Story Explorer

Snapchat Stories celebrate the power of different perspectives. It’s a totally unique way to experience what’s happening all over the world through the eyes of our community.
Ipinagdiriwang ng Snapchat Stories ang kapangyarihan ng magkakaibang pananaw. Isa itong talagang natatanging paraan para maranasan ang nangyayari sa buong mundo sa mga mata ng ating komunidad.
Minsan ang mga nangyayari ay higit pa sa mga Snap na na-curate namin sa Story. Ngayon, ipinakikilala namin ang Story Explorer.
Umaasa ang Story Explorer sa teknolohiyang pinaunlad ng aming team sa pananaliksik para magbigay ng higit na lalim sa bawat Snap sa Story. Kapag nakakita ka ng sandaling nagbibigay sa'yo ng inspirasyon o nakakapagpasabik sa'yo, i-swipe lang pataas para makakita pa ng mas maraming Snap ng parehong sandaling iyon - mula sa iba't ibang pananaw.
Unang beses mong makakaranas ng hindi kapani-paniwalang pangwaging dunk mula sa libu-libong pananaw sa buong stadium - o maramdamang nandoon ka mismo sa pinangyarihan kapag bumungad ang nagbabagang balita.
Ginagawang posible ito ng aming komunidad sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga Snap ng sandali at nag-aambag ng maraming iba-ibang pananaw - isang malaking pasasalamat sa inyo mga Snapchatter saanman para gawing totoo ang pangarap na ito.
Ilulunsad namin ang Story Explorer sa New York at Los Angeles Live Stories ngayong araw - na may planong ilabas ang teknolohiyang ito sa mas marami pang Stories sa lalong madaling panahon!
Back To News