
Ipagpatuloy ang mga Usapan, Ngayon Mula sa Iyong Computer!
Ngayon, ipinakikilala namin ang Snapchat for Web, isang bagong paraan para sa aming komunidad na manatiling konektado sa pamamagitan ng aming camera kapag nasa kanilang mga computer sila.
Araw-araw, 332 milyong tao ang nagbubukas ng Snapchat sa kanilang mga phone, at gamit ang aming camera, ay maaaring magsimula ng mga usapan sa kanilang mga tunay na kaibigan. Ngayon, ipinakikilala namin ang Snapchat for Web, isang bagong paraan para sa aming komunidad na manatiling konektado sa pamamagitan ng aming camera kapag nasa kanilang mga computer sila.
Buksan ang iyong laptop at pumunta saweb.snapchat.comgamit ang Chrome para magsimula ng tawag o ipagpatuloy kung saan natapos ang mga chat sa mobile. Dahil mahigit 100 milyong Snapchatter ang gumagamit ng aming voice at video call bawat buwan sa average, nasasabik kaming mag-alok ng bagong paraan para sa aming komunidad na ipagpatuloy ang mga usapan sa kanilang mga computer, kung saan sila nagtatrabaho, nag-aaral, at nagba-browse.*
Kasama sa Snapchat for Web ang mga nangungunang feature sa pagmemensahe tulad ng Chat Reactions at Chat Reply, kasama ang mga Lens na ilalabas sa lalong madaling panahon.
Magiging available ang Snapchat for Web sa mga subscriber ng Snapchat+ para magsimula sa United States, United Kingdom, at Canada, at sa mga Snapchatter sa buong Australia, at New Zealand. Hindi na kami makapaghintay na dalhin ito sa aming buong pandaigdigang komunidad sa lalong madaling panahon.
Kaya, buksan mo na ang iyong laptop, at tawagan ang iyong best friend... available na ngayon ang Snapchat sa web!
*Internal na data ng Snap Inc. Abril - Mayo 2022.