Kasama ang aming mga katuwang at ang komunidad ng Lens Creator, nagtutulungan kami para bumuo ng mas matalino at mas malakas na Snapchat Camera--binabago kung paano tayo umuugnay sa mundo sa pamamagitan ng mga karanasan sa immersive AR.
Ngayon, ipinapakilala namin ang mga bagong AR tool at mga karanasan sa camera sa buong ecosystem ng Snap AR.
Mga Shortcut sa Scan at Camera
Sa Scan, maaari kang maghanap sa milyon-milyong Lenses sa pinakamabilis at pinakamadaling paraan--gamit ang camera! Ngayon, dadalhin namin sa katanyagan ang Snap button, ilalagay namin ito sa mismong pangunahing camera screen ng Snapchat, para maging simple ang paghahanap ng saya at may kaalamang Lenses mula sa mga creator at partner. Binibigyan ka ng Lenses ng kapangyarihan para kilalanin ang mga lahi ng aso, mahigit 600,000 halaman at puno, at milyon-milyong kanta at produkto.
Patuloy kaming nagdadagdag ng mga bagong kategorya ng katalinuhan sa Scan, tulad ng fashion at pagkain. Nagbibigay ang Screenshop ng mga rekomendasyon sa pamimili mula sa daan-daang brand kapag ini-Scan mo ang damit ng iyong kaibigan. Maaari ka ring pumili ng larawan mula sa Memories na i-Scan gamit ang Screenshop. Para itong pagkakaroon ng personal na mamimili sa mismong Camera mo, at magsisimula itong ilunsad ngayon.
Sa lalong madaling panahon, magrerekomenda ang Allrecipes ng mga putahe batay sa mga sangkap na makikita sa Snapchat Camera mo. Kaya kung may hinog kang avocado, i-Scan mo lang! Isang tap lang ang mga mungkahi para sa masarap na paggawa ng guacamole, gamit ang Snapchat camera.
Ipinapakilala rin namin ang Camera Shortcuts, mga bagong kombinasyon ng malikhaing tool na mas lalong nagpapadali sa pagkuha ng mga sandaling nais mong ibahagi. Batay sa kung anong nahahagip ng tanawin ng camera, magmumungkahi ang Snapchat ng mga nauugnay na camera mode, Lenses, at soundtracks. Magsisimulang ilunsad ang Camera Shortcuts ngayon.
Lens Studio
Lens Studio ang aming makapangyarihan at libreng desktop application na nagpapahintulot sa mga creator, developer, o negosyo na pagsama-samahin ang kanilang mga teknikal at malikhaing kakayahan sa pagbuo, paglathala, at pagtaguyod ng Lenses. Ngayon, ina-update namin ang Lens Studio ng mga bagong tool na magbibigay-kapangyarihan sa mga tao na bumuo ng higit pang makabagong Lenses para sa paglalaro, edukasyon, pamimili, at iba pa.
Hinahayaan ng konektadong Lenses ang magkakaibigan na mag-ugnayan gamit ang AR. Sa pamamagitan ng shared state, real-time na pag-uugnayan, at co-located sessions, maaari kang makipag-chat, maglaro, at lumikha magkasama man kayo sa iisang silid o nasa magkaibang panig ng mundo.
Ginagawa ng 3D Body Mesh, Cloth Simulation, at ng Visual Effects Editor ang AR na magmukha at gumalaw nang mas makatotohanan kumpara sa dati para ang mga birtwal na damit ay maging kapansin-pansin ang pagiging totoo, na magbibigay-daan sa iyo na makagawa ng ganap na custom na itsura.
Pinapahintulutan na ngayon ng SnapML ang mga tagalikha na mag-angkat ng kanilang sariling pinasadyang mga modelo ng ML na sumusuri at gumagawa ng audio, para ang Lenses ay makatugon sa tunog.
Inihahatid ng biswal na klasipikasyon ang lakas ng Scan sa Lens Studio, na nagbibigay-daan sa mga creator na lumikha ng Lenses na makauunawa ng higit pa 500 kategorya ng bagay.
Ang Lens Analytics ay nagbibigay sa mga creator ng impormasyong kailangan nila para bumuo ng higit pang nakakaakit at di-malilimutang mga karanasan. Ang hindi-kilala at pinagsama-samang data ay nagdadala ng sagana at detalyadong kaalaman na tutulong sa iyong matuto mula sa audience mo at bumuo ng mas mahusay na Lenses, habang iniingatan ang privacy ng iyong komunidad.
I-download at magsimulang lumikha gamit ang Lens Studio rito. Pagsubok sa AR at Mga Solusyon sa Negosyo
Ipinapakilala namin ang mga bagong karanasan sa pagsubok sa AR kasama ang aming mga katuwang sa fashion, na nagsasama-sama sa mga Snapchatter sa mga negosyong iniingatan nila sa pamamagitan ng Snapchat camera. Nagbibigay ang FARFETCH ng nakakaengganyong karanasan sa pamimili gamit ang 3D Body Mesh at mga kontrol na pinapagana ng boses, kaya maaari kang humiling ng mga bagay na gusto mong i-browse at agad na masubukan sa pamamagitan ng AR. Ginagawa nitong masaya, mabilis, at madali ang pagsubok at pamimili!
Ang Prada ay pumapasok sa aming bagong mga kakayahan sa pagkilala sa gesture, na pinapahintulutan kang magbigay-alam sa Snapchat kapag gusto mong bumili ng isa pang bagay o kulay para mahanap mo ang perpektong bagong pandagdag sa iyong aparador. Ang mga brand at negosyo ay maaaring maghatid ng mahahalaga at nasusukat na mga solusyon sa pamamagitan ng aming Snapchat camera. Ipinapakilala namin ang mga Lente na pinapagana ng API upang ang makapasok ang mga negosyo sa dinamiko at awtomatikong mga paraan para matampok ang kanilang real-time content sa AR nang walang karagdagang trabaho. Sa pamamagitan ng aming pakikipagtulungan sa Perfect Corp, ang The Estée Lauder Companies ay magiging isa sa mga unang nagsama ng kanilang catalog ng produkto sa pamamagitan ng aming API sa Business Manager, na nagpapadali sa paglikha at paglathala ng mga bagong Dinamikong Lente sa Pamimili na may kasamang presyo, kakayahang magamit, at isang paraan para bumili. Ang mga brand tulad ng M·A·C Cosmetics ay maaaring matuto kung anong mga bagay, kulay at estilo interesado ang kanilang mga customer sa pamamagitan ng bagong Analytics ng Pamimili sa AR.
Bilang karagdagan sa Lenses ng pamimili na pinapagana ng API, gumagawa kami kasama ang mga piling kasosyo upang maghatid ng real-time na content sa Lenses. Simula ngayong araw, ihahatid ng Major League Baseball ang stats ng mga live na laro sa Lenses. Ang kanilang Opisyal na Data Partner na Sportradar ay nagbibigay ng mga real-time na iskor na magiging bahagi ng iyong mga kwento habang ikaw ay nagdiriwang ng mga kasalukuyang run na nagpanalo ng mga laro kasama ang mga kaibigan.
Ang mga Pampublikong Profile para sa Mga Negosyo ay nagpapahintulot na ngayon sa mga brand na magtatag ng isang permanenteng presensiya sa Snapchat upang maipalabas ang iyong Lenses, Highlight, at Stories. Pinapagana rin ng mga brand ang pag-browse, pagsubok at pagbili mula sa mga Tindahan, na ginagawang isang bagong lugar ng pagbebenta ang Snapchat.
Sa pamamagitan ng bago naming Creator Marketplace, maaaring gamitin ng mga brand at kasosyo ang aming self-serve Business Manager portal upang maghanap at makipag-ugnayan sa mga beripikadong creator. Pinapadali ng marketplace na ito ang ugnayan sa ilan sa pinakamahuhsay na mga propesyonal sa mundo, na nagbibigay sa mga Lens Creator ng mga bagong pagkakataon upang bumuo ng kanilang sariling mga negosyo.
Maaaring magsimula ang mga negosyo at creator sa ar.snap.com. Gusto na naming makita kung ano'ng gagawin mo!