Geofilters ang isa sa mga paborito naming bahagi ng Snapchat. Namangha kami sa pagkamalikhain ng komunidad ng Snapchat, at gustung-gusto naming panooring umangat ang personalidad ng bawat lugar sa pamamagitan ng sining mo. Sa ngayon, halos kalahating milyong Community Geofilters ang naisumite, at araw-araw, ang mga Snap na nilagyan ng Geofilters ay tiningnan nang milyung-milyong beses!
Sa simula, dinisenyo namin ang Community Geofilters para sa mga pampublikong lugar — pero palagi kaming nakakarinig sa mga Snapchatter na gusto nila ng Geofilter para sa kanilang negosyo o pribadong pagdiriwang, kaya ngayon nag-aanunsyo kami ng bago:
Ang On-Demand Geofilters ay hahayaan kang lumikha at maglathala ng Geofilter para sa iyong pagdiriwang, kasal, negosyo, o anumang iba pang lugar o pagdiriwang. Isang masayang paraan ito para tulungan ang mga kaibigan o customer mong palamutihan ang kanilang mga Snap, nasaan man sila!
Paano ito gumagana:
Design — Gamitin ang paborito mong image editor para gumawa ng filter. We’ve also provided some templates that are compatible with Photoshop and Illustrator to get you started :)
Map — Pumili ng geofence kung saan lalabas ang filter mo, tapos piliin ang oras at petsa na gusto mong maging available ang iyong Geofilter.
Buy — Isumite ang iyong Geofilter. Our team will quickly review it and, assuming all is well, get it up and running.
Maaari kang bumili ng On-Demand Geofilters para sa isang pagdiriwang o kahit buong block — para sa isang oras o hanggang tatlumpung araw! Nagsisimula ang presyo sa $5, at nakabatay sa ilang mga salik kabilang, bukod sa iba pa, ang sukat ng iyong geofence at ang panahon na napili mo. Mayroon na ngayong On-Demand Geofilters sa US, UK, at Canada, at marami pang lokasyon ang paparating!
Magsimula sa https://www.snapchat.com/on-demand!
Para sa higit pang impormasyon at Mga Madalas Itanong, pumunsta sa aming Geofilters Support Center.