Abril 04, 2019
Abril 04, 2019

Snap Partner Summit | Introducing Snap Games

Introducing Snap Games: mobile games, made for friends! You can launch Snap Games right from the Chat bar, allowing you and your friends to instantly play together. It feels like you’re sitting shoulder to shoulder, playing on the same screen.

Walong taon na ang nakakaraan, nilikha namin ang Snapchat para maging mas mabilis at mas masaya ang pakikipag-usap sa friends mo.

Pero ang pagkakaibigan ay higit pa sa mga bagay na pinag-uusapan ninyo. Ang pagkakaibigan ay tungkol din sa mga karanasang mayroon kayo nang magkasama — kaya naman nagsisikap kaming mabuti para bumuo ng bagong karanasan para makapaglaro nang magkakasama ang magkakaibigan.

Ipinakikilala ang Snap Games: mobile games, ginawa para sa magkakaibigan!

Maaari mong buksan ang Snap Games mula mismo sa Chat bar, na nagbibigay-daan para makapaglaro kayong agad nang magkasama — hindi na kailangang iinstall. Magagawa mong makita kung sino ang friends na kalaro mo, magpadala sa kanila ng chat, o makipag-usap sa kanila nang live gamit ang voice chat. Parang magkatabi lang kayo, naglalaro sa iisang screen.

Ilulunsad ang Snap Games nang may anim na title:

  • Bitmoji Party: Ang flagship na first-party na IP ng Snap para sa Snap Games na nagtatampok sa iyo at sa friends mo, na nagbigay-buhay sa inyo sa 3D gaya ng inyong Bitmojis habang nakikipagtagisan kayo sa isa't isa sa apat na fast-paced na mini-game: Pool Party, Kick Off, Spin Session, at Zombie Escape.

  • Alphabear Hustle: (Spry Fox) - Ang Alphabear Hustle ay isang fast-paced na cooperative word game na may twist. Puwedeng magtulungan ang mga player para magbaybay ng mga salita, mangolekta ng mga cute na oso, at gumawa ng kanilang sariling personal na village ng mga oso.

  • C.A.T.S. (Crash Arena Turbo Stars) Drift Race: (ZeptoLab) - Ang C.A.T.S ay isang multiplayer na racing game na nag-iimbita nang hanggang sa 6 na manlalaro na gumamit ng mga booster na nakakalat sa track para mas mabilis na makatakbo o para mapabagal ang mga kalaban. Habang naglalaro, mangolekta ng mga bagong sasakyan mula sa C.A.T.S. universe.

  • Snake Squad:(Game Closure) - Ang Snake Squad ay isang multiplayer na battle-royale game. Piliin ang iyong paboritong avatar para pumunta sa laban at gabayan ang snake mo sa pagkilos sa battlefield gamit ang iyong squad para mapalaki ito para matalo ang iyong kalaban.

  • Tiny Royale: (Zynga) - Ang Tiny Royale™ ay isang mabilis at masayang top-down na battle royale game — ang classic na battle royale na karanasan na binago para sa Snapchat platform. Bumuo ng squad kasama ang friends mo o maglaro nang solo sa mabibilis na 2 minutong round ng paglu-loot at pagshu-shoot patungo sa tagumpay hanggang sa isang manlalaro o isang team na lang ang natitira.

  • Zombie Rescue Squad:(PikPok) - Bumuo ng team kasama ang iyong kapwa Zombie Rescue Squad friends para makapasok sa front lines ng zombie apocalypse. Iligtas ang mga survivor mula sa grupo ng mga gutom na zombie at mangalap ng maraming supply hanggang sa abot ng makakaya mo. Pero kung hindi ka makakasakay sa helicopter na patungo sa ligtas na lugar, maiiwan ka!

Magsasama ang Snap Games ng mga oportunidad para kumita para sa aming game development partners at sa Snap. Maglo-launch ang platform na may video advertising na nagtatampok sa mga hindi nasi-skip na anim na segundong Commercials ad format na inilunsad noong Q3 2018.

Sa mga susunod na buwan, unti-unting palalawakin ng Snap Games ang developer partners nito sa iba't ibang genre at istilo para maihatid sa komunidad ng Snapchat ang pinakamagagandang karanasan sa paglalaro.

Tungkol sa Game Closure

Gumagawa ang Game Closure ng teknolohiya para makapag-develop at makapamahagi ng mga HTML5 app at maihatid ang mga ito sa mas malalaking audience, kabilang ang sarili nitong sikat na messenger game na EverWing na isang nakaka-hook na fantasy shooter na malalaro kasama ang friends. Mula nang itatag ito noong 2011, ang Game Closure ay pinangungunahan ng co-founder at CEO nito na si Michael Carter. Nagbibigay ang Game Closure technology platform ng mga subok nang tool para mag-develop, magpamahagi, mag-optimize, at magpatakbo ng high-performance na messenger games.

Tungkol sa PikPok

Ang PikPok ay isang nangungunang publisher ng magagandang game sa mobile, tablet, at desktop. Ang PikPok, na may portfolio ng mga property na orihinal, lisensyado, at na-develop ng third party, ay naghahatid ng games na magugustuhan ng lahat ng consumer sa pamamagitan ng pick-up-and-play na gameplay, mataas na kalidad na art, at mahusay na disenyo ng audio na nagbibigay ng magagandang karanasan sa game. Nag-release ang PikPok ng maraming game na mabenta at nakakuha ng magagandang review, kabilang ang sikat na serye ng Flick Kick®, Super Monsters Ate My Condo™ na may nominasyon sa BAFTA, Into the Dead®, Shatter®, at marami pa. Maglaan ng ilang sandali at maglaro ng game mula sa PikPok.

Tungkol sa Spry Fox

Ang Spry Fox ay isang kumpanyang binubuo ng 18 tao, na halos 10 taon na, na nag-launch ng 15 magkakaibang game, kabilang ang award-winning games na Alphabear, Triple Town, at Realm of the Mad God, at nagse-specialize sa orihinal na pro-social na games na nagdadala ng higit pang kasiyahan sa mundo.

Tungkol sa ZeptoLab

Ang ZeptoLab ay isang pandaigdigang kumpanya na gumagawa ng MASASAYANG game na puno ng INOBASYON at pinaganda sa pamamagitan ng signature na KALIDAD nito. Pagkatapos ng pagtatagumpay ng kanilang Cut the Rope games, na na-download nang mahigit 1.2 bilyong beses, ni-release ng kumpanya ang King of Thieves at C.A.T.S.: Crash Arena Turbo Stars at nag-release din ito ng mga massive multiplayer mobile title na may mahigit 200 milyong pag-download sa kabuuan. Noong 2017, napanalunan ng C.A.T.S. ang Game of the Year Award sa Google Play at isinama ito sa listahang Best Games ng Apple App Store.

Tungkol sa Zynga

Mula nang itatag ito noong 2007, layunin ng Zynga na ikonekta ang mga tao sa buong mundo sa pamamagitan ng games. Mahigit sa 1 bilyong tao na sa ngayon ang nakapaglaro na ng games ng Zynga sa web at mobile, kabilang ang FarmVille™, Zynga Poker™, Words With Friends™, Hit it Rich! ™, Slots and CSR Racing™. Available ang games ng Zynga sa maraming platform sa buong mundo, kabilang ang Apple iOS, Google Android, at Facebook. Matatagpuan sa San Francisco, California ang headquarters ng kumpanya at may mga karagdagang opisina ito sa U.S., Canada, U.K., Ireland, India, Turkey, at Finland.

Back To News