Batay sa kasaysayan, ang grupo ng kabataang botante ang may pinakakaunting bilang pagdating sa pagboto, na nagresulta sa pagkakaroon ng lubos na pag-aalinlangan ng mga makapangyarihan sa politika tungkol sa potensyal na paglahok ng mga ito. Gayunpaman, para sa lahat ng espekulasyon kung boboto ang Gen Z o hindi, o kung sino ang posible nilang iboto, wala pa gaanong isinasagawang pagsisikap para unawain ang mga humahadlang sa kanilang bumoto, ang mga isyung pinakamahalaga para sa kanila, at kung paano pinakamainam na maabot ang impluwensyal na henerasyong ito.
Ngayong tag-init, pinaplano naming baguhin iyon sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa Center for Information & Research on Civic Learning and Engagement (CIRCLE) ng Tufts University, Morning Consult, at Crowd DNA tungkol sa bagong quantitative at qualitative na pananaliksik sa bipartisan na mga botanteng Gen Z at mga eksperto tungkol sa civic engagement ng kabataan. Pina-publish namin ngayon ang mga resulta ng aming pananaliksik, na nagpapakitang dapat nating asahan ang Gen Z -- kung saan marami sa kanila ang magiging kwalipikadong bumoto sa kanilang unang pampanguluhang eleksyon ngayong taong ito -- na lumahok sa botohan sa 2020 na hindi pa kailanman nangyayari.
Sa aming pananaliksik, kabilang sa mga napag-alaman namin ang mga sumusunod:
Napagtanto kung gaano kalala ang pandemya: 82% ng mga Gen Zer ang nagsasabing dahil sa paglaganap ng COVID-19, naunawaan nila kung paano nakakaapekto sa kanilang mga pang-araw-araw na buhay ang mga desisyon ng mga politiko.
Nagreresulta sa pagboto ang aktibismo: Ang mga kabataang kinikilala ang kanilang mga sarili bilang konserbatibo at liberal ay itinuturing ang kanilang mga sarili bilang mga aktibista -- at ipinapakita sa mga kamakailang pag-aaral na dahil sa aktibismo, mas malaki ang posibilidad na bumoto sila.
Pangunahing resource ang kolehiyo para sa paglahok ng botante: 63% ng mga mag-aaral na may edad 18-21 taong gulang ay karaniwang natututo tungkol sa mga proseso ng komunidad habang nasa kolehiyo -- mula man sa mga drive para sa pagpaparehistro ng botante na nangyayari sa campus o mula sa mga kapwa estudyante.
Napapabayaan ng ating sistema ang malaking bilang ng mga kabataang botante: 33% lang ng mga kabataang may edad 18-23 taong gulang ang may kakayahang mag-aral sa kolehiyo bilang full-time na estudyante, na nangangahulugang may malaking populasyon ng mga kwalipikadong kabataang botante na dati nang walang sapat na access sa impormasyon at mga resource na makakatulong sa kanilang bumoto.
Sa madaling salita, hindi pa dumaraan sa modernisasyon ang ating mga kasalukuyang proseso ng pagboto para sa mobile-first na henerasyon at sa paraan ng kanilang pakikipag-ugnayan at paggamit ng impormasyon. Gayunpaman, ipinapakita sa aming pananaliksik na handa silang lampasan ang hadlang na ito sa 2020. May mahalagang tungkuling magagampanan ang mga mobile civic tool para sa mga kabataan sa eleksyong ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga resource para mabigyang-kaalaman ang mga kabataang botante, matulungan silang magparehistro, magbigay ng sample na balota, at matiyak na nauunawaan nila ang kanilang mga opsyon sa pagboto -- sa pamamagitan man ng mail o sa personal.
Sa pagsasaalang-alang sa epekto ng pandemya sa mga campus ng kolehiyo -- at sa bilang ng mga kabataang hindi mga karaniwang full-time na mag-aaral -- magsisilbi ang mga digital tool bilang equalizer sa pagbibigay ng pangkomunidad at politikal na impormasyon sa mga kabataang American sa buong bansa.
Umaasa kami na kapaki-pakinabang ang pananaliksik na ito para sa mga nagsisikap na maabot ang Gen Z bago ang eleksyong ito -- at sa mga eleksyon sa hinaharap -- at higit sa lahat para matulungan silang maabot ang representasyong nararapat sa kanila. Ang 2020 ay posibleng maging taon kung kailan makikita natin ang makasaysayang bilang ng paglahok ng mga kabataang botante, at hinihikayat ka naming tingnan ang aming buong ulat.