Mga Bagong Feature para Maging Unique na IKAW ang Snapchat Account Mo
Mahigit na sa 9 na milyong Snapchatter ang nag-subscribe sa Snapchat+, ang aming subscription service na nag-aalok ng access sa mga eksklusibo at pre-release na feature na tinutulungan kang mas makakonekta pa sa mga kaibigan mo, i-customize ang app mo, at maunang makasubok ng aming mga pinaka-technology advanced na feature.
Ngayon, ipinapakilala namin ang mga bagong feature na makakatulong sa mga miyembro na gawing mas naka-personalize ang kanilang mga account. Ilan sa mga bagong feature na available na ngayon at paparating pa lang ang:
Magdisenyo ng naka-personalize na bahay sa Snap Map, na makikita mo at ng mga kaibigan na na-share mo ang lokasyon mo sa Snap Map. Halos walang limitasyon ang mga paraan para i-customize ang tahanan mo, gusto mo mang magkaroon ng realistic look o maging whimsical na candy castle.

Isama ang alaga mong hayop hindi lang sa Snap Map, kundi pati na rin sa mga chat! Ngayon, lalabas ang custom pet mo katabi ng Bitmoji mo habang nagta-type ka sa mga chat sa mga kaibigan mo.

Magpadala ng mga mabilisang Snap sa mga kaibigan mo o mag-post sa Story mo gamit ang mga bagong opsyon sa pag-expire na tatagal nang 0.10, 0.25, at 0.50 segundo!

Tuloy-tuloy kaming naglulunsad ng mga bagong feature para sa aming komunidad ng subscriber. Manatiling updated sa kung ano ang available sa aming Support Site.
Mayroon ding kaming mga bagong feature na available para sa aming buong komunidad! Para sa lahat ng Snapchatter:
Tingnan ang hitsura mo gamit ang bago live "Mirror: sa aming Bitmoji Builder para makatulong sa pagpili ng mg feature na pinakakahawig mo!

Siguraduhin ding masubukan mo ang pinakabago naming AI-powered Lenses, gaya ng "My 5-Year Old Self" na dinadala ka sa nakaraan!
