
SPS 2022: Introducing Director Mode
Today we’re making it even easier to create videos that stand out.
Napakahalagang tungkulin ang ginagampanan ng mga content creator sa Snapchat, sa pagbabahagi ng kanilang mga perspektiba at pagbibigay ng entertainment sa aming community sa buong mundo.
May mga tool at support kami para sa lahat ng uri ng content creator para maparami ang kanilang audience at maitaguyod ang kanilang negosyo - sila man ay nagsisimula pa lang o isa nang propesyonal na creator. Nakakatulong ang aming Lenses at creative tools na gawing agaw-pansin ang mga video sa Spotlight at kung saan pa man naka-share ang mga ito. Halos dalawang-katlo ng mga isinusumite sa Spotlight ay gumagamit ng isa sa creative tools ng Snapchat o ng augmented reality Lens.
Ngayon, higit pa naming pinapadaling gumawa ng magagandang video.
Ipinakikilala ang: Director Mode
Ang Director Mode ay isang bagong hanay ng camera tools at editing tools sa Snapchat na pinapadaling gumawa ng pinagandang content, o na nagpapahusay sa mga sandali mula sa pang-araw-araw na buhay na na-capture gamit ang aming camera na nakakapukaw sa atensyon ng manonood.
Sa Director Mode, magagamit ng mga creator ang aming bagong kakayahang Dual Camera na nagbibigay-daan sa iyong gamitin nang sabay ang camera sa harap at sa likod. Naniniwala kaming magiging game-changer ito para sa mga creator na nagka-capture ng mga sandali sa paligid nila. Sa kauna-unahang pagkakataon, maka-capture ng mga creator ang kanilang reaksyon at ang kanilang 360 na perspektiba nang hindi gumagamit ng anumang espesyal na camera trick o pangalawang app.
Pinapadali rin namin ang maayos na pagbabago sa background ng iyong mga video sa Snapchat gamit ang Green Screen mode, at nagbibigay-daan sa iyo ang aming feature na Quick Edit na kumuha at sabay-sabay na mag-edit ng maraming Snap nang walang kahirap-hirap.
Sa mga paparating na buwan, ilo-launch ang Director Mode sa iOS, at pagkatapos ay sa Android sa huling bahagi ng taong ito. Hanapin lang ang icon ng Director Mode sa camera toolbar o i-tap ang button na “Gumawa” sa Spotlight para magsimula.
Gusto na naming makita kung ano'ng gagawin mo!