Ngayong araw, excited ang Microsoft at Snap na ianunsyo ang integration ng Snapchat Lenses for Teams, para sa 280 milyong tao na gumagamit ng platform ng collaboration kada buwan. Nag-aalok ang Lenses ng personal at mga nakakaengganyong paraan para sumali at magtulungan, habang nag-a-add ng ilang humor at interactivity na nagpapasigla sa araw ng lahat sa pamamagitan ng augmented reality (i-cue ng AR sunglasses!). Nagiging posible ang integration na ito dahil sa Camera Kit, ang SDK ng Snap na nagbibigay-daan sa mga partner na gamitin ang AR technology ng Snap sa kanilang sariling mga application at website.
Sa mga meeting sa Teams, magiging available ang isang rotating collection ng 26 na sikat na Lenses, mula sa pagiging matalino hanggang sa pagiging malikhain. Lenses na ginagawa kang isang cartoon character, nag-a-add ng mga nakakatuwang background sa mga video mo, Gawing natatangi ang mga meeting mo gamit ang mga bagong paraan para magsimula ng magandang usapan at magkaroon ng malikhaing talakayan sa kickoff ng susunod mong project gamit ang AR. Walang kinakailangang karagdagang download para makahanap ng Lens na angkop sa personalidad at sense of humor mo. Para makapagsimula, i-click ang 'Video effects' at piliin ang 'Snapchat' tab para magsimulang mag-explore.
Ito ang ikalawang integration ng Microsoft sa Camera Kit. Ginamit din nila ang Camera Kit para dalhin ang Snap AR sa Flip. ang video learning platform ng Microsoft kung saan puwedeng mag-post ang mga educator ng mga topic prompt para magsimula ng mga talakayan sa video sa mga mag-aaral. Simula nang i-add ang Snap AR sa kanilang Flip web experience, tumaas nang 60% ang mga mag-aaral at guro na gumagawa ng mga video.
Patuloy kaming nakikipagtulungan sa mga bagong partner para mag-integrate ng Camera Kit at bumuo ng mga bagong use case para sa AR. Puwedeng makipag-ugnayan ang mga partner at developer para makapagsimula: https://ar.snap.com/camera-kit.