
Happy International Friendship Day!
Ginawa ang Snapchat para maging pinaamabilis na paraan para manatiling konektado sa mga kaibigan at kapamilya mo, ang mga taong pinakamahalaga sa iyo. May bilyon-bilyong pagkakaibigan ang naging matatag dahil sa Pakikipag-Snap at pakikipag-chat sa isa't isa araw-araw!
Gumagawa ang mga Snapchatter ng mahigit 5 bilyong Snap kada araw sa average para ipahayag ang kanilang sarili, ma-enjoy ang bawat sandali, at i-share ang kanilang mga natatanging pananaw. Gusto rin ng ating komunidad na manatiling may alam sa pamamagitan ng pagtawag sa kanilang mga kaibigan at pag-alala sa kanilang mga paboritong memories nang magkakasama. Kapag pinagsama-sama, nag-uusap ang mga Snapchatter nang mahigit sa 900 milyong minuto kada araw sa average, at nagse-share ng kanilang mga paboritong Memories sa mga kaibigan nang 280 milyong beses kada araw sa average!
Kaya para i-celebrate ang International Friendship Day sa July 30, excited na kaming i-offer ang mga na-personalize na throwback para i-celebrate ng magkakaibigan.
Makakakita ang mga Kuwalipikadong Snapchatter ng special Story na ginawa para lang sa kanila at kanilang besties. Mag-swipe lang pataas sa camera, at may mapapakinggang advice mula sa best friend ng internet at Snap Star ng Snapchat na si Tinx, sa kung saan nila mismong makikita ang Stories mula sa kanilang mga kaibigan at paboritong creator.
Happy Snapping!