Abril 28, 2022
Abril 28, 2022

SPS 2022: New AR Shopping Capabilities for Brands

We are continuing to evolve AR shopping by launching a suite of new offerings making AR creation simple, fast, and cost-effective for businesses. And, we’re offering consumers new places to shop using AR, both on and off Snapchat.

Sa Snap, binabago namin ang karanasan sa pamimili para maging personal, accessible, at masaya ito sa pamamagitan ng augmented reality. Mula noong January noong nakaraang taon, mahigit 250 milyong Snapchatter na ang gumamit ng Lenses para sa pamimili gamit ang AR nang mahigit 5 bilyong beses - kung saan sinusubukan at vini-visualize nila ang mga produkto mula sa mga brand at retailer sa buong mundo. Nira-rank nila ang Snapchat bilang #1 platform para sa pagse-share ng mga sandali sa pamimili. 

Ginagamit ng mga partner naming brand ang mga kakayahan ng camera ng Snap para makipag-ugnayan sa kanilang audience at baguhin ang mga negosyo, anuman ang laki ng mga ito. Halimbawa, ang AR Lenses ng Zenni Optical, na gumamit sa aming true-to-size na eyewear na Lens na teknolohiya, ay nasubukan na nang mahigit 60 milyong beses ng Snapchatters at nagresulta ito kita na mas mataas nang 42% sa paggastos para sa ad kumpara sa Lenses na hindi gumamit nito. 

Sa kasalukuyan, patuloy naming pinapahusay ang pamimili gamit ang AR sa pamamagitan ng pag-launch ng suite ng mga bagong alok na pinapadali, pinapabilis at ginagawang abot-kaya para sa mga negosyo ang paggawa ng AR. At nagbibigay kami sa mga consumer ng mga bagong lugar kung saan pwedeng mamili gamit ang AR, sa loob at labas ng Snapchat.

Bagong Suite sa Paggawa ng AR 

Ang 3D Asset Manager ng Snap ay isang platform sa pamamahala ng web content na pinapadali para sa mga negosyo na humiling, mag-apruba, at mag-optimize ng mga 3D model – para sa anumang produkto sa kanilang catalog ng produkto sa pamimili. At sa pamamagitan ng mga kakayahan sa pagse-share ng asset, magagamit ng mga retailer at brand ang mga inaprubahang 3D model mula sa mga kilalang brand na bahagi na ng system ng pamamahala sa asset ng Snap. 

Magagamit din ng mga partner ang aming bagong teknolohiya na Pagpoproseso ng Imahe Gamit ang AR. Ang kakayahang ito na ginawa ng Forma ay nagbibigay-daan sa mga negosyo na gamitin ang larawan ng kasalukuyang produkto na binuo nila para sa kanilang mga website ng ecommerce at gawing mga turnkey na AR-ready na asset ang mga ito para sa mga karanasan sa try-on na Lens sa Snapchat AR. Sa pamamagitan ng teknolohiyang ito, walang kahirap-hirap na makakasubok ang mga mamimili ng marami pang damit, mula sa sarili nilang bahay, sa pamamagitan lang ng pagkuha ng selfie ng buong katawan. 

  • Hakbang 1: Ina-upload ng mga partner ang larawan ng kanilang kasalukuyang produkto para sa mga SKU ng produkto na kasalukuyan nilang ibinebenta sa kanilang mga website. 

  • Hakbang 2: Ipinoproseso ang produkto gamit ang isang deep-learning module na ginagawang mga AR Image asset ang larawan ng retailer. 

  • Hakbang 3: Pagkatapos, makakapili ang mga negosyo ng mga SKU gamit ang mga AR Image Asset para gumawa ng try-on Lenses gamit ang mga bagong template sa isang simpleng web interface.

Sa pamamagitan ng bagong mga template sa Pamimili Gamit ang AR ng Snap sa Lens Web Builder, nagiging mabilis at madali para sa mga brand na mag-import ng kanilang mga asset, at gamit ito, makakagawa sila ng catalog-shopping Lenses sa loob ng ilang minuto, nang hindi nangangailangan ng mga skill sa pag-develop ng AR. Available ngayon sa beta para sa mga piling partner, masasamahan ng mga brand ng damit, eyewear, at footwear ang mga merchant na nagtitinda ng mga produktong pampaganda sa paggawa ng mga virtual na karanasan sa try-on at pag-visualize gamit ang kanilang mga AR-ready na asset. Nag-e-expand din kami sa mga surface object para sa mga kategorya tulad ng mga muwebles at handbag kung saan ang aming bagong template ay nagbibigay-daan sa anumang 3D model na mailagay sa sahig o ibabaw ng mesa, na nagbibigay ng kakayahan sa Snapchatters na mas mabusising mag-explore ng mga item o makita kung paano ito magkakasya sa kanilang espasyo. 

Ang tatlong bagong teknolohiyang ito ay nagbibigay-daan sa mga negosyo, anuman ang laki ng mga ito, na mabilis at walang kahirap-hirap na gumawa ng mga karanasan sa Pamimili Gamit ang AR - na naghahatid sa mga mamimili ng naka-personalize at magandang mga oportunidad sa pamimili.  

Dress Up 

Gustong-gusto ng Snapchatters na gamitin ang AR para sa pamimili, kaya ipinapakita namin ang isang bago at partikular na destinasyon sa Snapchat na tinatawag na Dress Up. Pinagsasama-sama ng Dress Up ang pinakamagagandang karanasan sa fashion at try-on gamit ang AR mula sa mga creator, retailer, at fashion brand sa iisang lugar.  

Ang Dress Up, na available sa Lens Explorer, at malapit nang maging isang tap lang mula sa Camera sa AR Bar, ay naghihikayat sa aming komunidad na mag-browse, tumuklas, at mag-share ng mga bagong istilo mula sa iba't ibang panig ng mundo. Madali ring makakabalik ang Snapchatters sa mga damit at accessory na gustong-gusto nila sa pamamagitan ng pag-navigate ng bagong seksyon sa pamimili sa kanilang Profile kung saan nila makikita ang mga produktong ginawa nilang paborito, kamakailan nilang tiningnan, at idinagdag nila sa kanilang cart. Isasaalang-alang para sa Dress Up ang Lenses ng anumang brand kung available ang mga ito sa kanilang Brand Profile. 

Camera Kit para sa Pamimili Gamit ang AR

Panghuli, ang Camera Kit para sa Pamimili Gamit ang AR ay isang bagong alok para sa mga negosyo na dalhin ang Snap Camera at try-on gamit ang AR sa kanilang mga sariling application. 

Dinadala ng SDK na ito ang catalog-powered na Shopping Lenses sa mga page ng detalye ng produkto ng mga retailer at brand, para magamit ng sinumang customer ang Snap AR para sumubok o mag-visualize ng mga produkto, tulad ng mga eyewear o handbag, nang direkta mula sa kanilang mga pinagmamay-arian at pinapatakbong application. Gumagana ang Camera Kit para sa Pamimili Gamit ang AR sa Android at iOS at malapit na rin itong gumana sa mga website. 

Ang Puma ang unang brand partner na kilala sa buong mundo na gumagamit sa teknolohiya. Digital na masusubukan ng mga mamimili ang sneakers ng Puma, na pinapagana gamit lang ang Camera Kit ng Snap.

Napakadali at masaya para sa mga brand at mamimili na mamili sa loob at labas ng Snapchat. Hindi kami makapaghintay na masubukan ng mga tao sa lahat ng dako ang mga bagong karanasang ito at malaman kung naaangkop ang mga ito para sa kanila!

Back To News