Disyembre 13, 2022
Disyembre 13, 2022

Paano Ka Nabihag ng Snapchat noong 2022!

Panahon na ng taon para magbalik-tanaw, mag-recap, at ibuod kung paano ka nakuhanan ng Snapchat noong 2022. Dito sa Snap, nagkaroon kami ng abalang taon. Na-Shook tayo, na-Tongue Tied, Umiyak, ipinakita ang ating kalokohan gamit ang Cartoon Kid at Cute Anime ang aming nangungunang Lenses ngayong taon.[ 1]

Snap Inc. internal data May 01 - November 30, 2022.

Nariyan ang lahat ng klase ng trends: Ang unang dapat ilista ay ngayong taon, nilakasan ng ating komunidad ang volume! Sa kabuuan, lumaki nang higit sa 3X ang bilang ng Snap Stories na may musika. Ang mga nangungunang kanta na ginamit sa mga Snap ay:

  • “Happy Birthday” ng Vitamin A

  • “El Haraka De” ni Ahmed Helmy 

  • “Like Me Better” ni Lauv

  • “Yummy” ni Justin Bieber

  • “Heat Waves” ng Glass Animals 

Bukod sa musika, gustong-gusto ring sine-share ng mga Snapchatter ang kanilang mga paboritong palabas sa TV at pelikula sa kanilang mga kaibigan. Ang mga pinakasikat na pelikula na pinag-usap-usapan sa Snapchat Stories ngayong taon ay:

  • Hotel Transylvania: Transformania

  • Thor: Love and Thunder

  • Minions: The Rise of Gru

  • Doctor Strange in the Multiverse of Madness

  • Hocus Pocus 2

. . .  at ang mga TV Show na ito ang pinag-usapan ng maraming tao:

  • Cobra Kai

  • Euphoria

  • Love Island

  • Stranger Things

  • House of the Dragon

Snap Inc. internal data noong November 2022

Panghuli, nagbalik na sa dating sigla ang turismo.  Kapag hindi namamasyal ang mga Snapchatter sa New York City, nililibot naman nila ang mga lungsod sa Europa tulad ng London at Rome, kaya hindi na namin ikakagulat na ang #1 na naka-tag na lokasyon ng taon ay ang airport![ 2]

Ang mga nangungunang lugar ngayong taon na nakuhanan ng mga Snapchatter sa mga Snap ay:

  • Big Ben

  • St. Paul’s Cathedral

  • Guggenheim Museum

  • St. Peter’s Basilica

  • The Empire State Building

Snap Inc. internal data May 01 2021 - June 22 2022.

Naging maganda ang taon, at simula pa lang ito ng kuwento. Kaya simula sa susunod na linggo, nasasabik kaming maghatid ng naka-personalize na Year End Stories para sa ating komunidad. Ang mga magku-qualify na Snapchatter ay mahahanap ang kanilang Year End Story na binubuo ng kanilang paboritong memories sa pamamagitan ng pag-swipe pataas mula sa Camera. 

Happy Snapping at magkita tayo sa susunod na taon!


[1] Snap Inc. internal data May 01 - November 30, 2022.

[2] Snap Inc. internal data 2022.

Bumalik sa Mga Balita