SPS 2023: Ano ang Susunod para sa My AI

Dinadala ang My AI sa mga Snapchatter sa buong mundo
Nagugustuhan ng mga subscriber ng Snapchat+ ang My AI, ang aming AI-powered chatbot, na nagpapadala ng halos 2 milyong chat message kafa araw para matuto pa tungkol sa mga pelikula, sports, alagang hayop, at sa mundo na nakapaligid sa mga ito. Ngayon, inanunsyo namin ang paglulunsad ng My AI para sa mga Snapchatter sa buong mundo, na ngayon ay may mga bagong feature:
1. I-personalize ang My AI: Ang AI mo ay may kasamang isa sa libo-libong natatanging Bitmoji variation at madaling i-customize para talagang maging sa iyo. Magdisenyo ng custom na Bitmoji para sa AI mo, pangalanan ito, at simulang mag-chat. 
2. Isama ang My AI sa mga Chat kasama ang Friends Madali lang isama ang My AI sa alinman sa mga pakikipag-chat mo sa friends. Banggitin lang ang @My AI at magtanong para sa grupo. Makikita kapag nakapasok na sa chat ang isang AI at may kasamang kinang sa tabi ng pangalan nito. 
3. Mga Rekomendasyon ng Snapchat: Nagpapakita ang MY AI ng mga rekomendasyon sa lugar mula sa Snap Map at nagmumungkahi ng mga kaugnay na Lenses. Halimbawa, puwede mong hilingin sa My AI na magmungkahi ng mga weekend activity para sa inyong pamilya o makakuha ng angkop na rekomendasyon ng Lens para batiin ng happy birthday ang isang kaibigan.
4. Mag-share ng Snaps sa My AI: Puwedeng magpadala ang ating community ng Snaps sa My AI at makatanggap ng chat reply..
5. Panoorin Itong Mag-Snap Sa Iyo: Gamit ang mahigit 55,000 Snaps na ginagawa sa Snapchat kada segundo sa average, isang natural na paraan ang pag-Snap para makipag-ugnayan ang ating community. Malapit nang makapag-Snap ng My Ai ang mga subscriber ng Snapchat+ at makatanggap ng natatanging generative Snap na sagot na pinapanatiling masigla ang visual chat!
Hindi pa perpekto ang MY AI, pero marami na kaming nagawang bago. Halimbawa, 99.5% ng mga tugon ng My AI ay sumusuod sa aming community guidelines, at simula noong mag-launch, sinikap naming mapahusay pa ito sa pamamagitan ng:
  • Pag-program ng My AI na sumunod sa aming community guidelines para tumulong na protektahan laban sa mga tugon na posibleng hindi naaangkop o nakakapinsala.
  • Pagpapatupad ng makabagong signal gamit ang birthday ng isang Snapchatter, para tuloy-tuloy na maisaalang-alang ng chatbot ang kanilang edad.
  • Paglalagay ng karagdagang moderation technology, na nagbibigay-daan sa amin na suriin ang lala ng posibleng mapaminsalang content at pansamantalang limitahan ang access ng mga Snapchatter sa My AI kung may maling paggamit ng serbisyo.
  • Paghahanda na isama ang My AI sa aming mga in-app na parental tool, Family Center, na magbibigay-daan sa mga tagapangalaga na makita kung nakikipag-chat ang kanilang mga teenager sa My AI at kung gaano kadalas.
Ipagpapatuloy naming gamitin ang mga naunang natutunang ito para gawing mas ligtas, nakakaaliw, at nakakatulong na karanasan ang AI, at gusto naming marinig ang mga opinyon mo. Puwede mong pindutin at i-hold ang anumang tugon ng My AI para magbigay ng detalyadong feedback sa aming team. 
Happy Snapping!
Balik sa Balita