Tatlong Advanced na Bagong Lens na Ginawa ng AR Community ng Snap
Ngayon, ipinapakilala namin ang tatlong advanced na bagong Snapchat Lenses na ginawa ng mga team mula sa AR community ng Snap—SEEN Camera, Unconditional Friends, at Brickit Express.
Pinapahusay ng augmented reality ang mga pakikipag-ugnayan ng komunidad ng Snapchat sa kanilang mga kaibigan, kapamilya, at sa mundo. Sa mahigit 250 milyong taong gumagamit ng AR araw-araw sa Snapchat, AR na ang naging may pinakamalawak na naa-access at nagagamit na tool para sa pang-araw-araw na buhay ng ating komunidad—na tinutulungan ang mga tao na ipahayag ang kanilang sarili, makipagkomunikasyon sa iba, maglaro, mamili, matuto, at higit pa.
Gamit ang mga powerful at intuitive tool ng aming Snap AR platform, nakakagawa ang mga creator, developer, at team ng magagandang AR experience na mahalaga sa ating mga Snapchatter, habang itinataguyod ang kanilang mga negosyo.
Ngayong araw, ipinapakilala namin ang tatlong advanced na bagong Snapchat Lenses na ginawa ng mga team mula sa Snap AR community—SEEN Camera, Unconditional Friends, at Brickit Express.

Lens: SEEN Camera
Ginawa ng: SEEN.TV, sa pakikipagtulungan sa Modem
Dahil sa SEEN Camera, nagkakaroon ng kakayahan ang mga tao na sabihin at i-sharei ang kanilang mga kuwento para gumawa ng positibong epekto sa mundo. Isa itong bagong paraan para sabihin ang kanilang kuwento sa loob ng isang minuto, at available na ito ngayon sa Snapchat.
Nagbibigay ang SEEM Camera Lens ng isang set ng mga tool para sa journalism at filmmaking gaya ng mga topic prompt, interview question, shot list, at immersive na AR effect, at nagbibigay sa mga Snapchatter ng mga detalyadong gabay sa proseso ng pagkukuwento. Nagbibigay ang Lens ng maraming template sa pagkukuwento na regular na ia-update, para bigyan ang mga tao ng kakayahang i-share ang kanilang pananaw tungkol sa mga current event o mga isyung panlipunan at pangkalikasan sa mundo.
Puwedeng i-publish ng mga Snapchatter ang kanilang mga Snap na ginawa gamit ang SEEN Camera sa Spotlight o ipadala ang kanilang mga Snap sa mga kaibigan, Groups, o Stories na kanilang gusto.
Idinisenyo at binuo ang Lens na ito ng SEEN.TV, isang journalism video publisher na may mahigit sa 7 milyong subscriber sa Snapchat. Ginawa ang makabagong Lens user experience (UX) sa pakikipagtulungan sa Modem.

Lens: Unconditional Friends
Ginawa ng: 3dar Studios
Ang Unconditional Friends ay osang magical challenge-based game kung saan nagpapaligsahan ang magkakaibigan na makakolekta ng mga reward, score point, at makuha ang pinakamataas na spot sa match.
Ilalagay ng mga player ang isang enchanted portal sa isang real-world surface gamit ang Snapchat Camera. Dahil may limitadong oras, isa-slice ng mga player ang "Unconditional Friends" na lalabas mula sa portal at mangongolekta ng mga bulaklak para makakuha ng mga point.
Puwedeng laruin ang game na ito nang real time kasama ang isang kaibigan, nasa pareho man silang kuwarto o nasa magkabilang dulo ng mundo. Sa pamamagitan ng Mga Serbisyo para sa Multi-User sa loob ng Lens Cloud, puwedeng magkakasamang kumonekta ang magkakaibigan sa iisang Lens nang sabay-sabay o maglaro sa solo mode.
Ginawa ang Unconditional Friends ng 3dar, isang creative studio na pinagsasama ang art at teknilohiya para gumawa ng mga bagong mundo ng hiwaga.

Lens: Brickit Express
Ginawa ng: Brickit Inc., sa pakikipagtulungan ng Qreal
Ang Brickit ay isang mobile app na nag-i-scan ng tumpok ng ma brick, na tinutukoy ang mga indibidwal na piraso, at nagbibigay ng mga ideya kung ano ang bubuuin, at pinapayagan kang i-share ang nawaga mo.
Ngayon, ginagamit ng team ng Brickit ang kapangyarihan ng AR sa pamamagitan ng Brickit Express, isang bagong Lens na pinagsasama ang digital at pisikal na paglalaro. Sa pamamagitan ng Snapchat camera, makakapag-discover ang ating komunidad ng mga bagong creation, makakakuha ng mga detalyadong tagubilin sa pagbuo ng kanilang mga brick, at ngayon, ilagay ang kanilang mga pisikal na creation sa mga AR scene.
Ginagamit ng Brickit Express ang maraming mahahalagang kakayahan sa Lens Studio. Una, gumagamit ang Lens ng SnapML para i-integrate ang mga custom-built na ML model ng Brickit, para makapag-scan ang mga Snapchatter ng tumpok ng mga brick, matukoy ang mga piraso, at makapagmungkahi ng mga idea kung ano ang puwedeng buuin. Gumagamit din ito mga Mga Storage Service sa loob ng Lens Cloud para gumawa ng napakaraming 3D character model at eksena na posibleng magawa gamir ang mga hawak na brick. At malapit na ring magbigay ang Brickit Express ng mga premium na 3D character model at eksena na puwedeng i-unlock ng mga Snapchatter gamit ang Snap Tokens.
Nakipagtulungan ang Brickit sa Qreal, isang agency na nakatuon ang pansin sa pagbuo ng realistic na 3D content na na-optimize para sa AR para gawin ang bagong Lens na ito.
Ipinapakilala ang Snap AR Learning Hub
Ngayon, ipinapakilala rin namin ang Snap AR Learning Hub, isang bagong paraan para matuto tungkol sa field ng augmented reality at matuto ng mga kasanayang kailangan sa isang career sa AR. Para sa mga beginner na gustong matuto ng mga foundation sa paggawa ng AR sa Lens Studio, nagbibigay kami ng bagong set ng mga kurso na may mahigit sa dose-dosenang libreng aralin. Mayroon ding mga tutorial, livestream, at documentation ang Learning Hub para tulungan ang mga intermediate at advanced na creator.
Nakatuon kaming suportahan ang ating AR community, at nang magkakasama, sisikapin nating maghatid sa mga tao ng mga pinaka-advanced at kapaki-pakinabang na AR experience na posible..