga ito kung paano nagtutugma ang inyong mga katangian at personalidad sa larangan ng Atraksyon, Intensidad, Tensyon, Suporta, at Pagkakasundo.  
Madali lang i-download ang iyong mga personal chart sa camera roll mo, o ibahagi sa iyong Story o sa kahit na kanino sa Snapchat. 
Kaya, sa susunod na maghanap ka ng kasagutan sa langit tungkol sa iyong mga kaibigan, ang impormasyong hinahanap mo ay nasa Friendship Profile mo lang. 
Available ang Snapchat Astrology sa buong mundo para sa Android at iOS users nang nasa English.
VideoBalik sa Balita