Say Hello to the Snapchat Camera on the Lock Screen of Google's Pixel 6 and Pixel 6 Pro

For the first time ever, we’re making the Snapchat Camera accessible directly from a phone lock screen. With Quick Tap to Snap, you can capture moments quickly before they disappear.
Palagi kaming naghahanap ng mga paraan para gumawa ng mga pagbabago sa aming Camera at tulungan ang aming komunidad na mabilis na kumuha ng Snap ng mga sandali sa araw-araw kapag nangyayari ang mga ito. Kaya naman nasasabik kaming ianunsyo ang ‘Quick Tap to Snap’ para sa Pixel 6 at Pixel 6 Pro ng Google. 
Sa kauna-unahang pagkakataon, gagawin naming naa-access ang Snapchat Camera mula mismo sa lock screen ng phone. Sa pamamagitan ng Quick Tap to Snap, mabilis mong makukuhanan ang mga sandali bago mawala ang mga ito. 
Ganito ito gumagana: Sa pamamagitan ng pag-tap sa likod ng phone mo, makakagawa ka ng mga Snap at magagamit mo ang Lenses mula mismo sa lock screen nang hindi kailangang i-unlock ang phone mo. Kapag handa nang ma-share ang isang Snap, mag-log in sa lock screen ng phone mo para direktang i-unlock ang buong karanasan sa app. 
Teka lang, mayroon pa: Nakikipagtulungan din kami sa Google para i-launch ang eksklusibong augmented reality Lenses, at sinusuportahan din namin ang ilan sa mga feature ng Pixel ng Google, tulad ng Ultra Wide Angle at live na pagsasalin, sa camera at chat ng Snapchat sa Pixel 6 at 6 Pro. Magagawa mong kumuha ng mga wide angle na Snap at makipag-usap sa mga kaibigan mo sa mahigit 10 wika, at real-time na magsalin ng mga chat. 
Ilulunsad ang mga feature na ito pati na rin ang Quick Tap to Snap sa mga susunod na buwan. Nasasabik kaming makipagtulungan sa aming mga mobile partner para makapagbigay ng mas marami pang karanasan sa mga Snapchatter sa buong mundo!