Napakahalaga ng pagprotekta sa privacy para sa pagtupad ng misyon namin: pagpapalakas sa mga tao na ipahayag ang kanilang sarili, mabuhay sa sandali, matuto tungkol sa mundo, at magsaya nang magkakasama. Para sa amin, tungkol iyon sa pagiging malayang maging ikaw — maging sino ka pa, kung naging sino ka, o kung magiging sino ka.
Ito ang dahilan kung bakit namin ipinakilala ang panandaliang media sa Snapchat — para itakda ang palagay, tulad sa totoong buhay, na hindi ka palaging nakarekord. Nagbibigay-daan ito sa privacy at malayang pagpapahayag. Kapag may bago kang nakilala, hindi ka dapat mangamba na baka naisisiwalat sa kanila at sinusuri nila ang personal na rekord ng buhay mo sa nakalipas na limang taon.
Nasa puso ng lahat ng ginagawa namin ang privacy at karapatan mong pumili ng impormasyong gusto mo lang ibahagi. Kaya naman likas na sa Snap na yakapin ang mga prinsipyo ng General Data Protection Regulation (GDPR): pagpapaliit ng data, maikling panahon ng pagpapanatili, hindi nagpapakilala, at seguridad.
Halimbawa, bago pa man kami magsimulang bumuo ng bagong Snapchat feature, may dedikadong team ng mga abogado sa privacy at mga inhinyero na mahigpit na nakikipagtulungan sa mga tagadisenyo namin para ibalangkas ang mga sumusunod:
How long we retain data
How Snapchatters can view, access, and exercise rights to their data
How to minimize the data collected
How to ensure the data collected isn’t used for anything other than what it’s intended for
Kapag kumokolekta kami ng impormasyon, sinisikap naming maging maingat sa uri ng data na ginagamit namin. Halimbawa, hindi kami kumokolekta ng impormasyon tungkol sa etnisidad, kasarian, o pulitikal na katapatan mo at hindi namin ibinabahagi ang impormasyon sa personal na pagkakakilanlan tungkol sa'yo sa mga advertiser o third party.
Ilan sa mga impormasyong kinokolekta namin ay ang mga bagay tulad ng kung saan mo binubuksan ang Snapchat at kung anong pinanonood mo sa Discover. Tinutulungan kami nitong bigyan ka ng karanasan sa partikular na lokasyon, pati na rin ang itakda ka sa "Lifestyle Categories" o "Content Interest Tags." Tinutulungan kami at ang mga advertiser namin ng interest categories na ito na bigyan ka ng content na personal para sa'yo.
Pinakamahalaga, gusto naming may kontrol ka sa impormasyong ibibigay mo sa amin. Mayroon kang buong kontrol sa interest categories na paglalagyan sa'yo — na kung saan maaari mong piliing umayaw sa lahat. Kung ayaw mong gamitin namin ang data ng lokasyon mo, maaari mong patayin ang mga pahintulot sa lokasyon mo. At panghuli, malaya kang umayaw sa lahat ng pagtarget ng ads batay sa first at third party audience data at aktibidad sa labas ng mga serbisyo namin. Makikita mo ang lahat ng pahintulot na ito sa Snapchat settings.
Pagdating sa ganap na pag-unawa sa kung paano ginagamit ang data mo, alam naming hindi sapat ang isang blog post para matukoy ito. Kaya na-update namin kamakailan ang Privacy Center namin para mabigyan ka ng kumprehensibong paliwanag sa wika na sana ay simple at madaling maunawaan. Kung mayroon ka pang anumang tanong, huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa amin sa link na ito.
Happy Snapping!