Ang Memories ay isang bagong paraan para mag-save ng Snaps at Stories sa Snapchat. Ito ay personal na koleksyon ng mga paborito mong sandali na naninirahan sa ibaba ng Camera screen. I-swipe lang pataas mula sa Camera para mabuksan ang Memories!
Sobrang daling mahanap ang Snap o Story na hinahanap mo sa ilang segundo lang sa pamamagitan ng pag-type ng mga keyword gaya ng "aso" o "Hawaii" — sa paraang iyon mas kaunting oras lang ang ilalaan sa paghahanap at mas maraming oras sa pag-eenjoy sa Memories mo.
Maaari mong magamit ang Memories para lumikha ng bagong Stories mula sa mga Snap na kinuha mo, o kahit pagsamahin ang iba't ibang Stories sa mas mahabang salaysay. Masayang magdiwang ng anibersaryo o kaarawan sa pamamagitan ng paghahanap ng ilang lumang Snap at pagdugtungin ang mga ito sa isang bagong Story :)
Gumawa rin kami ng bagong paraan para makapagpadala ng mga Snap mula Memories sa mga kaibigan mo, o kahit i-post ang mga ito sa Story mo. Kung mag-post ka ng Snap na nakuhanan mo nang mahigit sa isang araw sa Story mo, lalabas ito nang may frame sa paligid nito para malaman ng lahat na nagmula ito sa nakaraan.
Napagtanto namin na gustong maging komportable ng mga Snapchatter sa pagpapakita ng Memories sa mga kaibigan habang magkakasama sila, kaya ginawa naming mas madaling igalaw ang Snaps at Stories sa Mga Mata Ko Lang — at iwasan ang mga nakakahiyang sandali kapag natiyempuhan ng kaibigan ang Snap na para lang sa'yo.
Sinusuportahan ng Snapchat ang Memories. Hindi namin iba-backup ang anuman sa mga larawan o bidyo mula sa Camera Roll mo, maliban na lang kung gumamit ka ng isa para sa bagong Story o inilagay ito sa My Eyes Only. Kung ganoon, iba-back up lang namin ang larawan o bidyo na ginamit mo.
Ilalabas namin nang pili ang Memories sa susunod na buwan — malaking pagbabago ito para sa serbisyo namin kaya gusto naming makasiguro na gumagana nang maayos ang lahat! Makakatanggap ka ng Chat mula sa Team Snapchat kapag handa nang gamitin ang Memories.