Hulyo 26, 2024
Hulyo 26, 2024

Ma-enjoy ang Pagdiriwang ng Paris 2024 Olympic Games sa Snapchat

Ngayong linggo, magsasama-sama sa Paris ang pinakamagagaling na atleta sa buong mundo para magtagisan sa pinakamalaking entablado—ang Olympic at Paralympic Games. Narito kung paano masusundan ng fans mula sa bawat sulok ng mundo ang excitement habang nangyayari ito gamit ang Snapchat.

Para matiyak na maranasan ng fans ang saya at pagkakaisa sa Games, nasaan man sila sa mundo, masusubaybayan ng fans ang aksyon gamit ang mga highlight, creator content, unique augmented reality experience, at marami pang iba mula sa mga opisyal na broadcaster.  

Ibinabahagi ng mga opisyal na broadcaster ng Olympic Games, kasama ang NBCUniversal at WBD, ang mga opisyal na highlight para masubaybayan ng fans ang aksyon ng mga atleta. Bukod pa rito, papayagan din ng NBCUniversal ang mga content creator na magbigay ng natatangi nilang pananaw tungkol sa Olympics at Team USA.

Mga Augmented Reality Experience

Ngayong summer, at para sa kauna-unahang pagkakataon, puwedeng maranasan ng fans ang Games nang naka-scale na walang katulad sa pamamagitan ng augmented reality sa Snapchat. Naglunsad ang International Olympic Committee (IOC) at ilang commercial partner ng series ng mga highly immersive AR experience sa Snapchat para magbigay ng inspirasyon, makipag-ugnayan, at magdulot ng excitement. Para sa milyon-milyong nanonood sa buong mundo, umaasa ang mga broadcaster na binigyan ng karapatan ng IOC at mga Olympic partner sa kakayahan ng AR para gumawa ng mas magandang shared experience para sa ating pangdaigdigang komunidad.

Available ang iba't ibang experience na pinapagana ng AR Camera Kit technology ng Snap sa opisyal na app ng Paris 2024 Olympic Games at sa Snapchat. Itinatampok ang mga data feed ng OLympic, archival imagery ng IOC, at marami pang iba, inilunsad ng IOC, sa pakikipagtulungan sa Paris AR Studio ng Snapchat, ang series ng AR Lenses para sa fans sa bahay at sa buong mundo para tiyakin na maramdaman ng lahat na konektado sila sa Games. Halimbawa, sa pagdiriwang ng 100 taong anibersaryo ng huling beses na isinagawa sa Paris ang Olympics, makikita ng fans na naroon ang pagbabagong-anyo ng lungsod at pagbabalik sa hitsura nito noong 1924 Paris. Puwede namang gamitin ng fans sa buong mundo ang Lens para makita ang 1924 Yves-du-Manoir stadium.

Sa pakikipagtulungan din sa Paris AR Studio ng Snapchat, nagdagdag din ang IOC ng unique AR interaction sa opisyal na poster ng Games, na nagkakaroon ng buhay kapag na-scan at available din sa fans sa buong mundo sa pamamagitan ng opisyal na app ng Games at opisyal na Snapchat profile ng IOC.

Nakipag-partner ang Arcadia, ang AR Studio ng Snapchat na nakatuon sa pagtataguyod ng mga makabagong karanasan gamit ang mga innovative brand, sa NBCUniversal para maghatid ng iba't ibang exciting AR experience para iparanas sa Gen Z fans sa US, dalhin sila sa front row ng Opening Ceremony, bigyan sila ng mga naka-personalize na tune-in recommendation na may kasama pang real-time stats, at ipakilala sa kanila ang mga atleta ng Team USA at kanilang mga Bitmoji, kasama ang mga Paralympian ng Team USA (hal. Track & Field star Ezra Frech):

Dadalhin din ng Coca-Cola at Snapchat ang mga dumalo sa kauna-unahang AR vending maching sa mundo. Makikita sa athlete's village at international Food Fest ng Coca-Cola, pinapaga ang makina ng isang custom na Snapchat AR mirror at naghahatid ng mga photo op, laro, at papremyo, pati na rin ang mga paboritong inumin ng Coca-Cola.

Nilalaman

Sa kauna-unahang pagkakataon, at sa pakikipagtulungan ng NBCUniversal, dadalhin namin ang mga creator sa Olympic Games para i-capture at ibahagi ang kanilang mga natatanging karanasan at kuwento mula sa Games. Iko-cover nina LSU gymnast Livvy Dunne, reality star Harry Jowsey, at musical artist Enisa ang mga event kasama ang opening ceremony at ang Team USA Basketball, Gymnastics, Track & Field, Swimming, Equestrian, at marami pang iba, bilang bahagi ng Paris Creator Collective ng NBCUniversaIko-cover nina LSU gymnast Livvy Dunne, reality star Harry Jowsey, professional streamer Kai Cenat, musical artist Enisa, at professional gamer Duke Dennis ang mga event kasama ang opening ceremony at ang Team USA Basketball, Gymnastics, Track & Field, Swimming, Equestrian, at marami pang iba, bilang bahagi ng Paris Creator Collective ng NBCUniversal

Bukod pa rito, tinitiyak ng aming partnership sa NBCUniversal na magkakaroon ng mga opisyal na highlight, pang-araw-araw na wrap-up show, at behind-the-scenes content sa Snapchat habang may laro: 

  • Mga Olympics Highlight: Mga highlight na live na ina-update at binubuo ng pinakamagagandang video moment mula sa broadcast footage ng NBC Sports. 

  • Olympics Spotlight: Mga profile ng mga nangungunang atleta/team, at pagsusuri ng pinakamalalaking storyline at performance gamit ang pinagsama-saang premium footage, mga broadcast highlight, at UGC.

  • POV Olympians: Pag-curate ng pinakamagagandang UGC sa buong internet na nagtatampok ng mga atleta na nangunguna sa Olympics at kanilang pananatili sa athlete's village. 

  • Mga Olympics Throwback: Mga highlight ng mga nangungunang sandali mula sa kasaysayan ng Olympics mula sa mga recap, athlete spotlight, archival content, pop culture, at marami pang iba.


Inihahatid ng Warner Bros. sa Europe at beIN SPORTS ng Discovery sa Middle East at North Africa, magkakaroon ng access ang mga Snapchatter sa bawat hindi dapat palampasing sandali na mangyayari sa Games.

Mga Creative Tool

Available sa mga Snapchatter ang koleksyon ng mga Sticker at Filter para ipagdiwang ang Games. 

Para sa iba pang detalye kung paano namin pinapanatili ang kaligtasan ng aming pandaigdigang komunidad para magtaguyod ng positibo at ligtas na kapaligiran habang nasa Paris 2024 Olympics ar Paralympics, i-click ito

Simulan na ang Games! 

Bumalik sa Mga Balita