Ipinakikilala namin ngayon ang susunod na henerasyon ng Spectacles, ang aming unang pares ng salamin na bumubuhay sa augmented reality. Ang mga ito ay magaan na display glasses, ginawa para sa mga creator para i-overlay ang kanilang Lenses nang direkta sa mundo, para malaman ang iba pang paraan ng pagsasama ng saya at gamit sa pamamagitan ng immersive na AR.
Sa paglipas ng mga taon, ang paglalakbay namin sa paggawa ng Spectacles katuwang ang komunidad ng creator ay may pananaliksik, pagkatuto, at saya. Ginamit namin ang bawat pag-uulit bilang pundasyon, nagbubukas ng pinto sa isang panibagong dimensyon ng AR.
Hindi ipinagbibili ang Spectacles — para ito sa mga creator ng augmented reality para baguhin ang paraan ng pakikipag-ugnayan, pamumuhay, at pagsaliksik sa mundo nang magkasama sa pamamagitan ng mga karanasang AR na ginawa sa Lens Studio.
Mga Feature
Ginagamit ng Spectacles ang pandama ng tao sa paningin, paghawak, at pandinig para bigyang buhay ang Lenses. Mga dalawahang 3D waveguide display at 26.3 degree na saklaw ng paningin na naglalatag ang Lenses sa mundo, mismo sa harapan ng mga mata mo. Pinapagana ng aming bagong Snap Spatial Engine na pinakikilos ng anim na degree ng kalayaan at kamay, pananda, at pagsubaybay sa surface, makatotohanang inilalatag sa makabagong paraan ang mga imahinasyon ng creator sa mundo.
Mabilis ang reaksyon at eksaktong lumilitaw sa saklaw ng paningin na may 15 millisecond motion sa photon latency, at ang display ay pabago-bagong naaayos hanggang sa 2000 Nits ng liwanag para masiyasat ang AR sa loob o labas. Itinatampok ng Spectacles ang 2 RGB camera, 4 na built-in microphone, 2 stereo speaker, at touchpad para magbigay ng karanasan sa maramihang pandama.
May timbang lamang na 134 gramo ang Spectacles, kaya maaaring dalhin ng mga creator ang AR kahit saan sa tinatayang 30 minuto kada charge. Binubuksan ng Qualcomm Snapdragon XR1 Platform ang maximum na processing power sa loob ng magaan at nasusuot na disenyo ng Spectacles.
Pagpapagana
Ang Spectacles ay lubos na sinasamahan ng Lens Studio, ang aming makapangyarihang desktop application na dinisenyo para sa mga creator at developer sa pagbuo at paghahayag ng Lenses sa buong Snap AR platform namin. Sa pamamagitan ng Lens Studio, maaaring itulak nang walang wire ng mga creator ang Lenses sa Spectacles para sa mas mabilis ng pagsubok at pag-uulit, sa kasalukuyang
Tinutulungan ng touchpad ng temple ang mga creator para maugnayan ang display ng Spectacles at inilulunsad ang Lens Carousel. Pinapagana ng kanang pindutan ang Scan, iniintindi kung ano ang nasa saklaw ng paningin at nagmumungkahi ng mga nauugnay na Lenses batay sa mundo sa paligid mo. Binibigyang-kapangyarihan din ng Voice Scan ang mga creator na magsabi ng utos para ilunsad ang Lenses, na talagang hands-free. Ang kaliwang pindutan ay kumukuha ng mga 10-segundong Snap ng Lenses na inilatag sa mundo, kaya maaaring makapagpadala agad ang mga creator ng mga Snap mula sa Spectacles.
Mga Creator ng Spectacles
Inialok namin ang bagong Spectacles sa piling grupo ng mga creator sa buong mundo para sabay naming matuto at lubusin ang mga hangganan ng AR. Sa pamamagitan ng Spectacles at Lens Studio, naisakatuparan na ng mga creator na ito ang kanilang mga imahinasyon, gamit ang mundo bilang kanilang canvas:
Don Allen Stevenson III | Developer ng XR | Vibe Quest AR
Lauren Carson | Creative Technologist | Taos, Caldera, at Anita
Kat V. Harris | Technical Designer | Dance Helper
Zach Lieberman | Artista | Poem World (kasama si Shantell Martin)
Matthew Hallberg | Developer ng AR | SketchFlow
Clay Weishaar | AR Creator | Metascapes
Leighton Mcdonald | VR/AR Creator | BlackSoul Gallery
Kung isa kang AR creator at interesado sa pag-eeksperimento sa Spectacles, bisitahin ang http://spectacles.com/creators.