Oktubre 28, 2020
Oktubre 28, 2020

Our 2020 Friendship Report

Today, we released our second global Friendship study, interviewing 30,000 people across sixteen countries, to explore how the COVID-19 pandemic and global issues have impacted friendship. Seventeen experts on friendship from around the world contributed to the report.

Ngayong araw, ni-release namin ang aming ikalawang pandaigdigang Friendship study, kung saan nag-interview kami ng 30,000 tao sa labing-anim na bansa, upang ma-explore kung paano nakaapekto sa pagkakaibigan ang pandemya ng COVID-19 at ang mga pandaigdigang isyu. Labimpitong eksperto sa pagkakaibigan mula sa buong mundo ang nag-ambag sa report.

Ang pag-uusap sa pamamagitan ng mga litrato at video na may layer na mga creative tool tulad ng aming augmented reality Lenses, Filters, at personal avatars Bitmoji, ay nakakatulong sa Snapchatters na maihayag ang kanilang sarili at makipag-ugnayan sa visual na paraan. Nagsisilbi ang mga ito bilang mahalagang tagapag-ugnay kapag hindi opsyon ang face to face na pagkikita at sa panahon ng pagsubok na ito ay nagbigay-daan sa Snapchatters para maging mas malapit sa kanilang matatalik na kaibigan kahit na pakiramdam ng hindi Snapchatters ay mas malayo sila.

Ang Friendship Report ay nagbibigay ng bagong impormasyon sa kung paano naaapektuhan ng COVID ang pagkakaibigan at kung ano pang mga pangunahing event sa buhay ang mayroon ding epekto, kabilang ang:

  • Dahil sa COVID, naging mas malapit ang ilang magkakaibigan, pero mas nakaramdam ng pag-iisa ang iba sa atin dahil dito.

  • Ang mga kaibigan ang ating unang hanay ng depensa laban sa kalungkutan, at sa pangkalahatan ay sa pagkabata tayo nagkakaroon ng matatalik na kaibigan; karaniwang kilala na natin ang ating mga pinakamalalapit na kaibigan nang kalahati ng ating buhay o higit pa.  

  • Halos lahat sa atin ay nawalan na ng koneksyon sa isang malapit na kaibigang mula sa ating pagkabata, kung saan karamihan ay gustong muling madiskubre ang malapit na koneksyong iyon.

  • Bagama't halos lahat sa atin ay nananatiling mas konektado sa pamamagitan ng mga channel ng digital na komunikasyon, kailangan pa rin nating i-develop ang ating friendship skills para makatulong sa atin na matutunan kung paano magpanatili ng mga pagkakaibigan nang malayuan at makipag-ugnayang muli kung mawala ang koneksyon sa isa't isa.

  • Naglaan din ang mga eksperto sa buong mundo ng payo at mga tips kung paano ito gagawin, gumawa rin ang Snap ng isang bagong Friendship Time Capsule upang tulungan ang mga Snapchatter na ipagdiwang ang kanilang mga pakikipagkaibigan.

Ang epekto ng COVID-19

Anim na buwan matapos magpatupad ang karamihan ng mga bansa ng restriksyon sa social distancing, ang mga magkakaibigan ay naghahanap ng mga bagong paraan para manatiling nauugnay, at ang mga pangmatagalang epekto nito ay nagsisimula pa lamang makita. "Ito ang pinakamalaking psychological experiment na isinagawa kailanman, at hindi namin alam kung paano ito matatapos." Lydia Denworth, journalist at awtor.

Dalawang-katlo ng magkakaibigan ang nagsabi na mas gumagamit sila ng mga online channel para makipag-usap ngayon kaysa noong bago ang COVID-19 (66 na porsiyento) at karamihan sa mga pag-uusap na iyon ay malalalim (49 na porsiyento), kaysa sa mga mabababaw lamang na mga paksa. Lumilitaw na ang mga digital communication ang susi para manatiling nauugnay kahit magkalayo, anupat karamihan (79 na porsiyento) ang nagsasabi na natulungan nilang mapanatili ang kanilang pagkakaibigan anuman ang edad.

Kahit na mayroong pagsulong sa pakikipag-ugnayan sa mga kaibigan, nagdulot din ng kalungkutan ang COVID-19 sa ilan. Dalawang-katlo sa mga sinuri namin ang nagsabi na nalungkot sila mula nang magsimula ang pandemya (66 na porsiyento) - 8 porsiyento na mas mataas kaysa bago ang COVID-19.

Halos kalahati ng mga tao (49 na porsiyento) ang nagsasabi na mas nakakapagpalungkot sa kanila kapag hindi nila nakikita ang kanilang mga kaibigan, samantalang isang-katlo lamang ang nakakaramdam na nakikipag-ugnayan sa kanila ang kanilang mga kaibigan gaya rin ng gusto nila (30 porsiyento). Sa katunayan, isang-katlo ng mga tao (31 porsiyento) ang nakaramdam na pinahina ng social distancing ang kanilang ugnayan sa kanilang mga kaibigan.

Sa kabuoan, isang-katlo ng mga tao na aming sinuri ang nagsabi na nakaapekto ang COVID-19 sa kanilang mga pakikipag-kaibigan. Mahigit kalahati naman ang nagsabi na nagdulot ito sa kanila na makaramdam na hindi sila masyadong malapit sa kanilang mga kaibigan (53 porsiyento). At halos kalahati ng mga sinuri ang sumang-ayon sa statement na "nakaramdam sila na mas napalayo sila sa kanilang mga kaibigan dahil hindi sila nagkakasama nang personal" (45 porsiyento).

Si Laavanya Kathiravelu, na nag-aaral ng pakikipag-kaibigan at migration, ay nagsabi sa amin na "kahit patuloy na napapanatili ang pakikipagkaibigan sa pamamagitan ng mga app, tawag sa telepono, at iba pang uri ng komunikasyon, ang nawawalang sangkap ang nag-aalis sa kabuoang karanasan ng pakikipag-kaibigan para sa karamihan."

Ito ang dahilan kung bakit mayroong kaibahan ang mga Snapchatter na madalas na nakikipag-usap visually - at ang mga non-Snapchatter - anupat ang mga Snapchatter ay nagiging mas malapit sa kanilang mga kaibigan sa panahon ng pandemya.

Inilarawan ng isang friendship researcher na si Donya Alinejad ang kahalagahan ng visual communication sa paggawa ng "co-presence" na nagdudulot ng "isang pakiramdam na kayo ay magkasama kahit na kayo ay magkalayo." Ang pakiramdam na tayo ay magkakasama ay mahalaga "sa ilang mga kadahilanan," ang sabi ni Alinejad, lalo na "para sa mga taong nangangailangan ng isang uri ng emosyonal na suporta."

Dahil nagdudulot ng isolation ang pandemiya, ang kagandahan nito ay tunay na gustong makipag-ugnayan ng mga tao sa iba at kumustahin ang mga tao na malapit sa kanila.

Mahigit isang-katlo ng mga tao (39 na porsiyento) ang nagsasabi na ang kanilang pagkakaibigan ay mas mahalaga ngayon at halos kalahati sa atin ang gumagawa ng mga paraan para makipag-ugnayan sa mga kaibigan na hindi natin nakausap nang ilang panahon (48 porsiyento).

Ang lockdown ay mayroong uri ng epektong funneling. Nagpapatibay ka ng ilang espesipikong ugnayan at hinahayaan naman ang iba. Kaya nagpatibay talaga ito ng ilang ugnayan sa panahong ito," ang sabi ni Guillaume Favre, isang socioligist.

Ang isa na umalis at muling pakikipag-ugnayan

Noong nakaraang taon, nakita ng Friendship Report ng Snap na ang mga pagkakaibigan, lalo na ang mga mula pa noong pagkabata, ay mayroong malaking epekto sa kaligayahan at pagkatao. Kaya nakakagulat na makita na ngayong taon, 79 na porsiyento sa atin sa buong mundo ang nawalan ng ugnayan sa isang malapit na kaibigan ngunit nakakatuwa na 66 na porsiyento ang nagsabi na nais nilang muling maibalik ang kanilang ugnayan. Sa E.U.A, mas mataas ang mga numerong iyon, na may bilang na 88 porsiyento at 71 porsiyento.

At malugod kaming tutugon sa isa sa aming matalik na kaibigan na nakikipag-ugnayan muli, na may pinakatanyag na emosyon bilang nagagalak (36 na porsiyento), o nananabik (29 na porsiyento), samantalang ang ilan ay makakaramdam ng pagiging awkward (14 na porsiyento), o panghihinala (6 na porsiyento).

Paano tayo muling makikipag-ugnayan sa mga malalapit na kaibigan? Mahigit dalawang-katlo ng mga tao (67 porsiyento) ang mas nais na muling makipag-ugnayan digitally, ngunit nasa kalahati lamang ang gustong makaalam kung paano (54 na porsiyento). Ang pinakaunang bagay na gustong ibigay ng mga tao sa kanilang mga kaibigan ay ang kanilang litrato na magkasama (42 porsiyento), samantalang ang ikalawa ay ang isang litrato na nagpapaalala sa kanila ng isang magandang alaala (40 porsiyento). Ang humor ay may mataas ding antas, na nasa ikatlong antas na ang pagpapadala ng isang nakakatawang meme o GIF ay maganda upang makapagpasimula ng pag-uusap (31 porsiyento).

Mahigit isang-katlo (35 porsiyento) ang gustong gumamit ng mga kagamitan upang makipag-usap, lalo na sa mga mahihirap na pagkakataon katulad ng muling pakikipag-ugnayan.

Kung paano magiging isang mabuting kaibigan

Mayroong maraming mga resources para sa mga taong nahihirapan sa kanilang ugnayan kagaya ng sa pamilya o mag-asawa, ngunit wala sa pagkakaibigan. Dahil dito, marami ang walang mga kagamitan o kumpyansa na kailangan nila upang palaguin at ipagpatuloy ang mga bentaha at disbentaha ng mga pagkakaibigan.

Si Gillian Sandstrom na isang British lecturer at nag-aaral ng social psychology, ay nagsabi tungkol sa "liking gap," kung saan mahilig nating isipin ang mga tao kaysa sa iniisip nila. Ang ganitong impluwensiya ay nagdudulot ng insecurity sa pagsisimula ng pakikipag-usap. Natatakot tayo sa mga putol-putol at bigong mga ugnayan anupat ang pag-una sa oportunidad sa pagpapasimula ng pakikipagkaibigan o pagpapalalim ng ugnayan ay mas tamang desisyon. Karaniwan na, nagugustuhan ka ng mga tao kaysa sa iniisip mo, kaya magpatuloy lang at maging malakas ang loob.

Ang pakikinig, pananatiling presente, at pagtanggap ng responsibilidad ay mga pangunahing kasanayan sa pakikipagkaibigan. Maaaring magdulot ng kaunting pagsisikap ang pagpapalago ng ganitong mga kasanayan, ngunit sa pamamagitan ng mga leksiyon at pag-eensayo, sumasang-ayon ng mga eksperto na mapapasulong pa natin ang ating mga pakikipagkaibigan.

Back To News