Marso 23, 2023
Marso 23, 2023

Ipinapakilala ang AR Enterprise Services

Naghahatid ang bagong B2B offering ng Snap ng suite ng teknolohiya ng augmented reality nang direkta sa mga negosyo

Nangunguna ang Snap sa augmented reality, na may world-class na teknolohiya at mahigit 250 milyong tao ang average na nakikipag-ugnayan sa aming AR kada araw.

Naniniwala kami na kinakatawan ng AR—digital content na naka-overlay sa totoong mundo—ang mahalagang pagbabago ng paradigm ng teknolohiiya na magdudulot ng malaking epekto sa mga negosyo sa halos lahat ng industriya, at mae-enjoy ng mga kompanya at brand na gumagamit ng isang mahusay na AR strategy ang isang makabuluhang competitive advantage sa mga darating na taon.

Sa pamamagitan ng AR technology ng Snapchat, nakita natin ang pag-unlad ng AR mula sa entertainment at pagpapahayag lang ng sarili hanggang sa naging isa itong ganap na utility para sa mga consumer at negosyo. At, likas na kailangan ng mga brand na makipag-ugnayan sa kanilang mga customer sa labas ng Snapchat at sa iba't ibang platform, kasama na rin ang sarili nilang mga app at website.

Ngayon, nasasabik kaming ipakilala ang AR Enterprise Services (ARES), isang bagong paraan para ma-integrate ng mga negosyo ang AR technology suite ng Snap sa sarili nilang mga app, website, at pisikal na lokasyon—na babaguhin ang paraan ng kanilang pakikipag-ugnayan sa mga consumer at magdadala ng mas magagandang resulta sa negosyo. 

Ang una naming offering para sa ARES ay ang Shopping Suite, na nagbibigay ng Try-On sa AR, 3D Viewer, Fit Finder, at higit pa—nang direkta sa mga app at website ng mga merchant. Available ngayon ang Shopping Suite, at kasalukuyang kasama ang AR shopping para sa mga fashion, damit, accessory, at gamit sa bahay. Kasama sa suite ang: 

  • Mga inilaang serbisyo at support: Puwedeng gamitin ng mga negosyo ang mga inilaang serbisyo para gumawa ng AR Asset at matatag na support para sa teknikal na pagpapatupad. Makakatulong ang mga serbisyo para gumawa ng AR asset ng Shopping Suite sa mga negosyo na gumawa ng mga digital na bersyon ng kanilang mga damit, footwear, at produktong eyewear gamit ang proprietary photogrammetry hardware, at mga machine learning creation pipeline para maghatid ng mga high-fidelity asset na na-optimize para sa performance ng end user. 

  • Mga enterprise tool para pamahalaan ang mga asset at integration: Puwedeng pamahalaan at i-optimize ng mga negosyo ang kanilang mga AR asset at integration, sukatin ang mga performance analytics, at makatanggap ng inilaang support para sa Shopping Suite.

  • Paghahatid ng Experience: Puwedeng i-integrate ng mga negosyo ang aming Try-On sa AR, Fit Finder, at interactive 3D Viewer technology sa kanilang sariling mga app at website, alukin ang mga shopper ng kakayahang makatanggap ng tumpak na rekomendasyon sa fit at size, sukatin o tingnan ang mga produkto sa augmented reality, at makipag-ugnayan sa mga produkto sa 3D.

SA pamamagitanng offering na ito, mae-enjoy ng mga shopper sa buong mundo ang mas nakakaengganyo at iniangkop na online shopping experience, gamit ang suite ng mga advance tool na makakatulong sa kanilang mahanap ang angkop na produkto nang may kasiguruhan.

Mahigit 300 customer na ang gumagamit ng kombinasyon ng mga feature ng Shopping Suite, at nakikita na namin ang magagandang resulta mula sa mga naunang customer:

  • Ginamit ng Goodr ang Try-On sa HR at interactive 3D Viewer technology para dalhin ang experience ng in-store shopping sa mga mobile device ng mga customer, at nakita ang 81% pagtaas ng add-to-cart at 67% pagtaas sa conversion sa mga user ng mobile device, na nagdulot ng 59% pagtaas ng kita kada bisita (Internal data ng Snap Inc. Marso 15–August 15 2022).

  • Isinama ng Princess Polly ang mga feature ng Fit Finder at Try-On sa AR para maghatid ng mga rekomendasyon sa mahigit 7.5 milyong shopper na may 24% reduced return rate kaysa sa mga shopper na hindi gumagamit ng teknolohiya (Internal data ng Snap Inc. Hulyo 1 2020–Oktubre 31 2022).

  • Tumaas nang 4X ang conversion rate ng Gobi Cashmere para sa mga shopper na gumagamit ng mga rekomendasyon sa fit at size at mga feature ng Try-On sa AR, na tumutulong na makapagbigay ng mga na-personalize na experience sa 1 sa 4 na shopper. (Internal data ng Snap Inc. Setyembre 1 2022–Oktubre 31, 2022)

Pinangunahan ni Jill Popelka ang venture na ito, na sumali sa Snap bilang Head ng AR Enterprise Services, at bumubuo ng pandaigdigan team na sumasaklaw sa strategy, customer experience, sales product, product marketing, customer support, at ecosystem development.

Umaasa kaming makahikayat ng mas maraming customer palapit sa AR para baguhin ang kanilang negosyo at gawing mas kaakit-akit ang pamimili para sa mga consumer sa buong mundo gamit ang AR Enterprise Solutions!

Bumalik sa Mga Balita