Setyembre 20, 2013
Setyembre 20, 2013

The Liquid Self

Social media doesn’t need to be what it has come to be. Social media is young, growth comes with pains, and we should keep questioning assumptions and push this new media to new limits.

Hindi kinakailangang manatili ang social media kung ano nang naging ito. Bata pa ang social media, may kaakibat na sakit ang paglaki, at kailangang patuloy nating kwestyunin ang mga palagay at itulak ang bagong media na ito sa mga bagong limitasyon. Ang aking unang post sa Snapchat ay maiging kinuwestiyon kung talagang nananatili ng permanente ang mga nilalaman na nasa social media. Isang opsyon lang ang permanenteng content, isang pagpili na may mas malalawak na implikasyon, at hindi ito kailangan. Dito, gusto kong isipin ang tungkol sa isang pangunahing resulta ng pagiging permanente: ang profile sa social media.

Ang pamilyar na profile sa social media na koleksyon ng impormasyon tungkol sa'yo at/o nilikha mo, kadalasan kasama ang ilang taong may kaugnayan sa'yo. Binubuo ng mga profile ang pagkakakilanlan sa humigit-kumulang mapilit na paraan: mga patakaran sa tunay na pangalan, listahan ng mga impormasyon tungkol sa mga kagustuhan natin, mga detalyadong kasaysayan at kasalukuyang aktibidad, lahat ay binubuo ng matataas na nakabalangkas na hanay ng mga kahon na pagsisiksikan mo sa sarili mo. Higit pa riyan, habang lumalaki ang mga nakadokumentong kasaysayan namin, lumalaki ang profile sa parehong literal na sukat pati na rin sa bigat sa ating mga kaisipan at pag-uugali.

Sinusubukan ng social media profile na kumbinsihin tayo na ang buhay, sa buong daloy ng pagiging panandalian nito, ay dapat ding tularan nito: ang daloy ng pagiging panandalian ng buhay na karanasan ay ipasok sa koleksyon ng hiwalay, magkaiba, mga bagay na itutulak sa mga profile container. Lohika ng profile na ang buhay ay dapat makunan, mapanatili, at mailagay sa likod ng salamin. Hinihiling nito sa atin na maging kolektor ng mga buhay natin, na lumikha ng museo ng ating sarili. Pinagtipak-tipak, inilagay sa rehas, binilang, at niranggo ang mga sandali. Nakabatay ang permanenteng social edia sa mga ganoong profile,na ang bawat isa ay humigit-kumulang ay pilit at nakapiit. Ang pag-iisip muli sa pagiging permanente ay pag-iisip muli sa uri ng profile sa social media, at ipinakikilala nito ang posibilidad ng profile hindi bilang koleksyon na pinapanatili sa likod ng salamin kung hindi isang bagay na mas buhay, umaayon, at laging nagbabago.

***

Hindi naman talaga masama ang pagrerekord ng pagkakakilanlan sa mga kategorya sa social media at ang layunin ko rito ay hindi makipagtalo na dapat silang mawala, ngunit para hilingin kung kaya ba silang pag-isipan ulit, gawing opsyon lamang at hindi default? Pwede bang likhain ang social media na hindi hinihingi sa atin na gawin nating marami ang paglalagyan ng pagkakakilanlan natin dahil sa ang mga tao at ang mismong pagkakakilanlan ay nangangailangan ng pag-ayon at palaging nagbabago?

Para masagot ito, pag-isipan muna natin sandali ang karaniwan at malinaw na modernong kultural na truismo na makikita sa mga kuwentong pambata, self-help na libro, at pang-araw-araw na payo na humihiling sa atin na maging totoo sa ating mga sarili. Matutuklasan at mananatili tayong matapat sa totoo, tunay na bersyon ng kung sino tayo. Madalas na magandang payo ito, pero kung kinilabutan ka nang mabasa ang salitang "tunay" kahit kaunti tulad ng naramdaman ko habang tinatype ito, kaya alam mo na 'yung payo na 'yun ay pwedeng magbigay-daan para sa anuman maliban sa sarili lang, kahit pa anong oras o lugar, at dahil doon pinalalakas ang panganib ng pag-ayaw sa pagbabago. Mayroon ding isa pang kaisipan, na nakakaunawa sa pagkakakilanlan bilang hindi tumitigas at palaging kumikilos. Sa halip na nag-iisa at hindi nababago ang sarili, maaaring isaalang-alang natin ang isang 'likidong sarili', isa pang pandiwa kaysa pangngalan.

Alam kong mahirap unawain ito, at hindi tayo magpapakasapat sa mga pilosopikal na debate sa blog, pero may ginagampanang interesanteng papel ang Internet sa tensyong ito sa pagitan ng pananatili at pagbabago ng pagkakakilanlan. Ang kwento ay pamilyar na sa ngayon: ang Web ay dumating na buntis na may posibilidad na pag-isipang muli kung sino tayo sa pamamagitan ng lokasyong pangheograpiya, kakayahang pisikal, pati na rin mga bagay tulad ng lahi, kasarian, edad, at kahit mga species [ bagaman ang paglayong ito ay mananatiling kathang-isip]. Ang taga-New York ay palabirong nagsabi na, "Walang nakakaalam na ikaw ay isang aso sa Internet." Sa paglaon ng kuwento, gayunman, naging mainstream at komersyal ang Web. Naging normal ito at saan mang banda ng likas ng kawalang pagkakakilala ay napaltan ng hindi nagbabagong pagkakakilanlan. Ngayon na alam na ng lahat na aso ka, mahirap maging kahit ano maliban doon.

Nilagyan ng social media ng napakalaking diin ang ating pagkakakilanlan, patuloy na nakarekord, palaging naiipon, naiimbak, at inihaharap pabalik sa atin sa palaging-nakahandang profile ng mga sarili natin. Oo, ang pagkakakilanlan ay maaaring pagkunan ng kahalagahan, kahulugan, kasaysayan, at kasiyahan, ngunit ngayon, mabilis na tumatambak ang pagkakakilanlan, paparaming tumataas ang kaugnayan natin sa ating sarili. Ang larawan ng profile, background, kung anong gusto mo, anong ginagawa mo, kung sinong mga kaibigan mo ang nangunguna sa hindi natatapos at palaging lumalaking pagmamanman sa sarili na may katambal din na malusog na pagmamasid ng iba. Kung anong maaaring nasa isang hinga ng "pagpapahayag ng sarili" ay maaaring nasa ibang "pagbabantay sa sarili" kapag kung sino ka (at sa gayon kung sinong hindi ikaw) ay nagiging papalaking bahagi ng pang araw-araw na buhay.

Ang pagpapahayag sa sarili, kapag naisama sa mga kahon ng permanenteng kategorya (digital o anuman), ay may panganib ng pagiging papataas ang limitasyon at paghihigpit sa sarili. Dahil sa pressure na maging "totoo", tunay, at "totoo sa sarili" tulad ng nabanggit sa itaas, itong malaking ebidensya ng sarili ay maaaring maglimita at makasagabal sa pagbabago ng pagkakakilanlan. Ako ay nag-aalala na ang nangingibabaw sa social media sa ngayon ay madalas ay madalas tungkol sa ideya na hindi pabago-bago, totoo at matatag na sarili anupat dahil dito ay nabigo ang pagging malikhain at rebisyon. Binuo ito sa paligid ng matataas na pagkayari ng kahon at kategorya, karamihan ay may nagbibilang na nagraranggo ng bawat mukha ng ating content, at ang grid-patterned at data-capture machine na ito ay hindi lang komportableng tumatanggap sa katotohanan na ang mga tao ay sunud-sunuran, nagbabago, at magulo sa paraang parehong malungkot at kamangha-mangha.

***

Habang bata pa ang social media, mararamdaman pa lamang nito nang komportable ang pagiging bata nito. Sa pamamagitan noon hindi ko sinasabing partikular ang mga kabataan, ngunit ang mismong uri ng pagbabago at paglaki na malusog sa anumang edad. Ang default ng paghingi sa mga social media user na permanenteng irekord at ipakita ang mga sarili nila ang sumisira sa hindi maipagkakailang halaga ng papel ng pagkakakilanlan. Maiba lang: marami sa atin ang nagnanais ng social media na hindi parang mall kung hindi parang parke. 'Yung hindi masyadong sunod sa pamantayan, limitado, at binabantayan, oo, sa parke pwedeng gumawa ng kaunting kalokohan. Nagagalusan ang tuhod. Pero hindi dapat lubos na iwasan ang pagkakamali, na siyang hinihingi naman sa dominante at permanenteng social media, na nagreresulta sa palagiang sobrang-pagkabahala tungkol sa kung anong naipo-post. Ang malusog na pagtatama sa umiiral na social media ay ang paglikha ng mga platform sa magbibigay ng mas maluwag na espasyo sa pag-asal nang hindi itinutumbas sa kung sino ka at anong kaya mong gawin. Posibleng magdulot ng takot ang ideya ng pagkakaroon ng mga espasyong hindi binabantayan, pero mas nakakabahala kapag wala ang mga ito. *

Ang dominanteng social media ay matagal nang nanindigan, na sa tingin ko ay radikal, para sa bersyon ng pagkakakilanlan na mataas na kinakategorisa at palagi naroon, pinupwersa ang ideya ng isahan at matatag na pagkakakilanlan na patuloy nating haharapin. Isa itong pilosopiya na hindi nakukuha ang tunay na kaguluhan at kakayahang sumunod ng sarili, nabibigong ipagdiwang ang paglaki, at partikular na masama para sa pinaka mahina sa lipunan. Iniisip ko kung paano tayo makakabuo ng social media na hindi laging nagpapalala ng relasyon natin sa ating sarili sa pamamagitan ng mga kahon sa pagkakakilanlan. Sa tingin ko ang pansamantalang social media ay maglalaan ng mga bagong paraan upang maunawaan ang profile ng social media, isa na hindi binubuo ng hindi makabuluhang life hack, kundi isang mas kapakipakinabang, nakakapang-bago, at buhay.

* Tandaan: Ang ideya na ang isang tao ay dapat magkaroon ng solong, matatag, totoo o tunay na pagkakakilanlan ay pinaka mahirap para sa mga mas walang laban sa lipunan. Ang pagkakaroon lamang ng isa at hindi pabago-bagong pagkakailanlan ay mukhang hindi dapat problemahin kung ikaw ay hindi gaanong kinondena at pinarusahan. Magkagayunman, mayroong higit pang higit na pagkilala na ikinakatuwa ng iba at kailangan pang itago ng iba ang kanilang pagkakakilalan anupat ayaw nilang sa kanila mapunta ang atensyon dahil sa mga posibleng kahihinatnan. Ang lahi, klase, kasarian, sekswalidad, kakayahan, edad, at lahat ng iba`t ibang mga sangkot sa kapangyarihan at kahinaan ay kailangang maging bahagi ng magiging talakayan tungkol sa kung paano binuo, ginamit, at pinabuti ang social media.

Back To News