Ngayon, maglalabas kami ng ulat sa pakikipagtulungan sa Oxford Economics na tumitingin sa papel ng Gen Z sa paghahatid ng pagbangon pagkatapos ng pandemya at digital na ekonomiya. Lumilikha ito ng pagtingin na nakabatay sa ebidensya ng anong magiging hitsura ng hinaharap para sa mga kabataan sa anim na merkado - Australia, France, Germany, Netherlands, United Kingdom at ang United States - at mayroong halo ng bagong pananaliksik sa field, pagsusuri ng malawak na saklaw ng data source at dalubhasang pagtingin mula sa mga negosyante at dalubhasa sa polisiya.
Sa nakalipas na 12 buwan, kinailangang harapin ng mga kabataan ang napakalalaking pagsubok at pagkakagambala sa kanilang edukasyon, karera, inaasahan, kalusugan sa pag-iisip at kagalingan. Habang ang dominanteng salaysay na ang kinabukasan ng Gen Z ay maaaring maging puno ng kawalang katiyakan, ipinapakita ng pananaliksik ng Oxford Economics mayroong tunay na kaso para sa optimismo.
Bilang unang henerasyon na lumaki sa teknolohiya, ang Gen Z ay natatanging nailagay na makabalik at masulit ang lumalaking pangangailangan para sa kasanayang digital.
Kabilang sa mga susing makukuha sa ulat, sa 2030:
Ang Gen Z ay magiging dominanteng pwersa sa lugar ng trabaho sa bilang ng trabaho sa anim na merkado na aabot sa 87 milyon sa 2030.
Sila ay magiging makina ng paggastos ng mamimili sa mga pagtantyang susuportahan nila ang $3.1 trilyon ng paggastos sa mga merkadong ito sa 2030.
Nakatakdang magpabago ng pangangailangan sa kasanayan ang teknolohiya at COVID-19 sa kalakjan ng mga trabaho na nangangailangan ng sulong na kasanayang digital.
Ilalagay ang mas malaking diin sa mga kasanayan sa liksi, pagkamausisa, pagkamalikhain, kritikal na pag-iisip at paglutas ng problema, na nagpapakita ng mga natural na kalakasan ng Gen Z
Higit pa riyan, itinatampok ng pag-aaral ang tumaas na potensyal ng Augmented Reality - isa sa pinakamabibilis na lumalaking digital na teknolohiya sa panahon ng pandemya at ang merkadong inaasahang lumawak pa nang apat na beses sa 2023. Inaasahan itong lumago nang higit pa kaysa sa mga industriyang tulad ng e-commerce at marketing para baguhin kung paano natin nararanasan ang pangangalaga sa kalusugan, edukasyon, arkitektura, aliwan at pagmamanupaktura. Tumataas ang pagiging sikat ng mga trabaho sa sektor at nangangailangan ng pinaghalong teknikal na kasanayan at pagkamalikhain na pinakapapaburan ang Gen Z.
Kabilang din sa ulat ang mga rekomendasyon mula sa Oxford Economics sa mga negosyo, tagapagturo at tagagawa ng polisiya para matulungan ang kabataan na lubos na maabot ang oportunidad ng paglipat sa mas digital na ekonomiya sa pamamagitan ng pagsasara sa agwat sa pagkakamit sa mas maikling panahon, pati na rin ang muling pag-iisip sa mga tradisyunal na modelo ng edukasyon sa mas mahabang panahon.