Hunyo 16, 2014
Hunyo 16, 2014

Introducing Our Story

Snapchat has always been about sharing your point of view. That’s why our application opens straight into the camera. It’s the fastest way to share little moments with our friends – to let them know where we are or how we feel right now. We built Our Story so that Snapchatters who are at the same event location can contribute Snaps to the same Story.

Ang Snapchat ay palaging tungkol sa pagbabahagi mo ng iyong pananaw. Kaya nga nagbubukas ang aplikasyon namin deretso sa camera. Ito ang pinakamabilis na paraan para maibahagi ang maliliit na sandali sa mga kaibigan mo – para ipaalam sa kanila kung nasaan ka o anong nararamdaman mo ngayon.

Noong ipakilala namin ang My Story, hindi namin naisip kung gaano ito magiging makapangyarihan para mapagdugtong ang mga sandaling iyon nang magkakasama sa isang salaysay. Gustung-gusto naming panooring bumukadkad ang araw kasama ng aming mga kaibigan.

Ngunit palaging kumakatawan ang My Story ng isahan, personal na karanasan. Gusto naming makagawa ng bagay na magbibigay ng pananaw sa komunidad – maraming magkakaibang pananaw. Kung sabagay, nakikita ng mga kaibigan natin ang magkakaparehong bagay sa magkakaibang paraan.

Ginawa namin ang Our Story para ang mga Snapchatter na nasa parehong lugar ng pangyayari ay makakapag-ambag ng mga Snap sa parehong Story. Kung hindi ka makakapunta sa isang pangyayari, ipaparamdam sa'yo ng panonood ng Our Story na parang nandoon ka na rin! Madali talaga itong gamitin.

Dadalhin namin ang Our Story sa Electric Daisy Carnival sa unang pagkakataon ngayong weekend (at mamimigay kami ng libreng WiFi para sa Snapchat at Insomniac!).

Kung nasa Electric Daisy Carnival ka, maglagay lang ng Snap sa "Our EDC Story" na lalabas sa "Ipadala sa..." na page. Kailangan mong buksan ang mga serbisyo sa lokasyon para ipaalam sa Snapchat na nandoon ka talaga sa pangyayari. Hindi namin itatabi ang lokasyon mo.

Kung hindi ka makakapunta sa Electric Daisy Carnival, i-add ang EDCLive sa Snapchat para makita ang pangyayari – live – sa mga serye ng Snap! Kung masyadong mahaba ang Our Story o nakakita kami ng anumang Snap na mukhang iligal, iku-curate namin ang EDCLive para ibigay ang pinakamahusay na karanasan hangga't makakaya.

Bahagi na ng aplikasyon na nasa telepono mo ang Our Story – hindi na kailangang mag-update. Happy Snapping!

Back To News