Snapchat is shouting Aussies FREE Gelato Messina to celebrate Mates Day
Marso 05, 2024
Marso 05, 2024

Isama ang iyong barkada!

Tinatawagan ang mga Aussie Snapchatter para sa LIBRENG Gelato Messina para sa pagdiriwang ng Araw ng Magkakaibigan!

Oh! Snap Gelato Messina Mates Day flavour

Sa Australia, ang pagdiriwang ng Araw ng Magkakaibigan (tuwing ika-8 ng Mayo - gets mo?) para ipagdiwang ang pagkakaibigan. Kaya nakipag-partner kami sa Gelato Messina para ipagdiwang ang okasyon, pagsama-samahin ang matatalik na magkakaibigan para gumawa ng mga hindi malilimutang sandali na puno ng masasayang oras at gelato. Ano pa ang magpapasaya sa araw mo kung hindi ang mag-enjoy sa pagkain ng Messina kasama ang kaibigan na mas pinaganda pa dahil wala kang babayaran?

Kasama ang tuwa at galak at punong puno ng pagkakaibigan, nakipagtulungan kami sa Gelato Messina para gawin ang Oh Snap! - isang napaka limited na edisyon na flavour ng drop, eksklusibong available - at libre - sa Mayo 8.

Ang Oh Snap! ay mula sa inspirasyon ng classic vanilla slice, isang iconic na Australian treat, sikat sa iba't ibang henerasyon. Tinatangkilik ngayon ang pagbabalik, gumawa ng contemporary na pagbabago ang mga malikhaing maven sa Messina sa bakery staple na ito, na ginagarantiyahan ang iba't ibang lasa ng gelato na ito maliban sa vanilla. Ang pinakagustong trio ng sunny-yellow custard, zingy passion fruit icing at buttery puff pastry (YUM!) ang perpektong kombinasyon ng mga lasa. Ngayon, ginawang gelato heaven ng Messina ang vanilla slice, at makukuha mo lang ito sa Araw ng mga Magkakaibigan, dahil sa amin.

Gustong malaman kung paano makukuha ang napakagandang deal? Simula sa tanghali ng ika-8 ng Mayo, pumunta sa kahit saang Gelato Messina store sa buong Australia at ipakita ang Snapchat app sa telepono mo, para ma-enjoy ang sarap ng libreng scoop ng Oh Snap! hanggang mayroong stock. Dahil walang makakatipon ng magkakaibigan gaya ng good vibes at mas masarap na gelato!

Gusto mong i-enjoy ang libreng scoop na may extra Snapchat? Iti-take over natin ang Gelato Messina Surry Hills store sa Sydney sa Araw ng Magkakaibigan! Bibihisan ng kapansin-pansin na Snap-yellow, magkakaroon ng maraming cool na karanasan tungkol sa Snap, pati na rin ang nakakatuwang swag! Bukas simula tanghali hanggang 10.30 ng gabi (o hanggang maubos ang stock) sa May 8, bumisita kasama ang mga kaibigan, i-enjoy ang libreng scoop ng Oh Snap! at damhin ang sikat ng araw at kaligayahan na sasakop sa buong lokal na tambayan, ang Shannon Reserve.

Anong mayroon sa Oh! Snap Messina flavor? Pinagsama-sama ang lahat ng kahanga-hanga tungkol sa vanilla slice, nilagyan ng passion fruit puree at mga piraso ng crunchy caramelised puff pastry ang vanilla custard gelato.

Paano ipagdiwang ang Araw ng Magkakaibigan kasama ang mga kabarkada kung walang bagong Snapchat Lens? Kung iniisip mo ang mga kaibigan na malapit at malayo man sa Araw ng Magkakaibigan, padalhan sila ng Snap na may nakakatuwa at kahanga-hangang Araw ng Magkakaibigan na Lens, na naghahatid ng karagdagang saya sa iyong Snapstreaks sa Mayo 8.

Isama ang buong barkada at pumunta sa Gelato Messina ngayong Araw ng Magkakaibigan! Magtiwala ka sa amin, walang tatalo sa pakikipag-bonding sa iyong mga BFF na may kasamang masarap na gelato.

*Kung wala ka pang 13 taong gulang, pumunta lang at kumuha ng libreng scoop para sa iyo (Hindi kailangan ang Snapchat app).

Bumalik sa Mga Balita