Malaking araw ito para sa amin - ilulunsad namin ang unang produktong nilikha sa pakikipagtulungan sa ibang kumpanya. Malaking tagahanga kami sa mga kaibigan natin sa Square at sobrang humahanga kami sa Square Cash simula nang ilunsad ito – i-type lang ang halaga ng dolyar sa subject line ng email at magpadala ng pera sa mga kaibigan. Henyo!
Gustung-gusto namin ito kaya gusto naming lumikha ng kahit na ano kasama sila na pang-Snapchat. Kaya gumawa kami ng Snapcash prototype at ibinahagi ito sa team sa Square. Swerte para sa'min, kasing excited namin sila at gustong gawin ito nang magkasama.
Ang produktong nakikita mo ngayon ay mabilis, masaya, at talagang simple. Pagkatapos mong ilagay ang debit card mo, ligtas itong itatago ng Square, na kaagad na magpoproseso ng bayad mo at ipadadala ang pera direkta sa bank account ng kaibigan mo. Mag-swipe lang sa chat, i-type ang dollar sign, halaga (hal. $11.25), at pindutin ang kulay berdeng button.
Ginagawa naming mas mabilis at mas masaya ang pagbabayad, pero alam din naming mahalaga ang seguridad kapag pera ang pinag-uusapan. Mayroon nang malalim na karanasan ang Square sa area na ito at nagpapakahirap ang mga team namin para gawing mahusay na karanasan ang Snapcash para sa lahat. Sa ngayon, magagamit ang Snapcash ng mga Snapchatter sa United States na may debit card at 18 taong gulang pataas.
Sana masiyahan kayo sa Snapcash tulad namin.
Happy Snapcash-ing!