Ngayong araw na ito, inanunsyo natin ang isang bagong proyektong pinagsisikapan natin kasama ng The Los Angeles County Museum of Art (LACMA) na tinatawag na Monumental Perspectives.
Magtutulungan ang mga artista na nakabase sa Los Angeles at Snap Lens Creators upang lumikha ng bago at augmented reality na mga monumento at mural,na magtatampok ng iba't ibang kasaysayan at perspektiba mula sa mga komunidad buong lungsod. Magkakaroon ng buhay ang magkakapareho nilang pananaw sa mga lugar sa buong LA, bilang mga daluyan ng adbokasiya at representasyon.
Susuriin nila ang mga napalampas na mahahalagang sandali at pigura mula sa nakaraan at kasalukuyan, na magdadala ng mga bagong karanasan sa Lens para sa Snapchatters. Kasama sa mga unang artistang may likha na darating sa maagang bahagi ng susunod na taon sina:
Ada Pinkston
Glenn Kaino
I.R. Bach
Mercedes Dorame
Ruben Ochoa
Kamakailang inanunsyo ng Andrew W. Mellon Foundation, ang pinakamalaking tagapondo ng arts and humanities sa U.S., ang "The Monuments Project," isang $250 milyon na pangakong babaguhin ang pagkukwento ng mga kasaysayan ng ating bansa sa mga pampublikong espasyo sa loob ng limang taon. Susuportahan nila ang pakikisangkot sa komunidad, mga kaugnay na programang pampubliko, at pagpapalawig ng proyekto upang maisama ang mga karagdagang artista sa mga susunod na taon.
Hindi na kami makapaghintay na bigyan ng buhay ang mga kwentong dati ay hindi naikukuwento sa pamamagitan ng mga lente ng AR sa simula ng 2021.