Marso 28, 2024
Marso 28, 2024

Iba Pang Paraan para Gumawa at Mag-personalize, gamit ang Mga Snap, Stories, Spotlight, at Bitmoji

Gustong-gusto ng aming komunidad ng mahigit 800 milyong member na gamitin ang Snapchat para kumonekta sa kanilang mga kaibigan, ipahayag ang kanilang mga sarili, at gumawa ng mga ala-ala tungkol sa masasayang content. 

Ngayon, nagdaragdag kami ng mga bagong feature para magbigay ng mas marami pang paraan para maging malikhain gamit ng Mga Snap, Stories, at Spotlight, at i-personalize ang app mo para palaging updated ang mga pinakamalapit (at kahit ang mga mabalahibo!) mong kaibigan. 

  • Gamit ang Mga Template, mas madali na ngayong gumawa ng mga high-quality video at mga Snap. Pumunta sa Memories o i-access ang camera roll mo, mag-add ng kanta, at voila! Sa ilang tap lang, magkakaroon ka ng perfect clip para i-share sa mga kaibigan, kapamilya, at fans. 

  • Walang gustong makaranas ng aberya. Kung hindi mo mapagkasya lahat sa isang Snap lang, huwag mag-alala—puwede ka na ngayong gumawa ng mas mahahabang video (na hanggang tatlong minuto) at mag-upload ng mas mahahabang video (na hanggang limang minuto) sa Mga Chat, Stories, at Spotlight. 

  • Anuman ang gusto mong gawin, magiging madali nang i-toggle ang aming Camera para kunan ang mabibilis at kakaibang Snap habang nangyayari ito o mas advanced na content gamit ang mga editing tool sa isang swipe lang. 

  • Matagal nang bahagi ng ating pang-araw-araw na karanasan sa camera ang Lenses at naglulunsad ng unlimited na mga posibilidad ang bagong AI lenses. Nagdagdag kami ng bagong advanced na AI-powered Lens na pinapayagan kang gumamit ng festive theme sa isang tap lang, at abangan ang iba pang paparating na theme at style! 

At, para sa Snapchat+:

  • Puwede na rin ngayong i-pose ang avatar mo sa tabi ng Bitmoji ng besties mo sa Mga Friendship Profile, na puwede mong i-share sa buong app. 

  • “I-bitmojify” ang furry friend mo sa totoong buhay.. Mag-upload lang ng larawan ng alaga mong hayop gamit ang Snap Map, at awtomatikong gagawa ng unique avatar ang aming AI tool na mananatili sa tabi mo sa Map. 

Happy Snapping!

Bumalik sa Mga Balita