Mga bagong paraan para kumain at mamili gamit ang camera ng Snapchat
Sa tulong ng aming mga pinakabagong Scan partner na Yuka at Vivino, hatid namin sa mga Snapchatter ang Nutrition Scanner at Wine Scanner, na maaaring gawing mas masaya at puno ng impormasyong karanasan ang mga pang-araw-araw na gawain tulad ng pagluluto, pamimili ng grocery, at pagbubukas ng bote ng alak.
Nitong taon, ipinakilala namin ang aming mga pinakabagong Scan partner tulad ng Dog Scanner at Plant Snap, na tumutulong sa iyong tukuyin ang mahigit 400 breed ng aso, at 90% ng lahat ng kilalang halaman at puno. Inanunsyo rin namin ang Voice Scanner na hatid ng SoundHound, na naglalabas ng iba't ibang Lens batay sa sarili mong mga voice command.
At ngayon, sa tulong ng aming mga pinakabagong Scan partner na Yuka at Vivino, hatid namin sa mga Snapchatter ang Nutrition Scanner at Wine Scanner, na maaaring gawing mas masaya at puno ng impormasyong karanasan ang mga pang-araw-araw na gawain tulad ng pagluluto, pamimili ng grocery, at pagbubukas ng bote ng alak.
Gamit ang Nutrition Scanner ng Snapchat, na hatid ng Yuka, magagawa mong mag-Scan ng hanggang 1 milyong produkto ng pagkain ayon sa Yuka, at makakuha ng mga rating sa kalidad ng mga sangkap sa maraming nakapaketeng pagkain -- na matatagpuan sa iyong sariling pantry, o kahit sa mga food aisle sa grocery store. Sinusuri ng Yuka ang pagkain sa ilang kategorya, kabilang ang pangunahing nutritional content, ang pagkakaroon ng mga additive, at ang pagiging organic ng produkto.
Ipinapakilala rin namin ang Wine Scanner, kaya ngayon, magagawa mo nang mag-Scan ng mahigit 12 milyong uri ng mga label ng alak ayon sa Vivino, at makita ang mga kapaki-pakinabang na impormasyon tulad ng rating ng alak, mga tasting profile at marami pang iba, salamat sa aming mga partner sa Vivino.
Mula sa paghahanap ng isang masayang Lens na perpektong nagpapahayag ng iyong mood, hanggang sa pagtulong sa iyong mag-navigate sa mga aisle ng grocery store, o kahit sa sarili mong pantry, ang Scan at ang aming camera ay isang panimulang punto upang matulungan ang mga Snapchatter na ipahayag ang kanilang sarili at matuto tungkol sa mundo.