Sa Snapchat, lahat ay Creator.
Kahit na ikaw ay nagpapadala ng Snap sa isang kaibigan, kumukuha ng isang nakakatawang sandali na ibabahagi sa buong komunidad, o kahit bumibida sa isang Snap Original, ang Snapchat ay nag-aalok ng mga pagkakataon para sa lahat na maibahagi ang kanilang sarili.
Mula nang ilunsad ang Spotlight noong nakaraang taon, nasasabik kaming makita ang pagkamalikhain ng aming komunidad na ibinahagi sa milyon-milyong audience. Ang Spotlight ay lumalaganap sa buong mundo, at mayroon nang mahigit sa 125 milyong aktibong user kada buwan. Patuloy kaming nag-aalok ng milyon-milyon kada buwan para gantimpalaan ang mga Snapchatter sa pagiging malikhain nila. Sa ngayon, mahigit 5,400 Creator ang kumita na nang mahigit $130 milyong dolyar!
Maaari ka na ring mag-upload ngayon sa Spotlight nang direkta mula sa web at tingnan ang ilan sa mga napakahusay na mga Snap sa: Snapchat.com/Spotlight
Iaanunsyo namin ngayon ang mga bagong tool at mapagkakakitaang oportunidad para bigyang-buhay ang malilikhain ninyong ideya.
Story Studio app
Sa huling bahagi ng taong ito ay ilulunsad namin ang Story Studio, isang bagong app para sa paggawa at pag-edit ng propesyonal na content - para sa mobile, sa mobile. Ito ay mabilis at masayang paraan para maging malikhain at gumawa ng mas abante at nakakaengganyong mga bertikal na video na ibabahagi agad sa Snapchat - at kahit saan pa man. Ang Story Studio makukuha sa iOS at libre para sa lahat.
Binuo para sa mga Creator, ginagawang madali ng Story Studio ang paglikha ng content at pag-edit para sa mga may gusto ng nangingibabaw na mga tool sa pag-edit at sa kaalwanan ng pag-edit kahit saan gamit ang kanilang phone. Ang mga itinampok na kaalaman sa kung ano ang nagte-trend sa #Topics, Sounds at Lenses ng Snapchat ay tumutulong magbigay ng inspirasyon sa pagkamalikhain at tumutulong na mapalaganap ang content sa komunidad ng Snapchat. Isagawa ang mga walang putol na transition gamit ang frame-precise trimming, slicing at cutting, ilagay ang perpektong caption o sticker, idagdag ang tamang kanta gamit ang Sounds mula sa robust catalog ng mga lisensyadong musika at mga audio clip ng Snap; o gamitin ang pinakabagong Snapchat Lens na pinag-uusapan ng lahat para likhain ang susunod mong video.
I-save at i-edit ang iyong mga proyekto hanggang sa handa ka na itong ibahagi, at i-post ang iyong natapos na video nang direkta sa Snapchat, gamit lang ang isang simpeng tap - ito man ay sa iyong Story o Spotlight - o maaari mo itong i-download sa iyong camera roll o buksan ang iyong video sa iba pang naka-install na mga app.
Pagreregalo
Ipinapakilala namin ang isang bagong tampok na nagpapahintulot sa aming komunidad na suportahan ang kanilang mga paboritong Tagalikha: Pagreregalo! Ang mga regalo ay ipinapadala sa pamamagitan ng Mga Story Reply at mas lalong nagpapadali para sa mga tagahanga na ipakita ang kanilang suporta para sa kanilang mga paboritong Creator, at para linangin ng mga Creator ang isang mas malalim na ugnayan sa kanilang mga tagahanga. Kapag nakakita ang isang subsriber ng isang Snap na gusto nila mula sa kanilang paboritong mga Snap Star, maaari silang gumamit ng mga Snap Token para magpadala ng regalo at magsimula ng pag-uusap. Ang mga Snap Star ay kumikita ng isang bahagi ng kinita mula sa mga Regalong natanggap sa pamamagitan ng Mga Story Reply. May kontrol ang mga Snap Star sa mga uri ng mensaheng natatanggap nila sa pamamagitan ng custom filtering, kaya ang mga usapan ay nananatiling may-paggalang at masaya. Ang pagreregalo sa pamamagitan ng Mga Story ay lalaganap sa mga Snap Star sa huling bahagi ng taong ito sa Android at iOS.
Sama-sama, bumubuo kami ng isang komunidad kung saan ang mga Creator ay maaaring umunlad, at nasasabik na kaming makita kung ano ang susunod mong lilikhain!