Kapag may nangyari, ang screen na hawak ng mga Snapchatter ang unang tinitingnan nila. Ngayong taong* ito, mahigit 125 milyong tao ang nanood ng news stories sa Snapchat, at mahigit kalahati ng populasyon ng Gen Z sa U.S. ang nanonood ng news content sa Discover**.
Noon pa man, naniniwala kami palagi na may tungkulin kami sa aming komunidad, at ito ang dahilan kung bakit nananatiling saradong platform ang Snapchat na maingat na nakikipagtulungan sa piling hanay ng partners para makagawa ng mapagkakatiwalaang impormasyon sa pamamagitan ng mga bagong paraan para sa mobile.
Ipinakikilala namin ang Happening Now: ang pinakamabilis na paraan para sa mga Snapchatter para malaman nila anumang oras kung ano ang nangyayari ngayon sa iba't ibang panig ng mundo.
Nakipag-partner kami sa ilan sa mga pinakamapagkakatiwalaang organisasyon ng pagbabalita gaya ng The Washington Post, Bloomberg, Reuters, NBC News, ESPN, NowThis, E! News, Daily Mail, BuzzFeed News, at higit pa, para gawing Snaps ang mga update tungkol sa pinakamahahalagang balita sa politika, entertainment, sports, at marami pang iba - na bumubuo ng bagong format na idinisenyo para magawa ng mga Snapchatter na mabilis at madalas na tumingin ng breaking news sa mobile.
Matatanggap mo rin ang iyong daily horoscope at makakakuha ka ng naka-personalize na update tungkol sa panahon na nagtatampok sa Bitmoji mo!
Magku-curate din ang editorial team namin ng piling na-share na Snaps na na-capture ng komunidad namin, na ipapakita sa Happening Now.
Simula ngayon, available na ang Happening Now sa lahat ng tao sa US at nasasabik kaming maglunsad sa mas marami pang market sa buong mundo sa susunod na taon.
* Snap Inc. internal data Enero-Abril 2020
** Snap Inc. internal data Q1 2020. Inilalarawan ang Gen Z bilang mga user na 13-24 taong gulang. Ginagamit ang mga istatistika ng US Census para sa populasyon ng Gen Z sa US.