Nagtulungan ang Snap at Pride Media para matiyak na maisusulong ang diwa ng Pride na lubos na nakaugat sa aktibismo.
Sa unang pagkakataon, ipagsasama ng partnership ang iconic na publisher ng mga outlet ng LGBTQ na The Advocate at Out sa pamamagitan ng Snapchat para maitampok ang mga diverse at queer-identifying na tagapagtaguyod ng pagbabago na nagsusulong sa katarungan para sa lahat ng tao sa bawat estado ng U.S., sa tulong ng mga kakayahan ng augmented reality ng Snap at komunidad ng creator.
Ilulunsad ngayong araw na ito ang magagandang karanasan sa AR kasabay ng 2020 na edisyon ng taunang feature na “Champions of Pride” ng The Advocate na nagtatampok sa gawa ng mga aktibista, artist, naihalal na opisyal, at karaniwang taong kumakatawan sa buong spectrum ng LGBTQ+ at mga komunidad ng BIPOC na nakakagawa ng tunay na pagbabago.
Makakapag-explore ng mga virtual na art gallery space ang Snapchatters, kung saan puwede nilang makilala ang bawat “Champion of Pride” na kinabibilangan ng mga sumusunod:
“Mighty” Rebekah, isang 13 taong gulang na matagumpay na nagtulak sa pagkakaroon ng LGBTQ-inclusive na curriculum sa kanyang kinalakihang estado na New Jersey
Kim Jackson, isang Black Episcopal na pari na tumatakbo para maging kauna-unahang out na Senador ng Estado ng Georgia
Karla Bautista, isang trans na katutubong babae mula sa Arizona na bumubuo ng mga organisasyon para mapalaya ang mga LGBTQ na imigrante mula sa pagkakakulong
Para mabigyang-buhay ang adbokasiya sa pamamagitan ng augmented reality, nagtalaga ang Snap ng ilang Official Lens Creator para gumawa ng serye ng limang portal na Lens kung saan ang bawat isa ay kumakatawan sa isang rehiyon ng U.S., na nagbibigay-daan sa Snapchatters na ipagdiwang ang mga kuwento ng bawat "Champion of Pride." Ipinapakita ng bawat Lens ang natatanging pananaw ng tagalikha at ang naiibang timpla ng rehiyon, gaya ng brick-walled gallery space sa North Atlantic Lens at mga bulaklak sa estado at mga halamang cattail sa South Lens ng Cyrene. May mga koneksyon ang mga creator sa rehiyong kinakatawan ng kanilang Lens at tinutukoy nilang sila ay LGBTQ+ o kakampi ng komunidad.
Tingnan ang bawat isa sa Lenses ng "Champions of Pride" dito:
“Napakasuwerte naming maitatampok namin ang Champions of Pride ngayong taong ito sa isang makabagong platform gaya ng Snapchat.” ang sabi ng co-editor in chief ng The Advocate na si David Artavia. "Pinupuri namin ang Snapchat at ang kanilang diverse na team ng mga LGBTQ+ na creator para sa pagbibigay ng mas malakas na boses sa mga champion na ito. Kahit papaano, ang bawat isa na nasa listahang ito ay nakagawa ng malawakang magandang pagbabago para sa mundo. Ang augmented reality ng Snapchat ay hindi lang isang makabagong paraan ng pagpapakilala sa kanila, isa itong mahusay na halimbawa kung paano magagamit ang teknolohiya para sa mabuti."
"Gusto kong gumawa ng Pride Lens na hindi lang ipinagdiriwang ang nakaraan, pero pati na rin ang hinaharap," dagdag ng Lens Creator na si Brielle Garcia na gumawa sa Pride Pacific West Lens. "Mahikayat sana ng Lenses na ito ang lahat ng miyembro ng komunidad ng LGBT. Paghihikayat na puwedeng magtagumpay ang mga natatanging tao tulad mo sa larangan ng negosyo, politika, sining, o sa anumang bagay na gusto mo. Mahalaga ang mensaheng ito para sa akin dahil hindi palaging naging abot-kamay ang ganitong uri ng tagumpay para sa atin. Napakaraming nakakamanghang tao ang dumulog sa atin para makapagsulong ng progreso at isa itong pagdiriwang ng kanilang tagumpay at isang gabay sa kung ano ang puwede mong maabot.”
Ginawa ng mga creator ang Lenses na ito sa Lens Studio, ang mahusay na platform ng Snap na ginagamit para makagawa at makapag-publish ng mga karanasan sa augmented reality sa Snapchat.