Napagtanto nating lahat ang kahalagahan ng digital tools para makapanatiling may ugnay sa isa't isa -- lalo na sa panaho ng pandemya -- gayundin ang ilan sa mga potensyal na panganib na pwedeng likahin ng tools na ito.
Isang pinagmumulan ng panganib sa mga digital platform ay ang mga ugnayang posibleng malikha -- minsan sa malinaw na paghihikayat ng platform -- sa mga taong hindi natin kilala sa tunay na buhay at maaaring maglantad sa atin sa mga hindi magagandang karanasan, tulad ng pagkakalat ng maling impormasyon, harassment, o mga hindi kanais-nais na sitwasyon.
Sa Snapchat, binubuo namin ang aming app habang isinasaalang-alang nang mabuti ang mga panganib na iyon. Ang arkitektura ng aming platform ay dinisenyo para hikayatin ang pagkakaugnay at komunikasyon sa pagitan ng mga totoong magkakaibigan, habang lalong pinahihirap ang paghahanap at pakikipagkaibigan ng mga hindi kilala sa mga Snapchatter.
Walang maba-browse na public profile para sa Snapchatters na wala pang 18 taon;
Ayon sa default, hindi ka pwedeng direktang mag-Chat o umugnay sa isang tao maliban kung idinagdag ninyo pareho ang isa't isa bilang friend;
Marami sa aming features ang default na nakapribado, na nakakatulong sa pagprotekta sa mga Snapchatter laban sa hindi sinasadyang pagbabahagi ng impormasyon, tulad ng kanilang lokasyon, sa kanilang mga friend; at
Hindi namin binibigyan ng oportunidad ang mga Group chat na 'mag-viral' sa paraan na sa ibang kalagayan ay nagiging daluyan minsan para sa ekstremistang nilalaman o pangangalap. Ang mga Group chat ay dinisenyo para maging pag-uusap sa pagitan ng mga grupo ng totoong magkakaibigan, kaya nililimitahan namin ang mga ito sa 64 na magkakaibigan. Hindi pwedeng hanapin, irekomenda o ilitaw ang mga Group saanmang bahagi ng app sa labas ng Chat tab.
Ngayong araw na ito, sa Araw ng Mas Ligtas na Internet, hahakbang pa tayo sa pamamagitan ng pag-aanunsyo ng bagong feature, ang "Friend Check Up," na mag-uudyok sa mga Snapchatter na suriin ang kanilang Friends list at siguraduhing binubuo ito ng mga taong gusto pa rin nilang makaugnayan. Ihahatid ang simpleng tooltip na ito sa mga Snapchatter bilang notipikasyon sa kanilang profile. Magsisimula nang ilabas ang Friend Check Up sa buong mundo para sa mga Android device sa mga darating na linggo, at para sa mga iOS device sa mga darating na buwan.
Maglilingkod ang Friend Check Up para paalalahanan ang mga Snapchatter na sa paglipas ng panahon, pwedeng nag-add sila ng tao sa kanilang friends list na maaaring ayaw na nilang makaugnayan sa aming app. Sa pamamagitan ng mabilis, pribado, at maginhawang proseso, pinahihintulutan ng Friend Check Up ang mga Snapchatter na linisin ang kanilang mga list at komportableng alisin iyong mga hindi na kailangang mapabilang doon, o maaaring nai-add lang nang hindi sinasadya.
Ang bagong feature na ito ay bahagi ng mas komprehensibong kampanya na sinimulan natin noong nakaraang buwan nang may layunin na maglakip pa ng online na kaligtasan at edukasyon sa pagkapribado sa Snapchat, sa mga paraang makakatulong sa pagpapalakas ng ating henerasyong mobile muna. Bilang dagdag sa in-app tools, ang inisyatibang ito ay nagbibigay-daan din sa mga bagong partnership at sanggunian, kabilang ang ilan na i-aanunsyo namin ngayong araw.
Upang magtaas ng kamalayan sa app para sa Araw ng Mas Ligtas na Internet, nakikipag-partner kami sa Connect Safely sa US at ChildNet sa UK kaugnay ng mga filter na magsa-swipe pataas para sa karagdagang sangguniang pangkaligtasan mula sa bawat organisasyon. Pinalalawig namin ang aming pakikipag-partner sa Crisis Text Line, na higit pang magpapadali para sa mga Snapchatter na makakuha ng suporta kapag kailangan nila ito, at nakikipag-partner kami sa Shout sa UK, kung saan maglulunsad kami ng crisis text line para sa mga lokal na Snapchatter -- katulad ng inaalok namin sa aming komunidad sa US.
Nakikipag-partner kami sa Trevor Project sa isang serye ng mga inisyatiba para sa kalusugang pangkaisipan para sa mga kabataang LGBTQ, kabilang ang mga bagong in-app na sanggunian, at nakikipag-partner kami sa Mind Up| A Goldie Hawn Foundation, sa isang online na kursong pangmagulang na mag-aalok ng mga batayang kasangkapan at estratehiyang susuporta sa kapakanan ng kanilang mga teen. Makakatulong ang kursong ito sa isang napapanahong Gabay ng Mga Magulang na kamakailan naming inilabas, kung saan nakipagtulungan kami sa ilan sa mga organisasyong ito.
Hinahangad namin na maging kapaki-pakinabang ang mga kasangkapang ito sa mga Snapchatter. At hinihikayat namin ang mga sistema ng suporta nila -- mga magulang, mga minamahal at edukador -- para itsek ang bago naming mga sanggunian at kausapin ang kanilang mga anak tungkol sa kahalagahan ng pagtingin sa kanilang friends list.