Disyembre 27, 2013
Disyembre 27, 2013

Finding Friends with Phone Numbers

Over the past year we’ve implemented various safeguards to Finding Friends via phone numbers. We recently added additional counter-measures and continue to make improvements to combat spam and abuse.

Pana-panahong kumokontak sa amin ang mga propesyonal sa seguridad ng kompyuter at iba pang taong nakakatulong tungkol sa mga potensyal na bug at kahinaan ng Snapchat. Nagpapasalamat kami sa tulong nga mga propesyonal na nagsasagawa ng responsableng pagtatago at sa pangkalahatan ay maayos ang pakikipagtulungan namin sa mga nakipag-ugnayan sa amin.

Ngayong linggo, sa Bisperas ng Pasko, nag-post ang isang grupo sa seguridad ng dokumentasyon para sa aming pribadong API. Kabilang sa dokumentasyong ito ang alegasyon tungkol sa posibleng atake na maaaring matipon ninuman ang database ng mga username at numero ng telepono sa Snapchat.

Hinahayaan ng aming Find Friends feature ang mga user na i-upload ang mga kontak kanilang address book sa Snapchat para maipakita namin ang mga account ng mga Snapchatter na tumutugma sa mga numero ng teleponong makikita Opsyonal ang paglalagay ng numero ng telepono sa Snapchat account mo, pero nakakatulong ito para makita ka ng mga kaibigan mo. Hindi namin ipinapakita ang mga numero ng telepono sa ibang user at hindi namin sinusuportahan ang kakayanan na mahanap ang mga numero ng telepono batay sa username ninuman.

Sa teorya, kung mayroong nakapag-upload ng malaking bulto ng mga numero ng telepono, halimbawa bawat numero sa isang area code, o lahat ng posibleng numero sa U.S., maaari silang makagawa ng database ng mga resulta at maitutugma ang mga username sa mga numero ng telepono sa ganoong paraan. Sa nakalipas na taon, nagpatupad kami ng iba't ibang pag-iingat para mas mahirap iyong gawin. Idinagdag namin kamakailan ang mga karagdagang counter-measure at patuloy na gumawa ng mga pagpapahusay para malabanan ang spam at abuso.

Happy Snapping!

Back To News