Oktubre 06, 2020
Oktubre 06, 2020

New Snap Originals and Video Advertising Products Announced

Today, Snap announced new and returning docuseries Snap Originals debuting later this year and in 2021! These new and returning docuseries feature even more young, passionate and inspired creators, and speak to the issues most important to the Snapchat Generation. 

Inanunsyo ng Snap ngayong araw ang bago at nagbabalik na docuseries na Snap Originals, na magsisimula sa mas huling bahagi ng taong ito at sa 2021!

Mula sa pag-aksyon laban sa kawalan ng hustisyang panlipunan at panlahi, hanggang sa paparating na halalan ng presidente, at pagmumuni-muni sa personal at propesyonal na paglalakbay ng indibidwal, ang mga bago at nagbabalik na docuseries na ito ay nagtatampok ng mas bata, mas marubdob, at mas inspiradong creators, at tumututok sa mga usaping pinakamahalaga sa Snapchat Generation.

Ang aming mga bagong palabas ay repleksyon ng aming pag-unawa sa aming komunidad - mula sa mga usaping mahalaga sa kanila, hanggang sa mga talentong mahal na mahal nila. Seryoso kami sa pagtitiyak na ang aming mga palabas ay sumasalamin sa magkakaibang tinig at hilig ng ating komunidad, gayundin sa mga prinsipyo ng Snap. Naniniwala kami sa paghahatid ng mga palabas na hindi lang nagbibigay ng impormasyon kundi nakakaaliw din.

At patuloy ang pagiging patok ng Snap Originals - sa taong ito, naabot ng Snap Originals ang mahigit 75% ng Gen Z population ng U.S. *

Para sa marketers na naghahangad na maabot ang Snapchat Generation sa kapana-panabik na bagong content na ito, ilalabas namin ang aming alok na 'First Commercial' na alok sa lahat ng advertiser sa US ngayong buwan. Ihahatid nito ang unang anim na segundong Commercial na hindi pwedeng i-skip na makikita ng sinumang Snapchatter sa nabuong content natin sa araw na iyon.

Mas marami pang detalye ang nasa ibaba tungkol sa mga palabas na paparating at available na ngayon - sa Snapchat lang!

Kasama sa Bagong Snap Originals ang:

Docuseries 

  • Honestly Loren - (ITV America’s Sirens Media) - Isa sa mga pinakasikat na social media superstar simula nang mag-edad labintatlo, kinukuwestiyon na ni Loren Gray ang lahat ngayon - mula sa pag-ibig, pagkakaibigan, hanggang sa career - sa pinakatapat at nakakaaliw na paraan upang malaman kung ano talaga ang kahulugan ng kaligayahan para sa kanya.

  • Swae Meets World - (Big Fish Entertainment) - Sa gitna ng musika at fashion, sumabak si Swae Lee sa walang takot na pakikipagsapalarang daraan sa tagumpay at trahedya habang naghahanda siyang ilunsad ang una niyang solo album at yakapin ang pinakamahalagang sandali ng kanyang career. 

  • Life’s a Tripp - (Trooper Entertainment) - Matapos ipasa ang pinakauna niyang boto sa pinakamahalagang halalan ng ating panahon, sumabak sa paglalakbay si Trippie Redd upang personal na maranasan ang pinakamalalaking usapin na kinahaharap ng ating bansa sa kasalukuyan, mula sa pagkaadik sa droga hanggang sa reporma sa pulisya, sa tulong ng mga kaibigang kapwa-artisa na may personal ding nakataya tulad nating lahat.

Hindi Scripted

  • The Solution Committee - (Westbrook Media) - Humihingi si Jaden Smith ng tulong ng mga kabataang aktibista at kaibigang artista upang siyasatin at unawain kung anong magagawa natin upang maghatid ng pagbabago kaugnay ng pinakamahahalagang usapin sa lahi at hustisyang panlipunan ng ating panahon. Mag-iiba-iba ang mga tema mula sa reporma sa hustisyang pangkrimen ng pulisya, hanggang sa access sa pagboto, hustisyang pangkasarian, pabahay, hustisyang pang-ekonomiya, pagbabago ng klima at reporma sa edukasyon.

  • Good Luck Voter! - (Snap Inc.) - Isang maiksing serye na may tatlong bahagi tungkol sa edukasyon para sa botante na pinangungunahan ng ilan sa iyong mga paboritong Snap Stars at talent kabilang sina Loren Gray, Ross Smith, Erin Lim, Kimberly Jones, MK Asante at marami pang iba. Ang bawat episode ay magtatampok ng clips, memes at mga pagbanggit sa pop culture na inihalo sa impormasyon kung paanong magpaparehistro para bumoto, at paano titiyakin na maririnig ang tinig ninyo ng iyong mga kaibigan sa lokal at pambansang antas sa araw ng halalan. Isinulat ni Peter Hamby ng Snapchat’s “Good Luck America.”

Bilang dagdag, ni-renew namin ang dalawa sa aming patok na Snap Originals! "While Black with MK Asante" ng Main Event Media, isang All3Media America company, at MK Asante Productions ay nagbabalik para sa season two kung saan ipagpapatuloy ni host MK Asante, may-akda, filmmaker at educator ang pagsisiyasat kung anong ibig sabihin ng pagiging kabataang Itim sa America sa pamamagitan ng pagharap sa mga usaping panlipunan na nakaugnay sa lahi sa pamamagitan ng mga mapanghamig at tapat na usapan. Babalik ang Complex upang i-produce ang ikatlong bahagi ng documentary franchise ng Snap na "Vs The World” na tumatanaw sa makapangyarihang paglalakbay ng quarterback na si Colin Kaepernick.

Nasasabik kaming mapanood mo ang mga ito!

Snap Inc. internal data Hulyo 2020. Inilalarawan ang Gen Z bilang mga user na 13-24 taong gulang. Ginagamit ang mga istatistika ng US Census para sa populasyon ng Gen Z sa US.

Back To News