
We Stand Together
Snap CEO Evan Spiegel sent the following memo to all Snap team members on Sunday, May 31. In it he condemns racism while advocating for creating more opportunity, and for living the American values of freedom, equality and justice for all.
Minamahal na Team,
Tulad ng ibinahagi ni Lara noong nakaraang linggo, pinaplano naming talakayin ang mga pagkamatay nina George, Ahmaud, at Breonna bukas ng umaga sa Snap in Focus, pero habang iniisip ko ang mahabang kasaysayan ng karahasan batay sa lahi at kawalan ng hustisya sa America, pakiramdam ko ay maling maghintay pa. Sa bawat minutong nananahimik tayo sa harap ng kasamaan at maling gawain, sinusuportahan natin ang mga gumagawa ng masama. Pasensya na sa paghihintay bago ko ibinahagi ang aking mga saloobin sa inyo.
Nalulumbay ako at nagagalit sa pakikitungo sa black people at people of color sa America.
Bata pa lang ako ay alam ko nang may lumalaban para sa kalayaan, pagiging pantay-pantay, at hustisya. Ang aking ama ay nagsilbing pangkalahatang tagapayo ng Christopher Commission (at, sa hindi inaasahang pangyayari, nagtatrabaho din sa commission ang ating pangkalahatang tagapayo na si Mike), na ginawa para imbestigahan ang racism at labis na puwersa sa Los Angeles Police Department pagkatapos ng pagbugbog kay Rodney King dito sa Los Angeles noong 1991. Natuklasan ng commission ang malawakang racism at labis na paggamit ng puwersa na hindi nasusuri ng mga namumuno. Ang mga ginawang rekomendasyon noon, na halos 30 taon na ang nakakalipas, ay nakakatakot na may kaugnayan pa rin sa ngayon.
Paglipas ng panahon, nagkaroon ako ng oportunidad na magtrabaho at mag-aral sa South Africa kung saan nagkaroon ako ng pribilehiyong makilala ang isa sa aking mga bayani – si Bishop Tutu. Nasaksihan ko ang pagkawasak ng Apartheid at ang kasaysayan ng racism, pero nasaksihan ko rin ang walang sawang pagsisikap tungo sa pag-unlad at pakikipag-ayos. Sa Stanford, tumira ako sa Ujamaa noong Senior year ko, isang dorm sa campus na nakalaan sa black community (at kung saan black ang karamihan ng mga residente). Kahit napakaganda ng pribilehiyo sa Stanford, napakaraming matututunan tungkol sa mga pang-araw-araw na kawalan ng hustisya sa racism sa ating lipunan.
Ibinabahagi ko ito hindi para magmungkahi ng anumang personal na pag-unawa sa karanasan sa pamumuhay ng blacks sa United States pero para ipaliwanag na sa loob ng halos 30 taon ay personal kong nasaksihan o nakilahok ako sa madamdamin at tuloy-tuloy, may mabigat na dahilan, at malakas na pag-apela para sa hustisya sa America at sa buong mundo. Pagkalipas ng 30 taon, sa kabila ng milyon-milyong taong nananawagan para sa pagbabago, maliit na pag-usad lang ang makikita. Umabot na ang economic inequality sa America sa mga antas na halos isang siglo nang hindi na nakikita, hindi makapunta sa grocery store o makapag-jog ang people of color nang walang takot na mapatay nang walang kabuluhan, at sa madaling salita, nabigo ang eksperimento ng America.
Ibinabahagi ko ito dahil nauunawaan ko, sa mga salita ni MLK, na ang “mga riot ay ang wika ng mga walang boses” at ang mga mapayapang nagsusulong ng pagbabago sa loob ng maraming siglo ay nakakuha lang ng kaunting pag-usad, kung mayroon man, patungo sa pangarap na kalayaan, pagkakapantay-pantay, at hustisya para sa lahat na ipinangako ng America. Nauunawaan ko kung bakit pakiramdam ng mga nagra-riot ay hindi sila pinapakinggan.
Sa unang talumpati kung saan inimbitahan akong magsalita pagkatapos naming gawin ang Snapchat, na binigkas sa Stanford Women sa Business Conference noong 2013, ipinahayag kong “isa akong young, white, at educated na lalaki. Naging napakaswerte ko. At hindi patas ang buhay.” Pakiramdam ko ay napakahalagang banggitin ang aking mga pribilehiyo at kilalanin ang kawalan ng hustisya sa ating lipunan – lalo na sa harapan ng mga babaeng business leader na araw-araw humaharap sa mga kawalan ng hustisyang ito. Ang pagkilala sa aking pribilehiyo ay isang mahalagang unang hakbang para sa akin dahil nakatulong ito sa akin na makinig. Ang aking mga karanasan bilang isang mayamang white na lalaki ay naiiba kaysa sa mga kawalan ng hustisyang nararanasan ng ating mga kapwa American. Nakatulong sa akin na maging isang mas mahusay na kakampi sa paglaban ang pag-unawa sa pinagdaraanan ng mga taong naiiba sa akin.
Ang pamantayang ideya sa likod ng pagbuo ng ating bansa ay ang nosyon na ang mga sitwasyon ng inyong kapanganakan ay hindi magtatakda sa landas na tatahakin ng inyong buhay. Para sa ating mga tagapagtatag, katawa-tawa ang ideyang pumili ang Diyos ng isang hari – tayong lahat ay pinili ng Diyos at pantay-pantay ang pagmamahal niya sa ating lahat. Ginusto nilang magtayo ng isang lipunang sumasalamin sa pagmamahal ng Diyos at sa ideyang nananahan sa ating lahat ang Diyos. Hindi naniniwala ang panginoon na may mas nararapat sa pagmamahal sa sinuman sa atin.
Syempre, ang karamihan mismo sa mga Founding Father na ito na sumusuporta sa mga pagpapahalaga sa kalayaan, pagiging pantay-pantay, at hustisya para sa lahat – ay mga nagmamay-ari ng alipin. Ang kanilang matayog na pangarap na isang bansang binubuo ng mga tao, para sa mga tao ay itinatag batay sa panghuhusga, kawalan ng hustisya, at racism. Kung hindi tutugunan ang nabubulok na pundasyong ito at ang patuloy na pagkabigo nitong gumawa ng oportunidad para sa lahat, pinipigilan natin ang ating mga sarili sa pagkamit sa ating totoong kakayahan para sa pag-usad ng mga tao – at patuloy tayong mabibigo sa pag-abot sa matapang na pangarap na kalayaan, pagiging pantay-pantay, at hustisya para sa lahat.
Madalas akong itinatanong ng aking mga kaibigan, team member, mamamahayag, at kasosyo kung ano ang magagawa natin para magkaroon ng pagbabago. Alam kong sa anumang paraan ay hindi ako eksperto, at marami pa akong dapat malaman tungkol sa mundo sa hustong gulang na 29, ibabahagi ko sa ibaba ang sarili kong pananaw sa kung ano ang kailangan para magawa ang pagbabagong hinahanap natin sa America. Hindi natin mawawakasan ang racism sa sistema kapag hindi gumawa ng kasabay na oportunidad para sa lahat ng tao, anupaman ang kanilang pinagmulan.
Una, mahalagang maunawaan na, mula sa aking pananaw, malaking bahagi ng modernong America ang naniniwala sa “malaking ideyang” isinulong ni Pangulong Reagan at iba pa na ang mga negosyo ang dapat na maging mga makina ng pag-unlad at dapat huwag humadlang ang pamahalaan. Sa katunayan, nakatulong ang mga pagbawas ng buwis at deregulasyon sa paglago ng ekonomiya ng America at inilipat ng pederal na pamahalaan ang porsyento ng paggastos nito mula sa mga pagsisikap na nakatuon sa hinaharap tulad ng R&D patungo sa mga pagbibigay ng benepisyo tulad ng Social Security. Syempre, isang pangmatagalang pamumuhunan ang R&D ng pamahalaan, pero mayroon itong malaking benepisyong makukuha sa mas nalalapit na termino: nakatulong ito sa paggawa ng pundasyon ng maraming component sa mga modernong smartphone na nagresulta sa paglago at tagumpay ng mga negosyong tulad ng sa atin. Narito ang tinantya (at hindi perpektong) kalkulasyon sa Pederal na Badyet – habang puwede tayong magdebate kung saan nabibilang ang bawat item sa line, ipinapakita ng mga pagtatantya ang malaking pagkiling sa nakaraan at kasalukuyan habang naisasakripisyo ang hinaharap:
FY 2019 Paggastos ayon sa Function ng Badyet
% ng Pangkalahatang Badyet
Nakaraan/Kasalukuyan
Medicare
16.80%
Social Security
15.79%
National Defense
15.27%
Kalusugan
10.50%
Netong Interes
8.45%
Seguridad ng Kita
8.21%
Pangkalahatang Pamahalaan
5.81%
Benepisyo at Serbisyo para sa Mga Beterano
3.13%
Pangangasiwa ng Hustisya
1.18%
Agrikultura
0.59%
Tinatayang Kabuuan ng Kasalukuyan/Nakaraan
85.73%
Hinaharap
Edukasyon, Pagsasanay, Serbisyong Panlipunan
2.24%
Natural na Yaman at Kapaligiran
1.05%
Transportasyon
1.73%
Pag-unlad ng Komunidad at Rehiyon
0.88%
Pag-unlad ng Komunidad at Rehiyon
0.56%
Enerhiya
0.35%
Tinatayang Kabuuan ng Hinaharap
6.81%
Hindi lihim na inuuna ng ating bansa ang mga negosyo. Kami sa Snap ay naging malalaking benepisyaryo ng mga patakarang ito, pero naniniwala akong panahon na para unahin naman ang mamamayan ng America.
Naniniwala ako na ang una at pinakamahalagang hakbang ay pagtibayain ulit ang ating paninindigan sa mga pinapahalagahan natin sa pagtatatag bilang isang bansa: kalayaan, pagiging pantay-pantay, hustisya, buhay, libertad, at ang paghahanap ng kasiyahan. Dapat tayong magtulungan para makagawa ng iisang pangarap para sa tagumpay sa hinaharap at tukuyin kung ano ang gusto nating maging hitsura ng America para sa mga anak ng ating mga anak. Dapat ay isa itong prosesong kinasasangkutan ng lahat ng American at “binubuo ng mga tao, para sa mga tao.” Kung matutukoy natin ang bansang gusto nating maging, masisimulan natin ang pagkilos at paglalapat ng ating mga pinapahalagahan sa mahahalagang pasyang dapat gawin para maging realidad ang pangarap nating lahat.
Kakailanganin din nating simulang tukuyin ang ating tagumpay batay sa pagkamit sa ating mga pinapahalagahan, sa halip na mga walang kwentang panandaliang sukatan tulad ng GDP o ang stock market. Kapag tumaas ang inyong mga gastusin sa pangangalagang pangkalusugan, anumang halaga ang natanggap ninyo, tataas ang GDP. Kung may dumaang bagyo at naminsala ng maraming bahay at kakailanganin nating itayo ulit ang mga ito, tataas ang GDP. Ang GDP ay isang depektibong sukatan na hindi sumasalamin sa kung ano ang nag-aambag sa totoong kasiyahan ng tao. Ang paghahanap ng kasiyahan ay dapat higit pa sa paghahanap ng kayamanan.
Dapat tayong magtatag ng diverse at non-partisan na Commission para sa Katotohanan, Pakikipag-ayos, at Mga Pagbabayad-pinsala. Dapat tayong magsimula ng proseso para matiyak na maririnig sa buong bansa ang black community ng America, dapat nating siyasatin ang criminal justice system para sa pagkiling at panghuhusga, palakasin ang Department of Justice Civil Rights Division, at dapat tayong kumilos para sa mga rekomendasyon para sa pakikipag-ayos at pagbabayad-pinsalang ginawa ng Commission. Maraming dapat matutunan mula sa mga taong nagkaroon ng lakas ng loob na magsagawa ng katulad na proseso kaugnay ng mga kasamaan sa buong mundo, at dapat tayong gumawa ng prosesong sumasalamin sa mga pinapahalagahan ng America at makakatulong sa ating bansa na gawin ang kinakailangang pagbabago at maghilom.
Dapat nating simulan ulit ang “Opportunity Engine” sa America sa pamamagitan ng pamumuhunan sa edukasyon, pangangalagang pangkalusugan, at pabahay para maging mas accessible at abot-kaya para sa lahat ng tao ang mga pangunahing sangkap na ito ng isang malaya at patas na lipunan.
Naniniwala ako na ang isang dahilan kung bakit malaki ang nabawas sa pagnenegosyo sa America simula noong 1980s ay dahil sa kakulangan ng sapat na safety net mula sa lipunan. Nakadepende ang pagnenegosyo sa pagkakaroon ng kakayahan ng mga tao na sumugal para makapagsimula ng negosyo, na halos imposibleng gawin kung walang safety net gaya ng nakuha ko. Sa ngayon, ang mga potensyal na negosyante ay nahaharap sa utang mula sa pag-aaral at nasasaklawan ng hindi tumataas na sahod at mga lumalaking gastusin kaya nahihirapang mag-ipon para sa kailangang kapital para makapagsimula ng negosyo.
Magiging magastos ang pamumuhunan sa hinaharap ng ating bansa para makapagbigay ng benepisyo sa mga anak ng ating mga anak. Kakailanganin nating magtakda ng mas progresibong sistema ng income tax at higit na mas malaking estate tax, at kakailanganin nating magbayad ng mas malaking rate ng buwis ang mga korporasyon. Habang namumuhunan tayo sa hinaharap, kakailanganin din nating bawasan ang pederal na kakulangan para maging mas handa tayong tugunan ang anumang panlabas na pag-atake na posibleng dumating sa hinaharap sa mundo nating mabilis na nagbabago. Sa madaling salita, ang mga taong kagaya ko ay magbabayad ng mas malaking buwis – at naniniwala akong magiging mahalaga ito para makagawa ng lipunang magbibigay ng benepisyo sa ating lahat.
Karamihan sa mga pagbabagong ito ay posibleng maging “masama” para sa negosyo sa panandaliang panahon, pero dahil kinakatawan ng mga ito ang mga pangmatagalang pamumuhunan sa mga tao ng ating bansa, naniniwala akong sama-sama tayong makakakuha ng malalaking pangmatagalang benepisyo.
Bakit hindi pa nangyayari ang pagbabagong ito? Para sa akin, ito ay dahil nagpakita ng kaunting interes sa mas magandang hinaharap para sa kanilang mga anak ang malaking bahagi ng Boomer sa lahat ng sangay ng ating pamahalaan. Sa loob ng maraming dekada, nakatuon ang ating pamahalaan sa istratehiyang debt-financed na bawas sa buwis at pinapahintulutang paggastos para payamanin ang pinakamahahalaga nilang botante: ang mga Boomer. Hawak ng mga Boomer ang halos 60% ng lahat ng kayamanan ng sambahayan sa America. Para ilagay ito sa konteksto, hawak ng mga bilyonaryo ang humigit-kumulang 3%. Sa Social Security, halimbawa, pinopondohan namin ang isang programang magbibigay ng mga benepisyo sa pinakamayamang henerasyon sa kasaysayan ng American nang walang anumang uri ng means-testing.
Ipinapakita ng ilang pananaliksik na kapag hindi nakikita ng mas nakakatandang henerasyon ang kanilang mga sarili sa mas nakakabatang henerasyon, hindi sila masyadong nakahandang mamuhunan sa kanilang hinaharap. Sa America, ang henerasyon ng Boomer ay humigit-kumulang 70% white, at ang henerasyon ng Gen Z ay humigit-kumulang 50% white. Hindi mapipigilan ang pagbabago ng demograpiko ng America. Samakatuwid, ang tanong ay kung kaya nating magkaisa o hindi para gumawa ng bansang mas sasalamin sa ating founding values, hihilom sa malalalim na sugat ng ating nakaraan, sisikaping alisin ang racism at kawalan ng hustisya, at gagawa ng oportunidad para sa lahat – sinuman sila, o saanman sila ipinanganak.

Source: https://money.cnn.com/interactive/economy/diversity-millennials-boomers/
As for Snapchat, we simply cannot promote accounts in America that are linked to people who incite racial violence, whether they do so on or off our platform. Our Discover content platform is a curated platform, where we decide what we promote. We have spoken time and again about working hard to make a positive impact, and we will walk the talk with the content we promote on Snapchat. We may continue to allow divisive people to maintain an account on Snapchat, as long as the content that is published on Snapchat is consistent with our community guidelines, but we will not promote that account or content in any way.
It is never too late to turn towards love, and it is my sincere and earnest hope that the leadership of our great country will work towards our founding values, our raison d’être: freedom, equality, and justice for all.
Until that day, we will make it clear with our actions that there is no grey area when it comes to racism, violence, and injustice – and we will not promote it, nor those who support it, on our platform.
This does not mean that we will remove content that people disagree with, or accounts that are insensitive to some people. There are plenty of debates to be had about the future of our country and the world. But there is simply no room for debate in our country about the value of human life and the importance of a constant struggle for freedom, equality, and justice. We are standing with all those who stand for peace, love, and justice and we will use our platform to promote good rather than evil.
I know there are many people who feel that just because “some people” are racist, or just because there is “some injustice” in our society that we are “not all bad.” It is my view that humanity is deeply interconnected and that when one of us suffers, we all suffer. When one of us is hungry, we are all hungry. And when one of us is poor, we are all poor. When any one of us enables injustice through our silence we have all failed to create a nation that strives for its highest ideals.
Some of you have asked about whether Snap will contribute to organizations that support equality and justice. The answer is yes. But in my experience, philanthropy is simply unable to make more than a dent in the grave injustices we face. While our family has and will continue to contribute meaningfully to create opportunity for the underprivileged, and donate to the guardians of justice, these circumstances call for a more radical reorganization of our society. Private philanthropy can patch holes, or accelerate progress, but it alone cannot cross the deep and wide chasm of injustice. We must cross that chasm together as a united nation. United in the striving for freedom, equality, and justice for all.
We have a great many challenges in front of us. To confront the long legacy of violence and injustice in America – of which George, Ahmaud, and Breonna are the latest victims, with so many more unnamed – we must embrace profound change. Not merely a change in our country, but a change in our hearts. We must carry the light of peace and share the embrace of love with all humankind.
May peace be with you,
Evan