Naitatag ang Snapchat sa paniniwalang ang pakikipag-usap gamit ang mga larawan at bidyo sa ating mga tunay na kaibigan ay mas personal at mas masaya kaysa sa pagte-text. Habang patuloy naming pinalalago ang platform namin noon, hindi kami kailanman lumayo sa pangunahing misyon namin ng pagtulong sa malalapit na kaibigan na malayang ipahayag ang kanilang mga sarili at maging malikhain nang magkasama — at masigurong magagawa nila ito nang ligtas.
Malalim na nakaugat sa aming asal at pilosopiya sa produkto ang privacy, kaligtasan, at paniniguro ng kapakanan ng ating komunidad. Binuo ang Snapchat na privacy ang nasa kaibuturan nito — nagsisimula sa pagkapanandalian — at dinisenyo na hayaan ang mga tao na maging sila, nang walang bigat na mahusgahan ng iba. Halimbawa, nagpapaunlad kami ng mga bagong produkto at feature gamit ang approach ng disenyo na para sa privacy at kaligtasan, pinakikitunguhan namin ang data ng mga Snapchatter nang may pag-iingat at sensitibo, at aktibo kaming nagsisikap para protektahan ang platform namin mula sa fake news at maling kaalaman.
Lahat ito ay sumasalamin sa responsibilidad namin na sa tingin namin makakatulong sa pagkakaroon ng positibong epekto sa buhay ng mga taong gumagamit ng platform namin. Ngayon, sa pagdiriwang ng Safer Internet Day (Araw ng Ligtas na Internet), inaanunsyo namin ang maraming resource para makatulong na panghawakan ang responsibilidad na ito. Magsisimula kami sa isang bagong feature na tinatawag na Here For You, na magbibigay ng aktibong suporta sa app para sa mga Snapchatter na maaaring nakakaranas ng krisis sa kalusugan ng pag-iisip o emosyon, o na maaaring gustong matuto tungkol sa mga isyu na ito at kung paano nila matutulungan ang kanilang mga kaibigan na harapin ang mga ito.
Ang Here For You, na lalabas sa mga susunod na buwan, ay magpapakita ng mga resource ng kaligtasan mula sa mga lokal na eksperto kapag naghanap ang mga Snapchatter ng mga partikular na paksa, kabilang na iyong mga may kaugnayan sa pagkabalisa, depresyon, pagkabahala, kalungkutan, pag-iisip ng pagpapakamatay, at pambubully.
Ngayon, maaari ring magamit ng mga Snapchatter ang mga Creative Tool at Lenses na nagtataguyod ng kaligtasan at privacy, kabilang ang mga bagong Filter at ang pinaka-una nating Snappable quiz.
Hinihikayat namin ang lahat na tingnan ang mga bagong Filter na ito at ang aming quiz — at samahan kami sa paggampan sa ating bahagi na lumikha ng mas ligtas na internet!