Ngayong araw, bago ang World Mental Health Day, nakipagtulungan kami sa Headspace sa pag-release ng dalawang bagong in-app meditations sa ating Headspace Mini -- isang ligtas na lugar kung saan pwedeng mag-practice ng meditations at mindfulness exercises ang magkakaibigan, at kamustahin ang isa't isa sa pamamagitan ng Snapchat.
Binuo namin ang Headspace Mini para mas mahusay na masuportahan ang Snapchatters na lumalaban sa anxiety, depression at iba pang mental health challenges, na suportado ng research na ginawa noong nakaraang taon ukol sa kung paano nararanasan ng ating komunidad ang mga ganitong isyu. Napag-alaman naming karamihan sa Snapchatters ay nakakaranas ng stress at anxiety, at sa mga kaibigan sila unang tumatakbo, higit pa sa mga propesyonal o kahit na mga magulang nila. Gusto namin silang bigyan ng bagong preventative wellbeing tools na direktang magagamit kasama ng mga kaibigan nila, sa lugar din kung saan na sila nag-uusap nang maraming beses sa isang araw.
Ngayon, maraming buwan na ang lumipas nang magsimula ang COVID-19 pandemic, at sa virtual na pagtahak ng Snapchatters sa simula ng school year o sa patuloy na pagiging work from home, gusto nating mas maunawaan kung paano sila naaapektuhan ng krisis.
Nagpa-survey kami sa GroupSolver para malaman kung paano nararanasan ng mga kabataan ang stress at uncertainty sa US, UK at France. Sa bawat market na iyon, ipinapakita ng mga resulta na mas nadadagdagan ang stress ng karamihan sa Snapchatters at COVID-19 ang pangunahing dahilan:
Mas nakakaramdam ng pagkabalisa ang mga Snapchatter kaysa noong nakaraang taon at nababalisa nang mas madalas -- na ang 73% ng mga Snapchatter sa US ay nagsasabing nakaramdam sila ng pagkabalisa nitong nakaraang linggo, kasunod ng 68% sa UK at 60% sa France.
Ang COVID-19 ay nangungunang sanhi ng stress (85% ng US Snapchatters, 87% sa UK at 80% sa France), kasunod ng pera (81% sa US, 77% sa UK at 76% sa France) at pressure sa trabaho/career (80% sa US at 77% sa UK at France). Ang halalan/pulitika ay malaki ring pinagmumulan ng stress para sa US Snapchatters -- kung saan 60% ang nagsabing may ambag ito sa stress nila.
Para sa Gen Z Snapchatters sa US (13-24), school ang nangungunang pinagmumulan ng stress (75% para sa 13-24 at 91% para sa 13-17), kung saan mga pangunahin nilang alalahanin ang kakulangan sa pakikisalamuha sa mga kaklase at pagkahuli sa pag-aaral dahil sa mga abalang sanhi ng COVID-19.
Iniulat ng US Snapchatters na nakakaapekto na ang stress na ito sa kanilang emosyonal at pisikal na kalusugan -- kung saan 60% ang nag-ulat na nababalisa sila, 60% ang napapagod at 59% ang nalulunod sa sitwasyon. Halos 50% ang nag-ulat na hindi sila mapakali at 43% ang nakakaranas ng mas matitinding pagsakit ng ulo.
Dahil humigit-kumulang one-third ng Snapchatters sa US at one-fifth ng users sa UK at France ang gumagamit ng meditation para makaraos sa stress, magre-release kami ng bagong guided meditations sa Headspace para direktang matugunan ang ilan sa mga isyung ito kabilang ang:
“Piliin ang Kabutihan” - maikling meditation na nakatuon sa pag-practice ng kabutihan na pwedeng makapagpabago ng tingin sa atin ng mundo at pagtrato natin sa ibang tao. Sa gitna ng kaguluhan, kalituhan at salungatan, idinisenyo ang meditation na ito para ituon ang ating isipan sa pagmamalasakit.
“Suungin ang School Year” - maikling meditation na nakapokus sa pagtahak sa uncertainty sa school. Kung nakabalik man sa classroom ang mga estudyante o kung nasa bahay pa rin sila, posibleng may mga pag-aalala, anxiety o kahit pa pagkawala ng ugnayan sa mga kaibigan. Idinisenyo ang meditation na ito para tulungan kang huminga at makahanap ng mapagpapahingahan upang maibsan ang kawalan ng katiyakan.
Naniniwala kaming may magagampanang mahalagang papel ang Snapchat sa pagsuporta sa kalusugan at kasiyahan ng ating komunidad. Dagdag pa sa ating mental health resources tulad ng Here For You, inaasahan naming mabuo ang mga pagsusumikap na ito at patuloy na mahikayat ang Snapchatters na humingi ng tulong at makipag-ugnayan sa mga kaibigan.