Mayo 02, 2023
Mayo 02, 2023

Pag-unlock sa Kapangyarihan ng Real sa 2023 NewFronts

Ipinapakilala ng Snap ang mga Bagong Solusyon para sa Mga Advertiser at Creator

Ngayon, nagbalik ang Snap sa IAB NewFronts at naglunsad ng mga bagong solusyon para sa mga advertiser, mga bagong content partnership, at mga bagong paraan para makipagtulungan sa mga creator sa Snapchat. 

Ang Snapchat ay lahat ng tungkol sa mga totoong relasyon. Dito bumubuo ng mga ugnayan at nagkakatuwaan ang ating komunidad ng 750 milyong active user kada buwan kasama ng kanilang mga kaibigan, kapamilya, at paboritong creator—nang walang pressure na magmukhang sikat o perpekto. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit masaya ang mahigit sa 90% ng mga Snapchatter kapag ginagamit ang app.1

Ngayon, inanunsyo namin ang mga bagong offering na ginagawang mas madali para sa mga advertiser na mapansin ng natatanging audience ng Snapchat, makipagtulungan sa mga creator, at ma-activate ang mga content partner.

First Story

First Story ang pinakabagong offering sa aming takeover lineuo, kasunod ng First Commercial at First Lens. Dahil sa First Story puwede nang i-reserve ng mga advertiser ang unang video ad sa pagtan ng mga Friend Story na nakikita ng isang Snapchatter. Sa US, nag-aalok ito ng potensyal na pang-araw-araw na reach na halos 50M. Kasama sa mga naunang partner na nagpapatkbo ng mga ad sa First Story ang Louis Vuitton, Warner Brothers, at marami pang iba.

Mga Ad sa Spotlight

Ngayon, ilulunsad namin ang mga ad sa Spotlight para sa lahat ng advertiser sa buong mundo. Dahil sa mahigit 350 milyong Snapchatter na gumagamit ng Spotlight content kad abuwan, nasasabik kaming mas ilapit ang mga brand sa audience ng Snapchar sa bagong surface na ito.

Snap Star Collab Studio

Ang Snapchat ay isa sa pinakamagagandang platform para sa mga creator, anuman ang uri nila, para magtaguyod ng negosyo, mapalaki ang kanilang audience, at madaling gumawa ng magagandang content. Ngayon, mas pinapadali pa namin na makapagtulungan ang mga brand at creator sa pamamagitan ng paglulunsad sa US Snap Star Collab Studio, isang turn-key na end-to-end service para sa mga brand para makakuha, makipag-partner, at magdulot ng mga resulta gamit ang Snap Stars.

Mapapabilis ng Collab Studio ang pagkakaroon ng mga partnership sa pagitan ng mga brand at Snap Star gamit ang pinamahalaang service production—na sinusuportahan ng apat na naunang partner: Studio71, Beeline by Brat TV, Influential, at Whalar—kung saan tinutulungan ng mga dalubhasang team ang mga brand na gumawa at magpatakbo ng may sponsor na Stories at i-reserve ang ad creative gamit ang Snap Stars.

Mga Sports Partnership

Makakatulong sa mga marketer ang malalaking sports sponsorship package para ma-activate sa Snapchat sa ilang pinakamalalaking sports event sa mundo. Para sa coverage ng NBCUniversal’s Paris 2024 Olympic Games at sa aming coverage ng nalalapit na Women’s World Cup, dinadala namin ang eksklusibong content ng mga Snapchatter sa Stories, Spotlight, at Camera ng Snapchat. Magpapatuloy rin ang matagal na naming partnership sa WNBA, NBA, at NFL will para magbigay ng content sa Stories at Spotlight at mas marami pang creative tool para sa aming komunidad. 

Pagpapaunlad ng My AI


Messaging ang nasa sentro ng Snapcat, at angkop na angkop ang conversational AI sa core value ng produktong ito. Noong nakaraang buwan, inanunsyo namin ang pag-rollout ng aming AI-powered chatbot, ang My AI, sa aming pandaigdigang komunidad. Sa aming presentation sa NewFronts, ibinahagi namin ang unang hakbang sa kung paano namin ine-explore ang mas marami pang paraan sa kung paano pa mapapaganda ng My AI. ang karanasan ng aming komunidad sa aming serbisyo. 

May potensyal ang mga chat na gumagamit ng My AI na tulungan tayong maghatid ng mas nauugnay na content at mga karanasan sa ating app, nanonood man ang isang Snapchatter ng Stories o Spotlight, o ine-explore ang ating mga rekomendasyon para sa mga nakakaaliw at kapaki-pakinabang na AR Lenses.

Nagsasagawa rin kami ng mga experiment gamit ang mga bagong paraan para maipakita ng My AI ang kapaki-pakinabang na impormasyon sa tamang sandali habang nakikipag-chat. Kasama rito ang mga unang pagsubok sa mga may sponsor na link para ikonekta ang ating komunidad sa mga partner na may kaugnayan sa chat sa sandaling iyon, habang tinutulungan ang mga partner na maabot ang mga Snapchatter na naghayag ng kanilang potensyal na interes sa kanilang mga offering. Nasa una at experimantal na yugto pa lang kami para matiyak na nagdidisenyo kami ng mga pinag-isipan at kapaki-pakinabang na karanasan para sa aming komunidad.

Umaasa kaming makipagtulungan sa aming mga partner sa advertising, content, at creator para i-activate ang ganitong mga bagong solusyon simula ngayon.

Happy Snapping!

Balik sa Balita
1 2022 na pandaigdigang Alter Agents na pananaliksik na kinomisyon ng Snap Inc.