Sa okasyon ng exhibition ni Christian Marclay na “All Together” na naka-display ngayon hanggang February 27, 2023, ang The Centre Pompidou sa Paris at ang Snapchat ay nagtatampok ng bagong karanasan sa AR na “Playing Pompidou,” na nagbibigay-daan sa mga bisita ng museo na higit pang maranasan ang sound universe ni Christian Marclay!
Playing Pompidou
Gamit ang pinagmamay-ariang Landmarker na teknolohiya ng Snap para bigyang-buhay ang exterior ng The Centre Pompidou, ginawang instrumentong pangmusika ni Christian Marclay at ng Snap AR Studio na nakabase sa Paris ang harapan ng gusali.
Sa pamamagitan ng kanilang Snapchat camera, magagawa ng mga bisita na i-trigger ang “Playing Pompidou,” na isang interactive na audio at visual na karanasan sa AR na nagtatampok sa mga raw na ingay na natagpuan ni Christian Marclay sa loob ng gusali ng The Centre Pompidou. Ang mga Snapchatter at bisita ay makakagawa ng naka-personalize na musikal na loop na puwedeng i-share sa kanilang friends. Ang mga bersyon ng karanasan ay maa-access pareho sa harap ng The Centre Pompidou at kahit saan sa pamamagitan ng Lens sa Snapchat profile ng The Centre Pompidou, o sa pamamagitan ng pag-scan sa QR code sa website ng exhibition ng The Centre Pompidou.
"Bukod pa sa visual na karanasan sa Augmented Reality, gusto kong magkaroon ng auditory na karanasan ang mga user ng Snapchat. Iniimbitahan ko silang tumugtog at bumuo ng musika gamit ang mga tunog na ini-record ko sa loob ng museo. Mga tunog na hindi nila karaniwang iuugnay sa musika.” - Christian Marclay
"Isang karangalan para sa AR Studio na makipag-collaborate kay Christian Marclay at sa pinakasikat na institusyon ng makabagong sining ng France, na The Centre Pompidou. Mahigit 250 milyong tao ang gumagamit ng augmented reality sa Snapchat araw-araw, at sa pamamagitan ng collaboration na ito, gusto naming ipagsama ang pananaw ng pioneer na artist at ang mga posibilidad na inihahandog ng augmented reality sa napakaraming tao, on-site at saanman sa mundo. " - Donatien Bozon, Direktor ng AR Studio ng Snapchat