Hunyo 18, 2024
Hunyo 18, 2024

Ipinapakilala ang Bagong AR Experiences, na Pinapagana ng GenAI

Binabago ng mga advancement ng GenAI ng Snap kung ano ang posible sa augmented reality

Sa Snap, naniniwala kami sa pagbubuo at pagsusulong ng teknolohiya na nagbibigay-kapangyarihan sa ating pandaigdigang komunidad na ipahayag ang kanilang mga sarili at bigyang-buhay ang kanilang pagkamalikhain. Kaya ngayon, inilalahad namin ang mga bagong AR experiences na pinapagana ng GenAI para sa mga Snapchatters at aming komunidad ng developer ng AR.


Mga Innovation sa Real-Time GenAI, Malapit na sa Snapchat 


Pini-preview namin ang real-time na image model ng Snap na maaaring agad na magbigay-buhay sa iyong imahinasyon sa AR. Ginagawang posible ng maagang prototype na ito na mag-type ng ideya para sa pagbabago at makabuo ng mga malinaw na AR experiences nang real time.



Ang milestone na ito ng pagpapagana ng mga GenAI model sa real-time sa mga mobile device ay naging posible dahil sa mga tagumpay ng aming team na mag-optimize ng mas mabibilis, mas mahuhusay na mga GenAI technique. Patuloy na nag-i-innovate ang aming team ng mga researcher at engineer para gawing mas mabilis at mas magaan ang GenAI, para puwedeng gumawa o makipag-ugnayan sa kanilang mga kaibigan kahit saan ang aming komunidad ng Snapchat.  Pinapagana ng aming mga GenAI technique ang mga Bitmoji Background, Chat Wallpaper, Dreams, AI Pets at siyempre ang aming AI Lenses.  


Mga bagong GenAI Tool para sa aming AR Creator Community 


Naglulunsad rin kami ng bagong GenAI Suite sa aming AR authoring tool na Lens Studio, na nagbibigay-daan sa mga AR creator na gumawa ng mga custom na model at asset ng ML para mapagana ang kanilang Lenses. Pinapalakas ng iba't ibang tool na ito ang paggawa ng AR dahil ilang linggo o buwan ang natitipid sa paggawa ng mga bagong model mula sa simula, na ginagawang posible na bumuo ng de-kalidad na Lenses nang mas mabilis kaysa dati.



Gusto naming bigyan ng kakayahan ang sinuman na ipahayag ang kanilang sarili sa pamamagitan ng mga tool sa Lens Studio, at nagdaragdag ang GenAI Suite ng mga bagong kakayahan para palabasin ang mga bagong dimensiyon ng pagkamalikhain. Maaaring paghaluin ng mga artist, creator, at developer ang mga custom na model ng ML sa mga karagdagang feature ng AR para makagawa ng tamang hitsura para sa Lens. 



Nakipagtulungan pa kami sa National Portrait Gallery ng London para gumawa ng mga Lens na inspirasyon ang mga iconic na portrait style gamit ang GenAI Suite. Puwedeng pumili ang mga Snapchatter mula sa koleksyon ng mga portrait-style na Lenses, gumawa ng Snap, at isumite ito sa projection wall ng "Living Portrait" ng museo.  


Nae-excite kami sa kung paano tinatanggap ng artistic community ang GenAI Suite. 


A look at one of the Lenses created by the Snap and the National Portrait Gallery, which used the GenAI Suite.


Bahagi ang GenAI Suite ng aming bagong release na Lens Studio 5.0, na binuo mula sa simula para sa pinahusay na productivity, modularity, at bilis. Binibigyang kakahayan ng update na ito ang mga AR creator, developer, at team ng mga bagong tool para i-personalize ang kanilang development workflow, para mapalawak nila ang mga kakayahan ng Lens Studio at makabuo ng mga mas kumplikadong proyekto.


Hindi kami makapaghintay na subukan ng aming komunidad ang mga bagong tool na ito at tuklasin ang kanilang potensyal na pagiging malikhain.


Bumalik sa Mga Balita