Inilabas namin ngayon ang isang pandaigdigang pag-aaral sa 10,000 tao mula sa Australia, France, Germany, India, Malaysia, Saudi Arabia, UAE, U.K., at U.S. para malaman kung paano hinuhubog ng kultura, edad, at teknolohiya ang mga kagustuhan at ugali patungkol sa friendship. Sampung eksperto sa friendship mula sa iba't ibang panig ng mundo ang nagbigay ng kontribusyon sa report para maisakoneksto ang data.
“Unang idinisenyo ang Snapchat bilang isang platform para mabigyang-daan ang pagpapahayag sa sarili at pagpapalalim ng mga relasyon sa tunay na friends mo, na nagresulta sa pagkakaroon namin ng interes sa mga kumpleksidad patungkol sa friendship at pagkakaiba-iba sa mga kultura,” ang sabi ng pinuno ng consumer insights ng Snap Inc. na si Amy Moussavi. "Bagama't magkakaiba ang ideya ng friendship sa iba't ibang panig ng mundo, alam naming may mahalagang tungkulin itong ginagampanan sa ating kaligayahan, at nananatili kaming lubos na nakatuon sa paghahanap ng mga bagong paraan para maipagdiwang at mapalalim pa ito sa pamamagitan ng Snapchat."
Sa lahat ng market na na-survey namin, may 4.3 na best friends, 7.2 na good friends, at 20.4 na acquaintance ang average na social circle ng mga tao. Sa buong mundo, nakikilala ng karamihan ng mga tao ang kanilang panghabambuhay na best friend sa average na edad na 21. Sinabi ng mga respondent na ang "katapatan" at "pagiging totoo" ang pinakamahahalagang katangian ng isang best friend at ang "pagkakaroon ng malaking social network na masasalihan" ang lubos na hindi binibigyang-priyoridad kapag nakikipagkaibigan.
Nagbibigay ng bagong kaalaman ang Friendship Report tungkol sa karakter ng friendship, kabilang ang:
Kung paano nakakaapekto sa mga prinsipyo at friendship circle ang interpretasyon ng iba't ibang kultura sa friendship.
Kung paano nauugnay sa kaligayahan ang friendship, pero ang bahagyang pagkakaiba ng mga sine-share natin at kung ano ang nararamdaman natin kapag nakikipag-usap tayo sa friends ay puwedeng magkaroon ng malaking pagkakaiba-iba batay sa ating laki ng circle, kasarian, henerasyon, at marami pang iba.
Ang henerasyon kung kailan tayo ipinanganak ay may malaking impluwensya sa ating mga ugali patungkol sa friendship—at inililihis ng Gen Z ang pamamaraan nila mula sa kagustuhan ng millennial na magkaroon ng malalawak na network patungo sa pagkakaroon ng mas maliit na grupo na malapit at personal.
"Ang malaking aspetong nagbibigay ng kaibahan sa mga friendship kumpara sa iba pang relasyon ay boluntaryo ang mga ito," ang sabi ni Miriam Kirmayer, isang therapist at mananaliksik sa friendship. "Hindi natin ganap na inaasahan ang friends natin na manatiling bahagi ng buhay ng isa't isa, hindi gaya ng mga relasyon sa ating pamilya, mga partner, at mga anak. Kailangan nating patuloy na piliing maglaan ng oras sa mga friendship natin—na manatiling bahagi ng buhay ng isa't isa at magpakita. Isa itong tuloy-tuloy na hindi hayagang desisyon na siyang dahilan kung bakit malaki ang naidudulot ng mga friendship natin sa ating kaligayahan at self-esteem."
Kabilang sa isang sampling ng mga insight na nakuha mula sa pandaigdigang survey na ito ang:
Epekto ng Kultura
Sa India, Middle East, at Southeast Asia, makikita sa ulat ng mga tao na tatlong beses na mas marami ang bilang ng best friends nila kumpara sa mga taong nakatira sa U.S., Australia at sa mga bansa sa Europe. Saudi Arabia ang may pinakamataas na average na bilang ng best friends sa 6.6, at ang U.K. ang may pinakamababang average na bilang ng best friends sa 2.6. Ang mga taong nakatira sa U.S. ang pangalawang may pinakamababang average na bilang ng best friends sa 3.1, at ito ang bansang may pinakamalaking posibilidad na magkaroon ng ulat na may isang best friend lang.
Mas pinapahalagahan ng mga taong nakatira sa India, Middle East, at Southeast Asia ang pagkakaroon ng friends na "matalino at cultured," at sa mga taong nakatira sa U.S., Europe, at Australia, mas mahalaga ang pagiging "hindi mapanghusga."
Para sa mga taong nakatira sa India, Middle East, at Southeast Asia, ang posibilidad na sabihin nilang mahalagang katangian sa isang best friend ang pagkakaroon ng "malaking social network" ay mas mataas nang apat na beses, kumpara sa mga taong nakatira sa iba pang rehiyon. Sa katunayan, sa average para sa buong mundo, ang lubos na hindi binibigyang-priyoridad ng mga tao sa paghahanap ng best friend ay ang "pagkakaroon ng malaking social network."
Mga Friendship Circle at Komunikasyon
Sa buong mundo, 88% ng mga tao ang nag-e-enjoy na makipag-usap sa kanilang friends online. Nakapili ang mga respondent namin ng maraming opsyon para maipaliwanag kung ano ang nae-enjoy nila tungkol sa online na komunikasyon, at may pagkakatulad tungkol sa mga benepisyo. Sa lahat ng rehiyon, 32% ng mga tao ang pinili ang kakayahang "makipag-usap sa kanilang friends nang mas mabilis at walang kahirap-hirap" bilang kanilang pinapaborang paliwanag.
Lubos na nagbibigay ng matinding positibong emosyon ang pakikipag-ugnayan sa friends, sa personal man o online: "masaya," "pakiramdam na may nagmamahal," at "sinusuportahan" ang tatlong pinakamadalas na iniulat sa buong mundo. Gayunpaman, ang mga babae ang pinakamalamang na mag-ulat ng mga ganitong emosyon kaysa sa mga lalaki pagkatapos ng mga online chat. Gayunpaman, ang mga babae ang pinakamalamang na mag-ulat ng mga ganitong emosyon kaysa sa mga lalaki pagkatapos ng mga online chat.
Nakikita namin na pagdating sa average na bilang ng mga uri ng friends, mas malalaki ang grupo ng mga koneksyon ng mga user ng mas public platform, pero hindi gaanong tunay na friends ang mga ito kumpara sa mga taong mas gusto ang mga private na platform na pangkomunikasyon. Ang mga user ng Snapchat ang may pinakamataas na bilang ng "best friends" at "close friends," at ito ang may pinakakaunting bilang ng "acquaintances," habang ang mga user ng Facebook ang may pinakakaunting bilang ng "best friends," at ang mga user ng Instagram ang may pinakamataas na bilang ng "acquaintances."
Mga Impluwensya ng Henerasyon
Sa buong mundo, hindi nakakagulat na empatiko ang mga Gen Z at millenial sa kanilang pagkahilig sa pakikipag-usap sa kanilang friends online—7% at 6% lang ayon sa pagkakasunod-sunod ang nagsabing hindi nila ito nae-enjoy, kumpara sa 13% ng mga Gen X at 26% ng mga baby boomer. Mahalaga rin para sa mga mas batang henerasyon ang visual na komunikasyon—61% ang naniniwalang nakakatulong sa kanila ang video at mga larawan na maipahayag ang gusto nilang sabihin sa paraang hindi nila maipahayag gamit ang mga salita.
Sa buong pananaliksik, ang mga millennial ang nangunguna sa buong mundo bilang pinaka-"share happy" sa lahat ng henerasyon. Ang mga millennial ang may pinakamaliit na posibilidad na magsabing "Hindi ko ise-share 'yan" sa lahat ng kategoryang na-survey. Ibabahagi rin ng mga millennial ang mga isyu sa publiko sa pamamagitan ng mga platform gaya ng Instagram o Facebook nang higit pa sa anumang ibang henerasyon. Bukod pa rito, mas mataas ang posibilidad na gustuhin nilang magkaroon ng best friend na may malaking social network. Madalas ding ang mga millennial ay gustong magkaroon ng "mas maraming friends hangga't maaari" kaysa sa anumang henerasyon.
Mukhang hindi sumusunod ang Gen Z sa mga yapak ng mga millennial, sa halip, naghahanap sila ng personal na ugnayan sa kanilang mga friendship, at sila ang lubos na nagnanais na magkaroon ng mga bukas at tapat na relasyon kumpara sa anupamang henerasyon.
Ang mga boomer ang pinakakonserbatibo pagdating sa mga paksang pinag-uusapan nila kasama ang kanilang best friends, na kabaliktaran ulit ng mga millennial. Higit sa one-third ng mga boomer ang nagsasabing hindi nila pag-uusapan kasama ng kanilang best friend ang tungkol sa kanilang love life (45%), mental health (40%), o ang mga usaping nauugnay sa pera (39%). Ayon sa pagkakasunod-sunod, 16%, 21%, at 23% ng mga millennial ang nagsasabing hindi nila pag-uusapan ang mga parehong paksang ito kasama ang kanilang mga best friend.
Para mabasa ang buong Snap Global Friendship Report, mag-click dito.
Tungkol sa Report
Ang Friendship Report, na itinakdang gawin sa pakikipagtulungan sa Protein Agency, ay nagpa-poll sa 10,000 taong kumakatawan sa bansa, na may mga edad 13 hanggang 75 taong gulang, sa Australia, France, Germany, India, Malaysia, Saudi Arabia, UAE, U.K. at U.S. Sa U.S. 2,004 na respondent ang lumahok sa suvey noong Abril 2019. Ang mga respondent ay isang random na sampling ng mga consumer at hindi sila pinili dahil gumagamit sila ng Snapchat; hinati sila sa apat na pangunahing grupo ng henerasyon, ang mga Gen Z, millennial, Gen X, at baby boomer, at nagbigay sa kanila ng survey tungkol sa kanilang mga opinyon hinggil sa friendship. Sa tulong ng Friendship Report, may mga bagong natuklasan tungkol sa kung paano nakikipag-ugnayan ang friends sa isa't isa sa iba't ibang bansa at henerasyon, habang binibigyang-diin din ang epekto ng teknolohiya sa mga buhay natin.