Hunyo 29, 2023
Hunyo 29, 2023

Snapchat+: Ipinagdiriwang ang 1 Taon na may 4 na Milyong Subscriber

Isang taon na ang nakalipas mula ngayon, inilusad namin ang Snapchat+, ang aming serbisyo ng subscription na nag-aalok ng access sa mga eksklusibo, eksperimental, at hindi pa nare-release na feature, Simula noon, lumaki na ang komunidad ng mga subscriber sa mahigit apat na milyon.

Nagustuhan ng mga subscriber ng Snapchat+ ang madalas na paglalabas ng feature na nagpapahusay sa kanilang pakikipag-ugnayan sa malalapit nilang kaibigan, mga paboritong creator, at pinapayagan silang i-customize ang hitsura at mood ng kanilang app.

Sa nakaraang labing-dalawang buwan, mga subscriber ang unang nakakita sa mga bagong-bago naming offering gaya ng Snapchat for Web at ang aming Chatbot na pinapatakbo ng AI, ang My AI. Ngyayon, may access ang mga subscriber sa mahigit 20 feature, kasama ang mga custom na app theme, natatanging app icon, at kakayahang i-pin ang #1 BFF mo—at marami pang paparating, kasama ang:

  • Mga Expressive na Chat Message: Ipahayag ang sarili mo gamit ang MALALAKING reaksyon, o mag-share ng maliit na note. Ngayon, puwede mo nang i-match ang mood mo sa mga mensahe mo gamit ang mga expressive na laki ng font. 

  • Mga Custom na Kulay ng Chat: Pumili ng kulay na angkop sa mood ng mga mensahe mo sa mga kaibigan mo.

Tingnan ang mga bagong feature na ito sa mga darating na linggo. Happy Snapping!

Balik sa Balita